Chapter 14

147 12 0
                                    

Hurt


Halos dalawang oras na naglelecture ang aming Professor, kahit walang masyadong pumapasok sa aking utak pinipilit ko pa rin ito iniintindihan. Kahit makakuha lang ako ng konting kaalaman sa dicussion niya ngayong araw. Sikapin ko nalang magreview mamaya para sa subject na ito.

Habang tumatagal kasi mas lalo humahirap ang mga lessons namin. Kung sa bagay major rin kasi namin ito.

Napadako ang aking mga mata kay Hope. Nakakunoot ang kanyang noo habang pilit rin iniintidihan ang discussion. She suddenly pouted her lips and turn her head at me.

"What?" I mouthed at her habang ginagalak ang aking paningin sa aming Prof. na baka mahuli kami.

"Ang hirap." She gave me a weird look na siyang napatawa sa akin.

Biglang tumingin ang katabi ko sa akin na siyang napahinto ako at nagpeace sign sa kanya.

I look at Hope again and gave her a fighting gesture na siyang ngumiti sa kanya at binalik muli ang tingin sa harapan. I sighed hard.

You can do it Abby. Fighting!

Mga ilang sandali tumunog na ang bell na hudyat na lunch time na agad ko namang inayos ang aking mga gamit.

"We're having a quiz next week. Study well students bye." Sabi ng aming Prof na siyang napadismaya ng karamihan kong kaklase habang diretso ito umalis ng classroom.

"Abby wag ka ng magugulat kung nasa mental hospital na ako bukas." Maiyak iyak na sabi ni Hope ng nakalapit ito.

"Ha? Bakit naman?" Nakakunoot ang aking noo ng napatingin sa kanya.

"Nababaliw na ako sa subject na ito. Ang hirap intindihin!" Sinipa niya ang isang upuan na malapit sa kanya. Konti nalang para siyang magbubuga ng apoy dahil sa sobrang inis niya.

Napatawa naman ako sa inasta niya para siyang bata na inagawan ng candy. Bigla naman niya ako tinaasan ng isang kilay na siyang napahinto ako.

"I'm damn serious Abby! Parang puputok na ang utak ko." Inakbayan ko naman ito.

"Ganon talaga ang buhay. Ikain nalang natin Hope. Sayang ang beauty mo kung magdradrama ka lang."

Natigilan si Hope at mataman akong tinignan. Hindi siya nagsalita at maya maya pa lumapad ang kanyang pagkakangiti na parang may pilyong na isip.

"Tama ka Abby! Sa ganda kong 'to magkanda baliw ako sa subject na yan? I don't think so! Maganda ako, subject lang siya." She flipped her hair.

"What ever makes you happy Hope."

"Idrop ko nalang kaya?" Seryoso nitong tanong na siyang napagulat sa akin. "Chos! Mahal ang tuition." Tawa nito habang palabas kami ng classroom.

"Where do you want to eat Love?" Tanong ni'to habang pinipigilan ang tawa niya.

Yan nanaman siya sa pagloloko niya akin. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari noong nakaraang gabi sa sinorpresa ako ni Nathan.

Itong gaga namang ito kinikilig at walang araw pinipilyo  ako. Hindi ko nalang sana kwinento sa kanya. Nakakainis siya!

"Hindi ka talaga titigil Hope." Inis na pagkasabi ko at mas nauna na ako maglakad sa kanya.

"Kinikilig siya uy." Sinindot ako sa taligiran.

I rolled my eyes and continued to walk hanggang makarating kami sa cafeteria.

"Ako na magorder sa ating dalawa, maghanap ka nalang ng mauupuan natin." Tumango naman ito at inabot sa akin ang kanyang pera.

Until There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon