Realization
Pagkapasok ko ng gate nakita ko si Mama na masayang nagdidilig ng mga halaman.
"Ma!" gulat naman itong tumingin sa akin.
"Anak?" hindi makapaniwala sabi ni Mama habang nakasulubong ang dalawang niyang kilay.
"Ma!" dali ako lumapit sa kanya upang yakapin ito.
"Wala kang pasok?"naguguluhan niyang tanong sa akin. Mabilis naman ako umiling sa kanya.
"Sana hinintay mo nalang ako sa Manila anak. Balak ko pa naman pumunta sana sayo bukas." sabi nito habang hinahaplos ang aking buhok.
"Okay lang Ma, na miss ko rin naman umuwi dito." tipid ako ngumiti sa kanya. Tinitigan ako ni Mama sa mata na para bang binabasa ako pero mabilis akong umiwas sa kanyang titig.
"Sakto at nakapag-luto na ako nang umagahan. I-akyat mo muna ang mga gamit mo sa kwarto at sabay na tayo kumain. " Nilagay niya ang takas na buhok sa likod ng aking tainga at malapad na ngumiti sa akin.
"Opo Ma." Lumakad na ako papasok sa bahay at dumiretso sa aking kwarto sa itaas. Nilapag ko nalang sa higaan ang aking backpack at bumaba na rin kaagad patungong kusina.
"Tumawag pala ang Tita Emma mo, tinanong sa akin kung gusto mo na tumuloy sa Barcelona." Bungad sa akin ni Mama ng nakaupo na ako sa hapag kainan. "Naayos na ni Tita mo ang mga papeles mo. Kaylan mo balak sumunod sa kanya?"
Napakagat ako ng aking ibabang labi. Si Tita Emma ang kapatid ng aking Ama, na nagtratrabaho bilang nurse sa Barcelona. Ang totoo niyan sa Barcelona dapat ako magkokolehiyo ngayong taon ngunit nahirapan kami makakuha ng VISA ko at may iilang pang mga papeles na kulang.
Habang hinihintay kong asikasuhin ni Tita Emma ang aking VISA papuntang Barcelona, nag-aral muna ako sa Schmidt University pansamantala. Hindi ko naman aakalaing babago ang tahimik kong buhay simula nakapasok ako sa eskwelahan na iyon at makilala si Nathan.
"I'll think about its Ma."
"Okay anak, basta tawagin mo lang ang Tita mo para makapag-book kaagad ng ticket mo. " sabi nito.
Pagtapos namin kumain sabay na kami umalis ni Mama sa bahay. Nagpahatid ako sa simbahan at siya naman ay tutungo sa coffee shop.
"Magkikita kayo ni Blair?" tanong ni Mama habang hindi tinatanggal ang tingin sa daanan.
"Opo Ma. Ang tagal na rin kasi namin hindi nagkita at sakto naman nandito ako ngayon." tumango naman ito.
"Diretso kayo sa coffeeshop mamaya anak ha?"
"Sure Ma." I gave her a kiss on the cheeks bago binuksan ang pinto at bumaba.
Pagkapasok ko sa simbahan nag dasal muna ako kaonti bago ako nagpatungo sa kumbento kung nasaan si Blair. Huli ko na nabalitaan na gusto niya palang maging madre dahil pala hindi niya tinanggap ang scholarship sa Schmidt. Gusto niya palang manglingkod sa Panginoon.
"Good Morning Sister." Bungad ko sa isang Madre habang naglalakad ito.
"Anong maililingkod ko sa iyo hija?" magalang niyang sabi.
"Itatanong ko po kung saan ko pwede makita si Blair Rosales."
"Si Sister Blair? Lika hija ihatid kita sa kanya." sabi nito at pinamunuan niya ang daan patungo kay Blair. Ilang sandali huminto kami sa isang kwarto.
"Salamat po Sister." yumuko ako upang magbigay galang.
"Walang ano man hija." malapad itong ngumiti at umalis na rin kaagad.
BINABASA MO ANG
Until There Was You
RomanceEveryone's life has its own wishes and dreams, and Abigaile Garcia is not an exemption to that. Simula nang namatay ang Ama nito, she set a goal with ambition and high hopes in her life. To reach what her Father dreamed for her and one day it will...