Chapter 23

163 7 0
                                    

Again

"Abby!" Sigaw ni Hope ng nakapasok ito sa aking kwarto sabay niyugyog ang aking higaan. I hardly groaned with her sudden appearance.

Ano na naman problema nitong babaeng ito at ang aga-aga ang ingay na agad? Hindi niya ba napapansin natutulog pa ako? I'm still in my beauty sleep!

Binewala ko ang kanyang prinsipyo at kinuha ko ang isang pillow sa aking tabi at tinakpan sa aking tenga. Pero sadyang ayaw nitong magpaawat at patuloy lang niya ako kinukulit hanggang nawala na ang aking antok.

"Ano ba kasi iyon Hope? Ang aga-aga na bubulahaw ka!" Inis na pagkasabi ko sa kanya.

Binalewala niya ang aking reklamo at kilig itong umupo sa aking tabi sabay inabot  sa akin ang kanyang Ipad. Napakunot naman ang aking noo pinasadahan ito saglit  saka binalik ang aking tingin sa kanya. 

"Ano kinalaman ng Ipad mo sa pag-storbo mo sa tulog ko aber?" Inis na humiga ako at binalot ng kumot ang aking sarili sabay na tumalikod sa kanya.

"Dali kasi Abby tignan mo ito!" pamumulit niya.

"Ayoko ko Hope, I'm not interested kung ano yang-" nagulat akong hinablot niya ang kumot.  A-angal na sana ako sa kanya ng tinapat niya sa aking mukha ang kanyang Ipad na siyang napagising ng kaluluwa ko pati na rin ang laman loob ko.

"Your all over the headlines Abby! Ikaw na ang maganda! Ikaw na ang bida!"

Bumungad sa aking paningin ang picture naming dalawa ni Nathan nung guest kami sa talkshow ni Miss Kelly nung nakaraang araw. Naguguluhan akong inagaw kay Hope ang kanyang Ipad at dali ko binasa ang nilalaman ng article tungkol sa amin ni Nathan.

"Kala ko ba hindi ka interisado?" nakangisi nitong sabi at mas lumapit pa upang makibasa rin.

Nakasaad sa article ang iilang mga detalye na nang-yari sa talk show ni Miss Kelly na nag-guest kaming dalawa ni Nathan. There are some lies beneath, that the media has stated in this article. I chuckled a bit with their lies and confusing guess as I continue my self to read it. Napataas bigla ang isang kilay ko sa isang pangungusap na nakakuha bigla ng aking atensyon.

Ang CEO ng Schmidt Inc. and the youngest business man in the country which is Nathan Schmidt, is trying to hit on Chef Abigaile Garcia which is me exclusively!

Napatulala ako screen ng Ipad at paulit-ulit itong binabasa.

Trying to hit on me?! Or trying to provoke me?

Galit na binalik ko ang Ipad ni Hope sa kanya at bumangon sa higaan at dali lumabas sa kwarto ko. Naramdaman ko naman nakasunod si Hope sa yapak ko pa baba ng hagdan.

"What can you say about that Abby? Both you and Nathan are all over social media. Can you believe that?" Hindi niyang makapaniwalang sabi.

"At sino naman ang nagpasimuno niyang kasinungalingang balita na yan? I-dedemanda ko kung sino man gumawa ni yan!"

"Chill babe! Hindi ka ba masaya?"

" Masaya? Bakit naman ako sasaya? Puro walang kwenta pinagsasabi nila sa akin Hope. Ayaw ko naman madamay ang pangalan ko na pinag-iingatan ko." paliwanag ko dito.

"Wala naman nagbabatikos sayo Abby sadya nga pinuri ka pa." anya nito. Nagkasalubong ang dalawa kong kilay humarap sa kanya.

"Basahin mo." sabay abot niya muli sa akin ng kanyang Ipad.

Kinuha ko ito sa kanya at saka ko muli binasa hanggang bumungad sa aking mga mata ang mga comments ng mga citizens. Nagpatuloy sa pagsasalita si Hope pero ni isa sa sinabi niya ay walang pumasok sa utak ko at para bang hindi ito maproseso. Napakurap-kurap ako sa harapan ng screen.

Until There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon