Chapter 11

154 8 0
                                    

Date

Sabado ngayon at walang pasok. Maaaga ako gumising ngayon araw at naisipan namin ni Hope mamasyal sa Mall kasama ang mga iilang ka-block mate namin. Bumangon na ako sa higaan at dumiretso sa cabinet ko upang maghalungkat nang damit na susuotin ko.

Nilapag ko na ang damit na susuotin ko sa higaan at binalak ko nang maligo kaagad. Baka mamaya kasi nasa baba na sila lahat. Mostly mga kaklse ko malapit lang ang dorm nila sa University at ang iilan naman nakadorm dito sa loob dahil napag-planuhan naming lahat makita-kita nalang dito.

Hindi ko na dadalhin ang damit sa loob ng banyo at ako lang naman ang tao dito sa kwarto. Umuwi nanaman kasi si Mia sa kanila.

Balak ko sana kumain ng almusal pero tinatamad akong gumawa atsaka hindi pa naman ako gaano na gugumot. Sa Mall nalang ako kakain mamaya mas masarap pa kamo. Kinuha ko na ang twalya ko nakasabit sa cabinet at dumiretso na sa banyo.

Nagising ang buong diwa ko ng dumampi ang malamig ng tubig sa buo kong katawan. Makalipas ng ilang minuto natapos rin ako maligo. Sinuot ko ang bathrobe ko at ang twalya ko naman pinulupot ko sa basa kong buhok. Sinabay ko na rin ang pagtooth-brush bago ako lumbas ng banyo.

Pagkatapos kong mag-sipilyo binuksan ko na ang pintuan ng banyo nang nagulat akong may bulto ng isang lalake nakatalikod sa akin habang nakaharap ito sa bintana.

What the?! Paano ito nakapasok sa loob ng dorm ko? Hinablot ko kaagad ang isang suklay na nakapatong sa table malapit sa kinakatauan ko at taranta kong tinapon sa walang kwentang lalakeng pumasok sa kwarto ko without my consent.

"Hayop ka lumabas ka ng kwarto ko ngayon din!"

Imbis sa kanya tumama ang suklay sa mismong bintana ito sumablay. Sayang! Nagulat ito at agad na humarap sa akin.

Bigla ako nanigas sa kinakatayuan ko ng makilala ko ang lalake. Not only than Nathan the great! Nakangisi itong inekis ang dalawang kamay niya sa kanyang dibdib. Kung makatingin na tila bang impressed itong sa nakikita niya. Kumunot ang noo ko at tinignan ang direksyon ng tingin niya. He was staring at my exposed breast!

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na inayos ang suot ko na bathrobe. Taranta kong tinali ulit yon ay hinigpitan sa pagkakataon na ito. Nang matapos ay ibinaling ko na ulit ang atensyon ko kay Nathan.

" Is that how you treated your visitor Ms. Garcia?" Kalmado nitong sabi at nagsimula itong lumakad palapit sa akin.

"Gaan ka lang wag kang gagalaw." Turo ko sa kinakatayuan niya pero hindi ito sumunod sa akin at deretso lang siyang naglakad papunta sa akin.

Hindi ko mapigilang kumalabog ang puso ko habang mas lalo ito lumalapit sa akin. Direkta ito nakatingin sa aking mga mata , tila ba kung makatingin sayo ay para bang pinapaso ka niya sa kanyang titig.

Napapikit na lamang ako nang aking mga mata at mas hinigpit ang kapit ko sa aking bathrobe. May halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon dahil baka may balak siyang gawin sa akin. I suddenly felt that he stopped in front of me. Hindi ko tuloy mapigilang huminga nang malakas dahil sa kaba.

Saan na ang lakas mo Abigaile? Na tila natameme ka sa harapan ni Nathan. San na yun?

"Relax Abigaile, I'm taking advantage of you. Pagbihis ka na at may date pa tayo. " Dali kong minulat ang mata kong tumingin sa kanya.

"Date?" gulat na tanong ko. Kala ko naman biro lang niya yun nung isang araw. Hindi ko naman akalaing seseryosohin niya pala.

"Yes a date,Gusto mo pa bang hanapin natin ang definition ng Date sa dictionary para sayo?" Tinulak ko naman ito palayo.

Until There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon