Club
Nang nakalabas na kami natanaw ko sila Yara at Chesca na nag-aabang sa may tapat ng kotse na hudyat ko na sasakyan namin papunta sa gimik namin ngayong gabi.
Hindi nila napansin na palakad kami palapit sa kanila pero ng naramdaman ni Yara ang presensya namin ng nakalapit na kami ni Mia saka lang ito lumingon kasabay ni Chesca.
"Finally-" hindi na natapos ni Chesca ang kanyang sasabihin na biglang napadako ang tingin niya sa akin kasabay ang paglaki ng kanyang mga mata.
"What a firing hot body you got there Abby." inikutan niya pa ako na parang hindi makapaniwala sa nakikita kasabay tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
"Thank you."
Napadako naman ang tingin ko kay Yara at ganun rin ang ekspresyon niya kagaya ni Chesca.
"Hay nako! Gusto pa nga niya magpalit kanina eh." sabi ni Mia habang inayos ang strap ng damit ko habang may ngiting tagumpay.
"Buti at pinigilan mo." kinindatan naman ako ni Yara.
Nagtawanan nalang kaming apat hanggang nakapasok na kami sa loob ng kotse. Buong biyahe nagkwentuhan kami at pinayo rin nila ako ng konting advance sa do's and dont's ko mamaya sa bar at dahil nga first time ko.
"Were here!" sabi ni Chesca ng naiparada na ang kotse sa may gilid.
Patingin ko sa bintana ang una kong napansin ay ang mga nagkikislapang ilaw sa labas ng bar, may mga grupo rin na magkakaibigan ang pumapasok at nakapila sa labas ng gusali.
Bigla tuloy ako pinanghihinaan ng loob. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon dati rati sa TV ko lang ito nakikita at ngayon nasisilayan ko na sa harapan ko.
Nakabuntot lang ako sa kanilang tatlo nang nasa harapan na kami ng entrance ng club binigyan ni Chesca isang nakakaakit na tingin ang bouncer saka ito naibutan ng isang libo patago na hindi napansin ng ibang mga tao na nakapila. Ngumisi naman ang bouncer ng nakita ang isang libo at walang hirap nakapasok na kami sa loob.
Narinig ko naman ang ilang reklamo ng tao sa labas pero napalitan ng narinig ko ang malakas na tunog ng music. This is new to me! Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nahihirapan masyado makakita at hindi ako sanay sa pabago-bago ng kulay ng ilaw. Nakakahilo.
The dancing of the people at the dance floor with the loud music ang unang nahagilap ng aking mga mata. Mga iilang mga kababaihan na halos wala ng tinira na damit sa suot nila. Couples that literary making out right in front of us. And even showbiz personnel ay iilang na kita ko.
I sighed. To what I have notice this night, still shock and can't process a thing. Bless my virgin eyes! Ganito ba talaga ang madadatnan at mapapansin mo in every club that you are going through around Metro, Manila?
My eyes drifted on some people that staring at us. I feel uncomfortable lalo na't nakatingin sila sa amin or should I say sa akin to be exact. Even with the darkness and the strobe light, I know some men raised there glass at me ng napadako ang akin paningin sa kanila.
"Oh my goodness, Abby you are the center of attention right now! See I told you boys will get drool of you." Niyugyog ako ni Mia nang nakita niya rin yun.
"Ang yummy! You should approach them!"
Umiling agad ako. I don't even know them. It is so dangerous to talk to stranger lalo pa nandito kami sa club. I may sound a party pooper, I'm just being realistic. It is okay to be alert sometimes. Not being attentive with your surroundings is much worst, just being practical.
Tawanan at hiyawan ng mga kababaihan at kalalakihan ang naririnig ko kasabay ng malakas natugtog ng pinapatunog ng Dj hanggang tumuntong kami sa isang VIP couch na exclusive para sa aming apat.
BINABASA MO ANG
Until There Was You
RomantizmEveryone's life has its own wishes and dreams, and Abigaile Garcia is not an exemption to that. Simula nang namatay ang Ama nito, she set a goal with ambition and high hopes in her life. To reach what her Father dreamed for her and one day it will...