His Name
Isang linggo na ang nakalipas simula huli ko siya na kita sa garden. Wala na siyang sinabi sa akin ulit at agad lang rin siya umalis pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang yun.
Sa nakaraang linggo hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip sa misteryong lalakeng yun.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. I'm being paranoid in my surroundings these past few days. Hindi naman sa takot ako makita siya muli but it just that it gives me different feeling.
Buti nalang linggo ngayon sakto walang pasok at magagawa ko ang iba ko pang assignment na hindi ko natapos sa nakaraang araw pero konti nalang naman iyon. Naisipan kong mamasyal sa Mall para may libangan ako ngayong araw na ito, bago ko tatapusin ang naiwan kong gawain.
Bumangon na ako sa aking higaan at tumungo na sa banyo upang maligo. Wala si Mia ngayon dahil umuwi ito sa kanila. Nagulat nga ako kahapon pagdating ko, may iilang mga lalake nakasuite sa harapan ng kwarto namin kala ko nga kung ano na nangyayari yun pala mga bodyguards ni Mia. Sinundo ito dahil uuwi ngayong weekend sa kanila.
Hindi ko alam isa pala siyang Razon. Isa siyang Heiress! Napakayaman ng pamilyang Razon, sila ang may-ari nang iilang mga food chains dito sa bansa. Mas lalo tuloy ako nailang sa kanya, paano pa kaya ang kaibigan niyang sila Yara at Chesca. Pati rin siguro mga yun mayayaman rin. Ibang -iba ako sa kanila, mayayaman sila samantalang ako may kaya lang. Hindi naman sa inggit ako sa estado nila sa buhay sadyang I feel different.
Even though that she's crazy rich, she's still maintain being low key and friendly to me.
Pagkatapos kong maligo at nag-ayos ng aking sarili umalis na ako sa dorm at tumungo na sa pinakang malapit na Mall dito sa University. Bibili na ako ng stocks nang pagkain ko na kakasya sa isang buwan. Pagkarating ko sa Mall lumibot muna ako ng ilang oras bago ako dumiretso sa hypermarket.
Habang namimili ako bigla ako nakaramdam ng kakaiba, pakiramdam ko may nagmamasid sa akin. Tinignan ko ang buong paligid pero wala ako nakitang nakatingin sa akin. Siguro imahinasyon ko lang, pinagpatuloy ko ang pagmimili at umalis rin kaagad.
As I have checked my watch, its already three o'clock in the afternoon. Magpapalipas nalang siguro ako ng oras sa isang coffeeshop na walking distance sa University para hindi ako mahirapan sumakay ng jeep mamaya pabalik.
"Good afternoon Maam! What can I get for you for today?" sabi ng cashier sa akin nang ako na ang sumunod sa pila. Ningitian ko muna ito bago ko sinabi ang aking order.
"One Macchiato please." Sabi ko dito.
Ilang oras na ang nakalipas sa wakas natapos ko na rin ang mga requirements ko na ipapasa para bukas. Iniunat ko ang aking mga kamay sabay hinawakan ko ang aking batok at wala sa sariling inikot ang ulo para maibsan ang pagod.
Nabigla nalang ako nang may isang waiter ang lumapag ng isang slice ng cake sa aking lamesa.
"I'm sorry but I didn't order-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang ununahan ako ni'to.
"No need to worry about Ma'am. Para sa inyo po talaga yan, may nagbibigay po sa inyo." Sabi ni'to. Palipat-lipat ang tingin ko sa nilapag na slice na cake at sa waiter habang may pagtataka sa aking mukha.
At sino naman magbibigay ni'to aber? Baka nilagyan pa nang lason, hindi naman siguro. Sabi nga nila wag mong tanggihan ang grasya. If there's a opportunity grab the chance daw. I think these is not an option.
"Thank you. May I know, kung sino ang nagbigay ni'to sa akin? Para naman magpasalamat ako ng personal." Sabi ko dito pero hindi niya ako sinagot. Ningitian lamang ako at umalis na kaagad.
BINABASA MO ANG
Until There Was You
RomanceEveryone's life has its own wishes and dreams, and Abigaile Garcia is not an exemption to that. Simula nang namatay ang Ama nito, she set a goal with ambition and high hopes in her life. To reach what her Father dreamed for her and one day it will...