Moving In
Life is so hard they say. Sa una lang ang madali at kung tumuntong kana sa gitna, everything turns crumbles into pieces.
A road that it seems you are on the right path but things never what it seems you think it is.
Maraming mga bagay na hindi natin halos maintindihan at mga pangyayari inakala natin may mapupuntahan.
Mga pangarap na pilit inaabot pero sa huli nawawalan ng pag-asa. Ang palagi ngang sinasabi ni Papa sa akin dati na lahat ng bagay ay may patutungunan. Walang madali kung hindi mo kayang subukan.
Wala naman masama magtaya pero dapat marunong kang lumaban at magpursige. Dahil kung hindi matatalo ka sa huli.
Kanina pa ako nakatulala sa kisame habang patuloy paring tumutunog ang aking alarm clock mahigit sa sampung minuto na ang nakalipas pero tila ayaw ko pang kumilos. Halong halo emosyon ang nararamdaman ko ngayong araw na ito at umpisa ng panibabong kabanata ng aking buhay.
Sa nakalipas ng ilang taon hindi ko akalain na darating ang araw na ito, ang pinakahinihintay ko mula noon. Ang magkolehiyo at makapasok sa magandang eskwelehan.
Pero sa totoo lang nagdadalawang isip ako dati, kung itutuloy ko pa ba ang pag-aaral ko sa Maynila na malayo kay Mama. Ayaw ko kasing mag-isa lang ito at walang kasama. Kami na lang kasing dalawa ang natitira, simula namayapa si Papa. Simula noon pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko si Mama hangga't sa makakaya ko. At ito na nga ang panahon na mapapatunay kong mabibigyan ko ng magandang buhay si Mama.
Ilan sandali bumangon na ako sa aking higaan at dumiretso sa banyo upang makaligo. Habang binabalot ko ng tuwalya ang basa kong katawan, narinig kong sinigaw ni Mama ang aking pangalan.
"Abby!"
"Magpapalit nalang Ma!" sigaw ko habang mabilis pumasok sa aking kwarto at nagbihis. Pagkababa ko ng hagdanan bumungad agad saakin ang mga pagkain na nakahanda sa hapagkainan. Nang makaupo na ako sa aking upuan bigla nagsalita si Mama.
"Ilalagay ko na ang mga gamit mo sa kotse. Pagkatapos mong kumain idouble check mo ang iba mo pang gamit sa itaas baka may na iwan ka." sabi ni Mama sabay kuha ng gamit ko na nakalapag malapit sa pintuan.
"By the way, nasaan na si Blair?" tanong ni Mama ng biglang bumukas ang pintuan galing sa likod ng kusina.
"I'm right here Tita!" sabi neto ng makapasok ito sa loob ng bahay.
"Oh thank God Blair at nakarating kana. Mag almusal ka muna bago tayo umalis." sabi ni Mama at kinuha ang susi ng kotse na nakapatong sa mesa at lumabas na ito.
"Hey, college girl! Excited?!" maaliwas ang ngiting binigay ni Blair sa akin tsaka ako lumapit sa kanya para yakapin ito.
"A little bit. Kinakabahan ako." amin ko sa kanya.
"Oh come on Abby! Maynila iyon! Ibang-ibang dito sa probinsya mas madami ka makakasalamuhang mga tao doon." sabi niya.
"It would be more fun kung nandun ka kasama ko." sabi ko.
Blair is my one and only bestfriend. Mas gusto ko rin sana makasama siya sa Maynila, lalo na't wala naman akong kakilala kahit sino duon. Mas gusto kasi ni Blair ipagpatuloy ang kanyang kolehiyo dito sa probinsya, isa sa dahilan niya ay ayaw niyang mawalay siya sa kanyang magulang.
Wala akong ideya kung anong mangyayari sa akin sa Maynila. Magkakaroon kaya ako ng mga kaibigan?
Ilang oras na ang nakalipas sa biyahe at sa wakas nakarating na rin kami sa Maynila.
"Nandito na tayo!" excited na sabi ni Mama ng nakapasok na kami sa loob ng campus ng Schmidt University.
"Wow ang ganda ng eskwelahan mo Abby!" puri ni Blair habang minamasid ang kabuuan ng campus.
BINABASA MO ANG
Until There Was You
RomansaEveryone's life has its own wishes and dreams, and Abigaile Garcia is not an exemption to that. Simula nang namatay ang Ama nito, she set a goal with ambition and high hopes in her life. To reach what her Father dreamed for her and one day it will...