Chapter 9

189 11 6
                                    

Boy like you

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinapatulog sa pinagkasundo namin ni Nathan. Ang tanga mo talaga Abby.

Bakit ka naman pumayag makipag-date kay demonyong lekhugas na yun aber?

Kakabili pa naman namin yung libro ni Mama. Alang-alang lang sa inagaw niyang libro ko unexpectedly makikipag-date ako sa kanya.

Bumuntong ako ng malalim na hininga at umikot sa kabiling pwesto ko sa kama. Hindi parin ako nakakatulog, lahat nagawa ko na pati pagbibilang ng tupa na gawa ko na rin para lang makatulog ako pero sadyang hindi naging epekto sa akin. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko.

All of the sudden why I caught the attention of the Greek God face like Nathan? I'm not even trying hard! I'm just a simple girl with a simple life. Nandoon siya sa label na mahirap abutin. He has this charisma and I don't think he had a hard time getting a girl.

But why me?

Sa hindi inaasahan bigla lumitaw ang mukha ni Nathan sa isipan ko na siyang napasigaw sa akin.

"Ay kabayo!" sigaw ni Mia na siyang napagising sa kanya.

Nakalimutan ko may kasama pala ako sa  kwarto. I suddenly bit my lower lip and look at her.

"Sorry I thought I saw a cockroach." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Are you sure?" tanong niya na may pag-alala sa mukha niya.

Tumango lamang ako kasabay ng pagpalit ko ng pwesto ko sa higaan. Please lang Nathan, patulugin mo na ako.

Kanina pa ako tulala habang naglelecture ang Prof ko sa harapan. Lutang na ako simula kagabi pa, since Nathan asked me to go out with him.

Napabuntong-hininga ako at sumulyap sa professor ko na sige lang sa pagsasalita. Buti nalang nakapag-advance ako kahit paano kahit magkanda lipad-lipad ang utak ko ngayon may alam ako.

When I heard the word "Dismissed" ay kaagad ko na inayos ang gamit ko.

"Saan ka ngayon tatambay Abby?" tanong ni Hope sa akin ng nakalapit ito sa akin.

"Sa library ako ngayon tapusin ko lang yung essay sa CASE."

"Sige meryenda lang kami kita nalang tayo sa next subject." tumango naman ako.

Kaagad akong lumabas ng classroom at  inayos ang bag ko sa likod. Bago ako pupunta sa library nilagay ko lang muna ang iilang libro ko sa locker.

As I opened my locker to put my things but I suddenly stop when I saw a piece of rose inside.

Inabot ko ito pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa loob.

Sino nagbigay nito? My forehead creased as I scanning the rose. Kinuha ko ang isang papel nakatali roon at binasa.

"You're beautiful just like the rose itself."

-Alex

Alex? Alex Aquino?

"You like it?" A voice made me jump out of shock.  Mabilis akong lumingon at umawang ang labi ko ng makita si Alex na nakatayo sa harapan ko.

"A-Alex." I blinked when I saw him smiled at me.

"You like it?" tanong niya ulit.

Tumango naman ako at nilagpasan siya. I'm being rude at him lately, ayaw ko lang talaga sa kanya. Wala akong panahon sa kanya at may kaylangan pa akong tapusin.

Narinig ko namang sinigaw niya ang aking pangalan pero hindi ko na ito binigyan ng panahon tignan. Bahala siya gaan!

Pasalamat ako at may three hours vacant ako bago ang susunod kong klase. Alam niyo ba? Kala ko dati kapag maraming vacant hours, I thought it was your chance to rest but this period is not actually free.

Until There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon