Girl Meets LOVE - 35 ❤️ (Unknown Feelings)

509 49 15
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:

Hello guys! Thank you so much sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko. ❤️

And, HAPPY 6k! Yey! hihi oo. ganitong bagay lang, ikinatutuwa ko na. Paano pa kaya pag nag-comment ka di ba? 😁

Anyways, salamat ulii! Kisses!

PS:
Si Carlo nasa multimedia.

Lovelots,
kyLiiemichy
--------------------------------------------
Maddie's POV

Ilang oras ng walang malay si Gavin ng sandaling iyon. Mataman pa rin akong nakabantay sa kanya ngayon. Buong lakas kong binuhat ito kanina magmula sa terrace hanggang sa sala. Kung kailan kailangan ko si Seb kanina ay out of reach ito ng tawagan ko. Hindi ko rin naman alam kung sino pa ang tatawagan ng sandaling iyon. Balisa pa rin ang utak ko ngayon habang hinihintay itong magising.

Suddenly, Carlo's face popped out in my head.

Dali dali kong kinuha ang phone ko ng sandaling iyon at hinanap ang number niya. Hindi naman ako bigo sa paghahanap ng numero nito dahil naka-save ito doon.

Nang mag-ring ang telepono ay agad na may sumagot dito.

"Hello?", sabi ng nasa kabilang linya.

"Carlo? Carlo ikaw ba yan? Yung dumalaw sa akin sa hospita?", sunod sunod na tanong ko.

"Yeah. What's happening? Are you okay?"

"Si Gavin Carlo, nawalan ng malay. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam mo ba? Sino pwede kong kontakin? Anong dapat kong gawin?", mabilis na sabi ko.

"Maddie, hey, calm down. Nasaan kayo?"

"Nasa bahay. Carlo.. Natatakot na ako."

"Natatakot?", bakas sa boses ni Carlo ang pagtataka sa kabilang linya. Nang sasagot na sana muli ako ay muling nagsalita ito. "Oh.. Yeah.. Pupunta ako diyan. Okay lang ba?"

"Oo. Oo naman. Carlo bilis. Ilang oras na siyang walang malay."

"Okay okay. Sa ngayon stay calm Maddie. I'll be there in minutes."

"Salamat.", pagkatapos kong sabihin iyon ay binaba ko ang linya.

Agad akong bumalik sa tabi ni Gavin ng sandaling iyon. Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukang gisingin ito pero wala man lang itong reaksyon.

"Gavin.. Gavin gumising ka na. Uyy... Nagaalala na ako oh..", sambit ko.

Kasabay ng paghihintay kong magising sa Gavin ay ang paghihintay rin na dumating si Carlo. Parang bumabagal ang oras ng sandaling iyon at tila napakatagal ko ng nakaupo dun hawak ang kamay nito.

Ilang sandali lang ay may nag-door bell kaya naman agad akong tumakbo palabas at binuksan ang gate.

"Carlo!!", bulalas ko. Hinawakan ko ang kamay niya saka ko pinahubad ang sapatos nito na inwan lang niya sa labas ng pinto at dali daling hinila sa loob.

Agad na umupo si Carlo sa tabi ni Gavin. Hindi ko alam kung bakit mukhang sanay na sanay itong tumingin ng taong walang malay. Una nitong pinakiramdaman ang pulso ni Gavin, at mukhang inorasan pa iyon. Ilang sandali pa ay nakatingin na ito sa dibdib ni Gavin at parang matamang tinitignan ang paghinga nito. Sumunod na ginawa nito ay ang pagtingin niya sa mata ni Gavin. Bahagya pa akong nagtaka kung saan nanggaling ang inilabas nitong penlight. Gamit iyon ay inilawan niya ang mga mata ni Gavin.

Girl meets "LOVE" (Completed)Where stories live. Discover now