Girl Meets LOVE - 52 ❤️ (The Ring)

491 37 7
                                    

A/N:

Happy 10k views! Yay! So happy! Salamat pa rin po talaga sa patuloy na pagbabasa! Muah! Muah! ❤️

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.
---------------------------------------------
Maddie's POV

Laking gulat ko ng biglang higitin ni Seb si Lexis at sinuntok ito. Kasama nito si Mama. Si Mama ang tumawag sa akin at si Seb naman kay Lexis. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong tumayo at makaramdam ng hilo. Agad naman ibinaba ni Mama si Rex na karga nito ng mga oras na iyon at inalalayan akong makatayo ng makita niya akong pagewang gewang na tumayo.

"What was that?!", galit na sabi ni Seb kay Lexis habang dinuduro ito.

"Seb, nagkakamali ka. Inalalayan ako ni Lexis. Natumba ako.", mabilis kong sabi. Nilingon naman ako ni Seb at kinunutan ng noo.

"Na ganoon ang sitwasyon niyo?! Kulang nalang sunggaban ka niya Nee chan!", singhal sa akin ni Seb kaya naman nakaramdam ako ng inis.

"Seb, yang ugali mong yan ang ayaw ko sa iyo. Ang hilig mong hindi muna makinig sa explanation ng iba. Ano bang problema ng nakita mo? Hinahalikan niya ba ako? Hinuhubaran niya ba ako? Hindi naman di ba? Stop acting like that you baka!", inis na sabi ko dito.
(Baka - Japanese word for stupid)

"Maddie, don't waste your time explaining every little details, lalo na kung ganyan kakitid ang utak ng kapatid mo.", bumaling kami kay Lexis at bakas sa mukha nito ang pagka-inis gaya ko. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakahawak sa mukha niyang sinuntok ni Seb.

"You--"

"Shut up!", sigaw ni Lexis ng magsasalita na sana ulit si Seb. "Mas matanda pa rin ako sa iyo Seb kaya konting respeto naman!", singhal niya dito.

Halatang ikinabigla iyon ni Seb kaya naman bahagyang nag-relax ang mukha nito at nanahimik. Napailing ako ng sandaling iyon ng maramdaman ko ang kirot ng kamay ko na kanina ko pang hindi gaanong maigalaw.

"Iha, ano bang nangyari? Namamaga iyang kamay mo oh.", si Mama.

"Miss Marci, leave it to me. Tara sa pinakamalapit na hospital Maddie. Mamaya ay may nabali kang buto.", si Lexis.

Marahan akong tumango at bumaling kay Mama. Mahirap na kapag tumagal na masakit ang kamay ko. Wala akong matatapos na trabaho kung ganoong may dinaramdam ang kamay ko.

"Ma babalik din po kami agad ni Lexis.", paalam ko kay Mama at tumango naman ito.

"Sige na. Kami na ang bahala dito ni Seb.", sabi nito sa akin saka siya bumaling kay Lexis. "Iho, ikaw na ang bahala sa anak ko. Ipagamot mo na rin yang sugat mo sa bibig. Pag-pasensyahan mo na si Seb. Over protective kasi iyan masyado sa ate niya.", natatawang sabi ni Mama kaya naman nginitian siya ni Lexis. Nakita ko naman ang pag-nguso ni Seb sa sulok habang nakatingin sa amin.

"Wala pong problema.", sagot ni Lexis.

"Oh siya, mag-iingat kayo.", muling sabi ni Mama kaya naman tumango kami dito. Kinuha ni Lexis ang bag ko na dala ko kanina at inalalayang maglakad palabas. Hinalikan ko muna si Rex at niyakap naman ako nito bago kami tulayang lumabas ng opisina.

Ilang minuto lang ang nagdaan bago kami tuluyang nakarating ng hospital ni Lexis. Sasakyan nito ang ginamit namin. Habang naglalakad kami papasok ay hindi ko mapigilang mapatingin sa pasa at sugat sa mukha niya dahil sa suntok ni Seb.

Girl meets "LOVE" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora