Girl Meets LOVE - 22 ❤️ ( The Challenge)

812 59 12
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:
Nagloloko ang watty kaya double ito. Idedelete ko rin pag oks na.

PS:
Yung nakakakilig na part, iplay niyo yung YOUTUBE. Swak na swak 😄❤️

Credits to niceOne10 for the YouTube video. 😄

Enjoy!

Lovelots,
kyLiiemichy

-----------------------------------------------------------------
Seb's POV

Nagiinit pa rin ang dugo ko sa sobrang galit. Nanginginig ang kalamnan ko ng mga oras na to. Gusto kong makipagbunutan. Kahit sino. Kahit ano.

*pak!*

Sipa. Tadyak. Suntok.

*blag!*

"Mga Sir, 10 pm po magsasara ang boxing gym. Salamat po."

Huminga ako ng malalim at ganoon din si Gavin Nii chan.

Sa boxing gym namin napagdesisyunan na pumunta. Actually, si Nii chan ang nagdala sa akin dito.

"Oh. Ha! Haaaaah! Okay ka na?", hinihingal na tanong niya.

Umupo ako at sumandal sa pader. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko kay Nii chan ang nalaman ko mula sa ina ko o hahayaan ko si Nee chan na ma-resolve iyon kasama si Nii chan.

"Nii chan, huwag mong iiwan si Nee chan.", prangkang sabi ko at seryoso ako.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at tinapik tapik ang balikat ko.

"What is this all about?", kalamado niyang sagot.

Nilingon ko siya at matamang tinitigan.

"Nee chan, she's getting engage next month. Sa birthday niya."

Nilingon niya ako at kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Napahawak ito sa bibig niya at tumingala.

"What do you mean? Teka.. Kanino? Sino? Alam na ba niya? Anong sabi ni Madz?", sunod sunod na tanong niya.

Yumuko ako at sinuntok ang sahig.

"Hindi ko kilala kung sino. Hindi sinabi ni Mama at mukhang wala pang alam doon si Nee chan. Sh*t! This is sh*t! She's starting it again! She'll ruin Nee chan's happiness! I really hate her!!! I despise her!", nanggigil na sabi ko.

"Relax Seb, walang magagawa ang galit mo.", kalamadong sabi ni Nii chan na ikinidagdag ng init ng ulo ko.

Tumayo ako at kinuwelyuhan siya.

"Do you even know what you're saying?! You'll lose her! Hindi mo kilala si Mama. Kaya niyang gawin ang imposible! Kaya ka niyang paikutin sa kamay niya! Hindi--"

Hinawakan niya ang kamay ko na nakakwelyo sa kanya at mataman akong tinitigan sa mga mata.

"Wala akong pakielam kung ano mang kayang gawin ng ina niyo Seb. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Tandaan mo, hindi."

Kung nakaramdam ako ng takot kay mama, mas nakaramdam ako ng takot at pagkabigla sa salitang iyon ni Nii chan. Nakita ko sa mga mata niya ang pagngingitngit, pero paano niyang nagagawang maging kalmado? Paano niyang nagagawang ipakita sa akin na kaya niyang patunayan ang sinasabi niya ng mga sandaling iyon?

Girl meets "LOVE" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora