Girl Meets LOVE - 53 ❤️ (The Proposal)

568 40 9
                                    

A/N:

Happy 10k views! Yay! So happy! Salamat pa rin po talaga sa patuloy na pagbabasa! Muah! Muah! ❤️

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.
---------------------------------------------
Gavin's POV

Higit dalawang oras na akong naghihintay pero wala pa rin si Maddie. Naka-ilang beses na akong pabalik balik na naglalakad sa glass wall hanggang sa pinto. Ilang beses na rin akong tulalang nakatingin sa magandang view na nasa harap ko. Ngunit tila hindi nakabawas yun sa pagka-inip na nararamdaman ko.

*bzzzt

Napalingon ako sa pinto ng tumunog iyon. Ibig sabihin ay may papasok. Dali dali akong naglakad patungo doon at inabangan si Maddie. Ilang sandali lang ay tumambad sa harap ko ang babaeng pinakamamahal ko. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nang lalapitan ko na sana siya ay patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng yakap. Hindi ko mapigilang mapangiti ng sandaling iyon at makaramdam ng kasiyahan dahil sa naging reaksyon nito. Binuhat ko ito at inikot dahilan para bahagya itong matawa at ganoon din ako.

"Oh my gosh! I've missed you Gav!", bulalas niya ng maibaba ko siya saka niya ako hinaplos sa mukha.

Agad kong napansin ang naka-brace na kamay nito. Hinawakan ko iyon at sinipat ng tingin.

"What happened here?", nag-aalalang tanong ko.

"Na-sprain lang. Kanina ka pa ba dito? Bakit hindi ka man lang nagsabi?", tanong nito saka niya ako muling niyakap.

"Kaninang tanghali ako dumating. I wanna surprise you of course.", bulong ko dito.

"Ses.", nakangiting sabi nito na ngayon ay nakatingala na sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili kong gawaran ito ng halik.

"I've missed you babe."

"Bebeloves Gav. Bebeloves.", nakangusong sabi nito.

"Bebeloves?", natatawang sabi ko. I find it cute and funny.

"Yep.", nakangiting sabi niya saka niya ako ni-nose to nose kaya naman bahagya akong natawa at ganoon din siya.

"You hungry?", pagtatanong ko dito saka ko siya inakbayan at inaya sa dinning area. Tumango naman ito at sinabayan akong maglakad habang nakayakap siya sa bewang ko.

Nang makita niya ang ginawa kong dinner set ay napangiti ito. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan at pagka-mangha.

"You did this?", nakangiting tanong niya kaya naman tinanguan ko siya.

Inalalayan ko siyang maupo ng sandaling iyon saka ako umupo sa harap niya. Maliit lang ang table na iyon kaya naman bolognese pasta lang ang inihanda ko at champagne.

"Bolognese pasta huh?", nakangising tanong ni Maddie.

"Yep. Yan yung pasta na kinain natin dati di ba?", pagpapaalala ko.

"Yeah. Noong broken hearted ka kay Summer.", naiiling na sabi nito.

"Oh, bakit naman napunta doon?", nagtatakang tanong ko.

"Wala lang. Let's eat.", pilit ngiting sabi nito kaya naman hinawakan ko ang kamay niyang walang sprain.

"Hey. Past is past. She's just my ex girlfriend. Wala na siya sa akin.", seryosong sabi ko dito saka ako tumayo at nilapitan siya. Iniharap ko siya sa akin at matamang tinitigan ang mga mata niya. I cupped her face. "Maddie, nag-iisa ka sa puso ko. Ikaw lang ang babaeng laman nito at ng isip ko. Ikaw lang."

Girl meets "LOVE" (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang