Girl Meets LOVE - 3.2 ❤️

583 24 5
                                    

Maddie's POV

Umiling naman ako saka ako pumuntang stage at nag-ayos na rin. Pinakikiramdaman ko si Gavin kung galit ito o nagtatampo lang. Maya maya ay pumunta ako sa harap niya. Tinignan niya naman ako.

"So hindi ka bakla?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya saka lumayo sa akin at tumalikod. Napangiwi na lamang ako at itinuloy ko ang pag-aayos ng mga kailangan sa stage. Halos puno na ang cafe ng mga oras na iyon. Nagsimula na kami ni Gavin ng ilang kanta pagtungtong ng 10 pm. Mas lalong dumami ang tao ng maka-limang kanta na kami ni Gavin. Maya maya lang ay nag-request na ang mga tao, at ng si Gavin ang kakanta ay nagpaalam muna ako na kukuha ng tubig namin. Tinanguan niya lang ako. Wala pa rin ito sa mood. Nagsimula ng kumanta si Gavin. Unang beses ko nga pala siyang mapapanood ngayon na kumanta kaya naman umupo ako sa may bar counter at pinanood siya.

Now playing: Kismet by Silent Sanctuary

Hindi ko namalayang mataman na akong nakatitig sa kanya. Bawat katagang binibigkas niya ay may feelings. Kismet ng Silent Sanctuary ang kinakantan niya ngayon.

"...Pride no longer has room in me

On bended knees in public I cry

Your name for everyone to know that I love you, I love you

Please hear me now

And I'll drive for 2 hours

To bring butterfingers

I don't mind the distance

This kismet's a dance

This time I surrender

My everything forever

Life doesn't matter

Just our souls together.."

Maya maya lang ay nag-iba ang ekspresyon niya at napako ang tingin niya sa isang bagay. Nakangiti na siya ngayon at tila mas pinaparamdam pa nito ang lyrics ng kanta. Na-curious naman ako kung saan siya nakatingin kaya nilingon ko ito. Isang babae, nakatingin at nakangiti rin sa kanya. Matangkad, pang-modelo ang katawan, kutis pinay at naka-dress ito. In short, super gandang babae. Ngayon lang ako napahanga ng isang babae. I mean, sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang na appreciate ang ganda ng isang girly na babae. Si Nikki? Given na talaga ang ganda nung babaeng yun, pero ito, mapapalingon at tingin ka talaga.

Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga tao. Break namin ni Gavin. Kakanta ulit kami after 15 minutes. Maya maya pa ay nakita ko si Gavin na bumaba ng stage at pumunta sa babae. Hinalikan niya ito sa pisngi at ngumiti naman ang babae.

"Sino yun?" tanong ni Beks sa akin. Nagkibit balikat naman ako.

Ilang sandali pa ay nakita kong lumalapit sila sa amin ni Beks. Nakita ko ring nagsilapitan na si Mamsi, Jarred, Charles at Keropi. Samantalang nakita ko naman sa mesa na mag-kausap si Seb at Carlo.

"Guys, girlfriend ko. Si Summer. Hon, mga co-workers ko. Ito si Mamsi, Jarred, Charles--"

"Hon. Alam mo namang hindi ako madaling maka-memorize ng pangalan. Hehe pasensya na ha?" si Summer, bahagya pa itong yumuko at tila nahihiya.

"Ang ganda mo Summer!" bulalas ko. Nagulat naman silang lahat at napatingin sa akin. "Bakit? Hindi ba? Ang ganda ganda niya kaya. Hehe" sabi ko at bumaling naman ako kay Summer na bakas sa mukha niya ang pag-kailang. "Ahh, i'm Madz. Hehe"

"Hi. Hehe" ilang na sabi niya. Sumulyap naman ako kay Mamsi at nagpaalam na pupunta ako sa table nina Seb.

"Wow! Ngayon lang may ni-praise si Madz na babae. Haha" narinig kong sabi ni Mamsi at nagtawanan naman sila.

Girl meets "LOVE" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora