Girl Meets LOVE - 18 (Battle of Heart and Mind) ❤️

1.1K 55 16
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:
Thank you SILENT READERS ❤️☺️

Lovelots,
kyLiiemichy

-------------------------------------------

Gavin's POV

We kissed.

Yeah.

We kissed.

I kissed her.

I kissed an angel.

^______^

"Hoy! Ano ba? Magpeperform na tayo mamaya lutang ka pa rin?", sigaw ni Rain sa akin.

Kasalukuyang nasa AC kami. Last practice na namin. Mamayang hapon kasi ay magpeperform na kami sa battle of the band na gaganapin sa campus kasabay ng closing ceremony ng Sports Fest. Ngayong umaga ay tatapusin na lahat ng championship game para makahabol mamaya sa closing ceremony.

"Haha! Naka-high ata eh! Haha", si Red.

"Mas high pa yan sa high! Tama ba Nii chan?", nakangiting sabi sa akin ni Seb.

Nginitian ko siya at tumango tango ng sunod. Iba talaga ang pakiramdam mula kahapon. Ng mangyari yun. Ang saya saya.

Heaven to.

Heaven!

"Baka gusto mong i-share dude?", sabi ni Red saka umakbay sa akin.

"I kissed an angel dude. Heaven!", nakangiting sabi ko.

Hindi ko maalis ang mga ngiti ko sa mukha ko.

"Naknang! Nakatikim ng anghel! High nga to! High pa sa high! Haha sino?", si Red.

"Secret.", sabi ko saka ako kumindat kay Seb.

"Kadiri ka! Si Seb? Yuck ka dude!", si Rain.

"Pakyu! Hindi! Siraulo!", bulalas ko.

Humagalpak naman sa tawa sina si Seb at Red. Bahagya namang tumawa si Rain.

"Nabigay niyo na mga ticket niyo? Nabigay ko na yung akin.", si Rain.

"Kanino?", si Seb.

"Kay Zane.", nakangiting sabi ni Rain.

"Aba! Luma-love life ka na rin? Haha", si Red.

"Haha. Ganoon talaga. Gwapo eh. Bawal single.", si Rain.

"Haha. Ako mamaya. Hindi ko pa nakokontak si Hana eh.", si Red.

"Nabigay ko na kanina yung akin.", sabi ni Seb sabay peace sign pa ito kaya naman natawa ako. Ilang sandali pa ay sa akin na sila nakatingin.

"Bakit?", nagtatakang tanong ko.

"Nabigay mo na yung sa iyo?", si Red.

"Ah, hindi pa. Mamaya pa."

"Ha? Nako Nii chan. Busy na si Nee chan mamaya. Remember? Magpeperform daw ang girls dance squad para sa closing ceremony?", si Seb.

Natigilan ako ng sandaling iyon at nakalimutan ang bagay na iyon. Sabi pala kahapon sa akin ni Kyle ay magpeperform ang mga babae.

"Nakalimutan ko. Tch!"

Girl meets "LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon