Girl Meets LOVE - 47 ❤️ (Happiness)

652 46 4
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.
---------------------------------------------
Gavin's POV

Paanong habang tumatagal parang mas gumaganda sa paningin ko si Maddie? Bakit parang mas nai-in love pa ako sa kanya araw araw? Sakit na ba to? Naaadik na ako sa kanya eh. Sobra na ata. Yung tipong kapag wala siya, siya ang nasa isip ko. Yung mapapangiti ka out of nowhere sa tuwing maiisip mo siya at tila magpa-pop out ang nakangiti niyang mukha sa isip mo. Yung feeling na miss na miss mo na siya kahit ilang oras palang kayong nagkakahiwalay? Yung tipong siya nalang talaga ang hanap ng mga mata mo. Ng katawan mo. Yung mga ngiti niya. Bawat haplos niyang nagbibigay sensasyon sa buo mong katawan. Yung mga titig niyang para binabasa lahat ng ginagawa mo.

Si Maddie iyon eh. Siya lang talaga ang nakakagawa sa akin ng ganito. Ibang klase. Ang lakas na ng tama ko.

Ayoko na siyang mawala sa akin. Ayoko siyang malayo sa akin.

Nanlumo ako ng sandaling iyon. Nasa opisina ako ngayon at tinititigan ang litrato ni Maddie habang nagluluto, natutulog, nakikipaglaro kay Rex at kung ano ano pa.

Babalik na siya in two days sa America para tulungan ang kompanya nila.

"Ahhh!!! No!", nakangusong sabi ko saka ako tumayo at tumingin sa bintana.

Hindi na ako makapaghintay na makauwi ng bahay ng oras na iyon. Sabik na sabik na akong makita, mayakap at mahalikan ito. Nitong mga nakaraang araw na kasama ko siya ay napakasaya ko. Kulang ang salita para maipaliwanag ngayon ang nararamdaman ko.

She's my happiness. She's my everything. She's my home. She's my kinda crazy. The way she pouts her lips. The way she throws her fist in the air. She's too cute to get on my last nerve but nevertheless I'll kiss her on her cheeks and we'll laugh together.

We can have so much fun when we're together.

'Man.. I'm crazy in love with her.'

Napangiti ako sa naisip kong iyon.

Knock! Knock!

"Come in!", sigaw ko ng may marinig ako katok.

"Sir, Ms. Fuentabella is here.", sabi ng bago kong secretary. Yep. I fired out Shelly.

"Let her in.", utos ko dito. Tumango naman ito at muling lumabas ng bumukas ulit ng pinto ay agad akong tumayo para salubungin ito ng yakap.

"Madz-- ah? Tita Marci?", natigilan ako sa pagmamadaling lakad ng sandaling iyon.

"Wow! That face was epic!", natatawang sabi ni Tita Marci kaya naman bahagya na rin akong nakitawa at nakaramdam ng hiya.

"Sorry Tita, I thought you're Maddie.", sabi ko dito. "Upo ho kayo Tita. Would you like something to drink?"

"Nah. I'm good. Kakamustahin lang kita.", sabi ni Tita Marci saka ito umupo sa couch na nandoon. Umupo naman ako sa harap niya at ngumiti.

"Kailan pa po kayo nandito?", pagtatanong ko.

Tita Marci is so beautiful as always. She's wearing a simple red dress that made her stand out even more.

'Paanong sexy pa rin ito kahit may tatlong anak na? Wow! Just wow! Even Mama actually.. Hmm..'

"Kararating ko lang at dito ako nagpa-diretso. So how are you? And your company? How's ate Belle?"

Ate Belle ang tawag nito kay Mama dahil mas matanda si Mama sa kanya.

Girl meets "LOVE" (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora