Girl Meets LOVE - 5 ❤️

1.2K 74 62
                                    

Gavin's POV

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng malamig na hangin. Hinanap ko naman kung saan nanggaling iyon. Tumayo ako at akmang isasarado na ang bintana ngunit nabaling ang paningin ko ng tanawin sa labas. Bilugan ang buwan at ilang bituin ang makikita mo roon. Nagpasya akong isara na ito saka kumuha ng jacket at lumabas.

Nagtuloy tuloy akong lumabas at nagpunta sa may dalampasigan. Nanatili ako doon at nilaro pa ang tubig sa dagat gamit ang mga paa ko. Malamig iyon kaya naman nagsi-tayuan ang balahibo ko ng maramdaman ang tubig. Agad ko naman iyon binawi at naglakad muli.

Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid. Maya maya pa ay may naaninag akong babae. Nakatayo ito at nakaharap sa dagat habang yakap yakap ang kanyang sarili. Ilang sandali lang ay naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya naman lumingon ito saka napaatras. Napangiti naman ako.

"Sira ulo ka. Akala ko naman manyakis na! Kakaratehin na sana kita!" sabi niya.

Si Madz. Naka-shorts ito pero hindi na kasing iksi ng kanina. Nakaputing tshirt na rin ito at maluwang iyon sa kanya.

"Haha. Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko dito.

"Ses. Parang di ka naman sanay kung saan tayo nakatira." sabi niya at parang natatawa naman ito. Umakap ulit siya sa sarili niya at tumingin sa dagat.

Napangiti ako at tumitig din ako sa dagat saka ko inilagay ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko kay Madz.

"Hmm. Ikaw? Saka bakit ka nandito?"

'Nasa mood siya ngayon. Nakadalawang tanong siya.'

"Medyo kakalabas ko lang. Naalimpungatan ako. Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko ulit.

"Naalimpungatan din kaya nagdecide akong lumabas at panoorin ang sunrise."

Napatingin naman ako sa kanya. Kitang kita ko ang kanyang mga ngiti sa ilalim ng bilog na buwan. Yun lamang ang nagsisilbing liwanag ng mga oras na iyon. Sapat na para makita ko ang ekspresyon sa mukha ni Madz na kailan man ay hindi ko nakita.

A very gentle and lovely face of a beautiful woman. She's smiling like no one is watching. Hindi nakakasawang tignan ang mga iyon at pati ikaw ay mapapangiti sa taglay na ganda ng mga ngiti ni Madz. Naalala ko ang sinabi ng mga boys kanina sa suite, at tama sila. Iba ang gandang meron si Madz. Lalake ako kaya naman alam ko. Hindi ito yung tipong nakakasawa. It's sexy and the way she smiles , is so god damn sexy. Nakaka-akit.

Napakamot ako sa ulo at napahilamos ako sa mukha ng maisip ko ang huling salita na iyon. Tumingin ulit ako sa kay Madz. Bigla itong sumeryso at tila may iniisip. Nagitla ako ng bigla siyang tumingin sa akin.

"Gavin. Are you in love? Like madly in love? Anong feeling?" seryosong tanong niya sa akin.

Mga anim na hakbang lang ang layo niya sa akin ngayon.

"Yes I am." nakangiting sagot ko saka ako lumingon sa dagat. "Love? Actually hindi mo ma-explain eh. Masaya na malungkot. Malungkot na sobrang saya. Yung feeling na you're complete. Na wala ka ng ibang babae na kailangan at sapat ng siya lang." napatingin ako ulit sa kanya. Nakita kong naguguluhan siya. Bumuntong hininga ito saka lumingon ulit sa dagat.

"And I don't want to feel that." seryosong sabi niya. Napakunot noo naman ako. "Haha. Ang weird ba? Ayoko niyang love love na iyan. Nakakatakot. Nakakatakot kasi ni hindi mo man lang alam kung paano ka mababago ng pag-ibig." lumingon siya sa akin at ngumiti. Ngiting mapait. "I'm proud of you G. Kasi you're that strong para pasukin ang isang relasyon."

Girl meets "LOVE" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora