Girl Meets LOVE - 30 ❤️ (An Exemption)

659 53 13
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:

Hello guys! Ayan! 2 chapters this weekend. Push na yan! haha

Big thanks sa patuloy na nagbabasa at nagvovote sa story ko. Thanks po talaga!

This chapter is dedicated to aCkociChe and PrincessWatty02 :)) thanks sa votes guys 😘

Lovelots,
kyLiiemichy

--------------------------------------------
Maddie's POV

Nang marinig kong naguusap sina Trixie at Gavin ay hindi ko napigilang makinig doon. Sa totoo lang, wala naman sa akin kung magusap sila kahit hanggang magdamag. Ngunit ng marinig kong sabihin ni Gavin na maganda si Trixie, hindi ko na napigilang sumawsaw sa usapan nila. Hindi ko rin nagustuhan ang tono ni Gavin ng sabihin niya iyon. Hindi ko nagustuhan ang pagluhod nito sa harap ni Trixie at pagpunas ng luha nito.

I know Gavin and all. He's kind and everything, but, the hell with that kindness-- I'm feeling kinda selfish right now. Like -- stop doing that-- you're mine. But he is mine.

Oo. Nakakaramdam ako ng selos dahil hindi basta bastang babae si Trixie. She's a beauty and brain with that overwhelming smile of hers. She's gorgeous! For God sakes! To add up something, well-- she's Gavin's childhood friend.

Mula nung araw na nakilala ko si Trixie ay gaya ko, aliw na aliw rin siya kay Gavin. Lalo na kapag naiinis itong si Gavin sa kanya at sinisinghalan siya.

I was like --hey! That's our thing!

Ngunit pilit kong binuksan ang isipan ko at pilit na isinantabi ang nararamdaman kong pagseselos. She's an exemption.

Trixie looks so sad. She's broken. She's trying to escape from something or, someone. And yes, I'm right.

Nakikinita ko ang sarili ko sa kanya noon, pati na rin ang mga matang meron si Gavin noon ng iwan siya ni Summer. Kahit anong ginanda ng mga ngiti niya ay kitang kita ko sa kanyang mga mata ang sakit nararamdaman nito. Na siguro sa palagay niya ay walang nakakapansin. But I did. Babae rin ako. Gaya niya, ay pilit nitong kinakaya ang problemang meron siya ngayon.

Pagpasok namin ng kwarto ay pinaupo ko siya sa harap ng vanity ko. Tinanggal ko ang tuwalyang nakapulot sa buhok niya at sinimulang i-blow dry iyon. Nang matapos ako ay sinuklayan ko ang maikli niyang buhok na lagpas hanggang balikat lamang.

"Sorry Maddie."

"About what Trixie?"

"Na nasigawan kita kanina. Masyado lang akong nadala ng nararamdaman ko. Nawala tuloy ang poise ko.", biro nito.

"Okay lang. Masyadong mahirap kapag tinatago mo lahat at kinkimkim iyan sa dibdib mo."

"Bakit ang bait mo?"

"Sa magaganda lang.", biro ko.

"What? haha Thanks for the compliment.", natatawang sabi nito saka niya ako nginitian sa harap ng salamin.

"You're welcome.", nakangiting sabi ko.

Nang matapos ko siyang suklayan ay kinuha ko naman ang curler ko. Sa tatlong araw na kasama ko siya ay, palagi kong ginagawa iyon. Para kasi siyang barbie doll sa paningin ko at hindi ko alam kung paanong nagkaroon ako bigla ng talent para mag-ayos sa isang babae.

Girl meets "LOVE" (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ