Girl Meets Love - Eight(finity) ❤️

1.2K 77 46
                                    

A/N:
Eight(finity)

Ayiie.

Hihi

Hi! Ayan! Update ulit. Inspired ako magsulat ng magsulat eh. ☺️

Ang chapter na to ay dedicated sa lahat ng nag-follow back sa akin at kay SeanZie-Watty (~~,)//

Enjoy!!

-- kyLiiemichy
--------------------------------------
Gavin's POV

FLASHBACK (Summer & Gavin)

"Summer.."

Palabas ng apartment niya si Summer nang magpunta ako doon. Nilingon niya ako at tinignan lahat ng dala ko na inutos na bilhin ni Madz kanina sa akin.

'I will not give up.'

"What are you doing here?", malamig na sabi sa akin ni Summer.

"I want you back. Please. Give me a second chance.", nakangiting sabi ko.

Umatras si Summer saka ito bumuntong hininga. Tinitigan niya akong mabuti. Pilit kong binabasa ang kanyang mga mata at kitang kita ko doon ang cold stares niya na minsan ko ng nakita sa mga mata ni Madz nung hindi ko pa siya kasundo. Parang stranger ang turing ngayon sa akin ni Summer.

"Gavin, i'm really really sorry but, wala ka na talagang mababalikan pa.", sabi nito habang sapo ang sintido niya. "Look, hindi na natin maibabalik sa dati kung anong meron tayo noon. Hindi na ako magiging masaya sa piling mo."

Naramdaman ko nanaman ang kirot at sakit na nararamdaman ko pero pilit kong binabalewala iyon. Lumapit ako sa kanya.

"I'll do anything Summer, everything para lang bumalik ka sa akin.", nagsusumamong sabi ko.

"Gavin, alam mo bang sinasaktan mo lang ako ngayon dahil sa mga pinapakita mo? Gaano ba kahirap intindihin na hindi na kita mahal at hindi na magagawang mahalin pang muli? Gavin, sinasaktan mo lang ang sarili mo ngayon at pinapahirapan mo lang ako.", naiiyak na sabi niya pero ayaw niyang ipakita iyon sa akin kaya naman tumingin siya sa kawalan.

Isa lang ang narealize ko, na mas masasaktan ko pa siya kapag pinagpatuloy ko ito.

END OF FLASHBACK

Ang sakit sakit sa pakiramdam na iyong babae na akala mo mamahalin ka habang buhay ay wala na ngayon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko nanaman napigilang maluha ng mga sandaling iyon. Ganito rin ang naramdaman ko nung iwan kami ni papa. Parang nawalan nanaman ako ng lakas at suporta.

Pinunasan ko ang luha ko saka itinuon ang pansin sa bote ng tubig at gamot na inihanda ni Madz. Pagkatapos kong inumin iyon ay inayos ko ang bimpo na kaninang nakalagay sa noo ko. Papatayin ko na sana ang ilaw nang mapansin ko ang malaking teddy bear na nasa lapag at nakakumot yun. Sa paanang ng bear ay may mga petals ng rosas. Tumayo ako para ilabas sana iyon nang biglang makita ko si Madz na nakadapa sa ibabaw ng bear at mahimbing na natutulog. Suot nito ang hoodie ko. Parang regalo sa akin si Madz ngayon. Kasama yung bear at yung petals, parang sinasabi na, 'para sa iyo to, ingatan mo'. Ang bait naman ni God kung ganoon.

'Mukha ka talagang anghel noh? Pwera sa ugali. Hehe'

Naupo ako sa sahig na nag-indian seat saka ko tinitigan si Madz.

Naalala ko ang mukha niya kaninang takot na takot ng magising ako kanina sa banyo. Naalala ko ang mga luha sa kanyang mata.

"Thank you Maddie.", nakangiting bulong ko sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.

Girl meets "LOVE" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora