Girl Meets LOVE - 23 ❤️ (Feelings)

814 53 24
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:
Happy New Year sa lahat! Have a wonderful and blessed 2015 to all! ☺️❤️

Credits to 02ankitap for the YouTube video. 😆

Hi JaneenPerpenia ☺️ again, thanks much sa pagbasa ng story ko kaya naman dedicated ang new years chapter para sa iyo. 💕

PS:
Maikli lang ang chapter na to kasi naka-chill lang muna ako hehe bawi nalang next chapter. *kiss*

Lovelots,
kyLiiemichy

-----------------------------------------------------

Maddie's POV

Ang bilis bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Nakakawala sa huwisyo. Nakakablangko.

Nang makalabas si Gavin sa kwarto ay saka ako nakahinga ng maluwag.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay halos marinig ko na ito. Nakaka-suffocate. Ang hirap himinga ng maayos.

Ilang sandali pa bago ako nahimasmasan. Napatingin ako sa kama ko na puno ng petals of white and red roses. Napangiti ako. Gavin never fails me to smile.

'Kaya lang, back to reality, makalat to. Ayoko ng makalat lalo na sa kwarto ko! Ugh!'

Umupo ako doon at pumulot ng petals.

I hate flowers. Kasi kahit anong ganda nito ay malalanta pa rin. Ganoon ang minsang paniniwala ko sa love. Kahit anong ganda ng love story niyo, darating at darating ang oras na malalanta ito at mawawalan ng buhay.

Nang makapagbihis ako ay lumabas ako ng kwarto para harapin ang mokong na nasa labas.

"Madz..."

Tinitigan ko ang tila naka-puppy eyes na mata ni Gavin at tila nagre-regret sa ginawa niya kanina sa akin.

"Nag-breakfast kana?", tanong ko at umiling siya. "Anong dala mo?"

"Fries saka icecream."

"Ng gantong oras?", bulalas ko saka ako naglakad papunta sa ref para makita kung anong pwedeng maluto doon.

"Ahh.. Binabalak ko kasing ayain kang lumabas."

"Hmmm..", nilingon ko siya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Mukha ngang naka-porma na ito.

"Anong hmmm? Ikaw talagang babae ka! First date natin to, tapos ganyan lang na reaksyon ang maririnig ko galing sa iyo?", inis na sabi niya sa akin.

"Anong bang gusto mong maging reaksyon ko?", kunot noong tanong ko sa kanya saka ako umupo sa mesa at sumubo ng fries.

"Tch! Dapat man lang, "Date? As in first date? Kyaaah!", ganyan!", sabi nito na nagboses babae pa talaga ng sabihin niya ang line na dapat na reaksyon ko DAW.

humagalpak ako sa tawa ng matapos siya.

"Hahaha! Seriously! Hahaha Gavin, hindi mo pa ba ako kilala? Halos walong buwan mo na akong girlfriend. haha Kailan mo ako nakitang gumanyan?", humahagalpak sa tawang sabi ko.

"Tch! Sabi ko nga!", nakangusong sabi niya sa akin.

Nang mahismasmasan ako ay tinitigan ko siya. Bahagya pa rin akong tumatawa pero pinipilit kong pigilan iyon ng makitang namumula na siya sa inis.

Girl meets "LOVE" (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora