Girl Meets LOVE - 34 ❤️ (Memories)

519 49 4
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:

Hello guys! Thank you so much sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko. ❤️

And, HAPPY 6k! Yey! hihi oo. ganitong bagay lang, ikinatutuwa ko na. Paano pa kaya pag nag-comment ka di ba? 😁

Anyways, salamat ulii! Kisses!

Lovelots,
kyLiiemichy
--------------------------------------------
Gavin's POV

Ilang araw na ang nakalipas mula ng makalabas ako ng hospital. Ilang araw na rin akong nangangapa sa lugar kung saan ako nag-aral.

Ang Baguio.

Binisita ko ang college at hindi inaasahang marami palang nakakakilala sa akin doon.

Sa amin ni Maddie.

Kadalasang maririnig ko ay, 'oh nasaan yung asawa mo? -- oh nasaan yung maldita mong girlfriend? -- oh nasaan na ang master mo? -- aba! hindi mo ata kasama ang buhay mo ngayon? -- na mas lalong nakaragdag ng impresyon ko kay Maddie. Puro tawa, ngiti at pagsisinungaling ang sagot ko sa kanila dahil hindi ko sila maalala at wala silang kaalam alam sa nangyari sa akin.

Bawat sulok ng college ay nilibot ko. Ang gym. Ang mga naging classroom daw namin. Ang canteen. Ang ground field. Ang greenhouse.

I'm guessing that I had live my life full of amazing people with that girl, Maddie. Sa kanya lang ba umikot ang mundo ko sa loob ng apat na taon na iyon?

Napailing ako at napaupo sa may bench sa greenhouse. Mataman kong tinitigan ang mga bulaklak doon. I feel like I'm dreaming without my own identity. I feel like floating but still, I can feel my feet on the ground.

Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Maddie. She asked me if I wanted to break up with her but, I didn't. I don't even know why but there's something within me hesitates. Walang dahilan para hindi ko tanggapin iyon pero naisip kong, may magbabago ba kapag pinakawalan ko siya?

Or am I just being selfish?

And coward?

Pakiramdam ko kapag naputol ang ugnayan namin ay malabo kong malalaman ang buong pagkatao ko dahil sa kasama ko siya buong apat na taon. Siya at ang mga taong nakapaligid sa amin ang nakakaalam ng mga bagay bagay na may kinalaman sa akin. Sa aming dalawa.

That's why I chose to keep her.

Gusto kong malaman kung sino talaga ako bilang ako at kung anong klase akong tao. Yes, I can ask my mom but, she's not even around me all of those times. Nakwento na rin ata nito lahat ng naaalala niya mula nung pagkabata ko hanggang sa tumuntong ako ng highschool. Ngunit ng mag-kolehiyo ako ay pumunta ako sa Baguio para daw maging independent.

And I did. I survived.

Yun ang sabi ni Mama. Nakwento na rin nito ang pagkawala ni Papa. Hindi ko napigilang umiyak nang sabihin niya iyon sa akin. Pakiramdam ko noong araw na iyon ay yun ang araw ng pagkawala ng ama ko. Ang sakit sakit. Ang hirap hirap tanggapin. Ulit.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Inilapat ko kanang kamay ko sa puso ko at matamang pinakiramdaman iyon. It's beating. I'm still alive.

But I feel like, I'm dead.

Kung ganito lang naman ang nangyari sa akin, bakit hindi nalang ako namatay at nakasama ang Papa ko?!

But then, my mother's face suddenly flashed through my mind. Her warm smiles, that keeps on pushing me to move forward.

Girl meets "LOVE" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora