Girl Meets LOVE - 37 ❤️ (Decisions)

577 51 8
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:

Hello guys! Thank you so much sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko. ❤️

And, HAPPY 6k! Yey! hihi oo. ganitong bagay lang, ikinatutuwa ko na. Paano pa kaya pag nag-comment ka di ba? 😁

Anyways, salamat ulii! Kisses!

PS:
Angels Cafe symbol nor sign ay nasa multimedia. ❤️

Lovelots,
kyLiiemichy
--------------------------------------------
Angels Cafe

Love till infinity and beyond.. -Angels

Seb's POV

Mula ng umalis si Nee chan ay pinanghawakan ko ang sinabi nitong babalik ito. Pinaniwalaan ko ang lahat ng sinabi niya. Naniniwala ako sa kapatid ko.

"Hey Hon, masyadong lukot ang mukha ah ah. Maraming bang pasyente ngayon na sinisipsipan niyo ng dugo? O laway? O pupu? Maraming nakakadiri? haha", sinalubong ako ng yakap ni Nikki nang madaan ako sa apartment nito. Magkahiwalay na sila ni Rain ngayon. May sarili na itong apartment.

"Wala. Masyadong lang akong pinagkakaguluhan doon ng mga babae, pasyente man o nurse o doctor. Mas nakaka-stress yun.", natatawang sabi ko.

"Sus! Mukha mo. Lumalandi ka naman ganun?", mataray na sabi nito habang tinatanggal ang coat ko saka iyon nilagay sa coat stand.

"Ikaw lang nilalandi ko. Saka di ako marunong nun. Ikaw nga ang lumandi sa akin diba?", biro ko saka ako umupo sa sofa. "Aww!", binatukan ako nito.

"Fine! Hindi na kita lalandiin! Ang kapal mo!", sigaw nito saka dumiretso sa kusina at nang bumalik siya sa akin ay may dalang sandwich ito at juice. Napangiti ako. "Oh! Hayan! Last ng landi ko yan sayo! Hiyang hiya naman ako!", mataray na sabi ni Nikki kaya naman tumayo ako at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran.

"Di ka naman mabiro Hon. I love you Hon.", bulong ko sa tenga nito.

"Ang galing kong umarte! hihi", si Nikki. "Aww!", siya naman ang binatukan ko saka ako umupo at sinimulang kinain ang sandwich.

"Aray ah! Masakit yun ah! Magkapatid talaga kayo ng brutal na Maddie na iyon! Isa pa yun! Kailan ba yun magpaparamdam?!", sabi nito saka siya umupo sa tabi ko.

"Let her. Babalik iyon kapag handa na siya.", sabi ko saka ko ininom ang juice.

"Hello?! 1 year na! 1 year na ang nakalipas mula ng umalis siya! May balak pa bang bumalik ang ganoon katagal na nawala?! Kainis yun! Di man lang nagsabi! Bwisit kasi yung Gavin na iyon! Ay nako! Bakit mo ba kasi ako pinigilan nung gabing iyon eh!", naiinis na sabi nito.

"Sinabi ko na sa iyo di ba? Para magawang i-handle iyon ng mag-isa ni Nee chan, at kita mo, nagawa niya. Naiwang nganga yung gagong iyon!", inis na ring sabi ko.

"Tch! Pero hindi ko ini-expect that time na sasampalin siya nung Summer ah.", sabi ni Nikki saka siya kumagat sa sandwich ko.

"Yeah. Nagulat din ako.", sabi ko saka ko dali daling inubos ang sandwich dahil mukhang mauubos na ito ni Nikki. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya bahagya akong natawa.

Oo. Pinagtanggol ni Summer si Nee chan ng gabing iyon. She actually heard the last part na sinabi ni Gavin. Gaya ko ay hindi rin daw ito nakigulo muna at hinayaang si Nee chan ang umayos. Sa huli, pati siya ay humanga kay Nee chan.

Girl meets "LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon