Girl Meets LOVE - 46 ❤️ (Responsibilities)

626 46 4
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.
---------------------------------------------
Maddie's POV

Unti unti kong iminulat ang nga mata ko ng sandaling iyon. Nang lingunin ko ang lalaking yakap ko ngayon ay napangiti ako. Mahimbing na natutulog si Gavin na siyang dahilan ng pagngiti ko.

Hinawakan ko ang mukha nito saka iyong marahang hinaplos. Parang panaginip ang lahat ng nangyari kanina. Sa sobrang kasiyahan ko ng sandaling iyon ay bahagya rin akong nakaramdam ng kaba.

Hindi naman siguro panaginip ang nangyari kanina di ba?

Malalim akong bumuntong hininga ng sandaling iyon.

Paano kapag hindi pala totoo ang mga nangyayari ngayon? Paano kung panaginip pang itong lahat? Paano kapag nagising kaming dalawa na parang walang nangyari? Paano kung nadala lang kami ng pagtatalik kaya namin nasabi sa isa't isa ang nga katagang lumabas sa bibig naming dalawa?

Muli akong napabuntong hininga saka ko siya mahigpit na niyakap.

"What? You're awake?", bulong sa akin ni Gavin kaya naman nilingon ko siya. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. "Stop thinking too much."

Nanlaki ang mga mata ko ng sandaling iyon.

"How did you know?"

"Hmm. I don't know. I guessed. Just stop thinking unnecessary things. Go back to sleep. I love you.", sabi nito saka niya ako hinalikan sa noo.

"Hmm. Babalik na ako sa kwarto namin ni Rex. Baka hanapin niya ako paggising niya.", sabi ko dito saka ako bumangon.

Nang patayo na ako ay nakita ko ring bumangon si Gavin. Puungas pungas pa ito ng mga mata habang sinusuot ang pajama niya.

"I'll go with you.", nakangiting sabi nito saka niya isinuot sa akin ang tshirt niya. Inilagay nito ang dalawang kamay niya sa balikat ko at itinulak ako palabas ng pinto.

"Teka, si Carlo?", nagtatakang tanong ko.

"Umuwi siya kanina.", sagot nito.

"Bakit?"

"Hey! Don't even think about other man besides me.", lambing nito hanggang sa makarating kami sa guest room.

Pagdating ko doon ay mahimbing pa ring natutulog si Rex. Sinabi ko kay Gavin na mauna na siyang humiga dahil magsusuot muna ako ng saplot. Nang matapos ako ay pumagitna ako sa dalawang lalake na kasama ko ngayon at nagbibigay ngiti sa akin.

Hinalikan ko sa noo si Rex saka ko iniayos ang kumot nito. Nang makahiga ako ay niyakap ako ni Gavin at hinalikan sa buhok. Nakatalikod ako sa kanya ngayon habang nakaharap naman ako kay Gavin.

"I love you Maddie.", bulong nito kaya naman napangiti ako.

Ngayon nasisigurado kong hindi ito panaginip. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako muli ng antok at nagbalik sa tulog.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ngayon ng breakfast ng may yumakap sa binti ko at sa likuran ko kaya naman napangiti ako.

Si Rex at Gavin. Mukhang nakapaligo na ang dalawa. Sinabihan ko kasing sabay silang maligo kanina ng magising kaming tatlo.

"Whatchu cooking ate?", malambing na tanong ni Rex. Bahagya akong yumuko at hinalikan siya sa pisngi dahilan para humagikgik ito at halikan rin ako sa aking pisngi.

Girl meets "LOVE" (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora