Girl Meets LOVE - 42 ❤️ (Bring Back the Attitude)

534 49 3
                                    

A/N:

At dahil birthday ko! Happy 7k views! Wuhaha! Ayiiie! Simpleng gift lang yan galing sa inyo masaya na ako! hihi

At dahil birthday ko, mang-iinis ako sa chapter na to. haha

Comments guys! Kisses! 😘

Lovelots,
kyLiiemichy
---------------------------------------------
Maddie's POV

"Kyaaaah!!!"

Napasigaw ako ng may makita akong lalaking nakayakap sa akin ngayon. Dali dali akong bumangon at sinipat ang kwarto kung nasaan ako. Agad ko ring hinanap si Rex na ngayo'y papungaspungas na ng kanyang mata.

"Ate, what it ish? You're too loud.", inaantok pang sabi ni Rex.

Sa sobrang nakakagulat ang pangyayari para sa akin ay nakaramdam ako ng inis. Biglang sumakit ang ulo ko ng sandaling iyon kaya napaupo ako sa sahig.

'This is why I hate waking up like this!! Sh*t!!'

"Maddie, he's right.", sambit ni Gavin.

Oo. Si Gavin.

"Ano bang ginagawa mo dito?! Bakit ka dito natulog?!", singhal ko sa kanya saka ako tumayo.

Naguguluhan akong tinignan ni Gavin saka nito hinilamos ang mukha.

"Bad mood kapag nagigising?", nakangising sabi ni Gavin kaya naman mas lalo akong nainis.

"Get out!", sigaw ko.

"Ate, you're scaring me.", si Rex.

Malalim akong bumuntong hininga at muli akong tumingin kay Gavin.

"Get out.", kalmado na ngayon ang pagkakasabi ko dito dahil ayokong makita si Rex na natatakot sa akin.

Sinamaan ko ng tingin si Gavin dahil nakakaloko ito kung ngumiti ngayon sa akin. Tumayo ito at unti unting lumapit papunta sa pwesto ko. Unti unti rin naman ako umatras ng sandaling iyon hanggang sa mabunggo ko ang pader mula sa aking likuran.

'Sh*t!'

Na-corner ako ni Gavin ng sandaling iyon. Inilapat nito ang kanyang mga kamay sa pader dahilan para mas lalo kong iatras ang katawan ko kahit pa wala na akong maaatrasan. Ilang dipa nalang ang layo ng mukha nito sa mukha ko kaya naman mas lalong hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang inis. Mas lalo pa nitong inilapit ang mukha niya patungo sa akin kaya naman inilihis ko ang ulo ko.

"Kahit titigan mo ako ng ganyan, hinding hindi ako magsasawang tumitig sa iyo.", bulong nito sa akin. "I love you Maddie."

Kung meron mang mas sasakit pa sa ulo ko ay yun ang puso ko. Imbis na matuwa ako ng sabihin niya ang huling kataga nito ay nasaktan ako. Sa sobrang sakit nun ay napahawak ako sa dibdib ko. Buong lakas ko siyang itinulak at hindi naman ako nabigo. Napaatras ito at tila nag-taas pa ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko. Muli ay nasilayan ko ang nakakalokong ngiti sa mukha nito.

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko ng sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ngunit nasisiguro kong hindi mawawala doon ang inis dahil halo halong emosyon ngayon ang nararamdaman ko.

"I'm done Gavin. Huwag mo namang paglaruan ang nararamdaman ko.", seryosong sabi ko dito.

Ang nakakalokong ngiti ni Gavin ay napalitan ng pagtataka. Kumunot ang noo nito saka niya ako matamang tinitigan.

"Kailan man ay hindi ko magagawang magbiro tungkol sa nararamdaman ko Maddie.", seryosong sabi nito saka siya lumabas ng kwarto at padabog na isinara ang pintuan.

Girl meets "LOVE" (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin