Girl Meets LOVE - 14 (Sports Fest 3)

843 60 17
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:
A selfie photo of Maddie. ^_^

*kiss*

Hello.

Enjoy.

(~~,)//

-----------------------------------------------------------------
Sports Fest Day 3

Gavin's POV

Kasalukuyan akong nanonood ng laro ni Madz ngayon at tila walang pinagbago ang laro niya. Kalaban nila ang Law department sa volleyball.

"Go Hart 15!"
"Hart 15!!!"

Parami ng parami ang nagchicheer kay Madz ng mga sandaling iyon. Napa-iling naman ako at napa-buntong hininga. Hindi ko kasama si Red ngayon kaya naman mag-isa akong nakaupo sa bench ng mga players. Kilala na rin kasi ako ng mga nursing students dahil madalas akong nanonood ng laro ni Madz.

"Hi.", bati ng babae.

"Hello."

"Girlfriend mo ba si Miss Hart?"

"Ah, hindi hindi. We're friends.", naiilang na ngiting sabi ko.

"Ahh. So yung kahapon ang boyfriend niya kung ganoon?"

Natigilan ako ng ilang sandali at saka marahan siyang tinanguan. Hindi ko alam kung bakit ako nag-pause, saka sumagot. May sasabihin pa sana ito pero bigla siyang tinawag ng coach nila. Oo. Kasali siya sa volleyball team nina Madz.

Naalala ko nanaman tuloy si Lexis at nakaramdam ng inis.

FLASHBACK (sa hospital)

Nang lumabas si Lexis ay umupo ako sa tabi ni Summer. Casual na nginitian niya ako at ganoon din ako sa kanya.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung anong magiging reaksyon ko.

Nakaramdam ako ng pag-aalala sa kanya, pero mas naiisip ko si Madz ng mga sandaling iyon. Yung reaksyon niya bago ko siya iwan kanina. Yung mga mata niyang gustong umiyak pero parang wala namang luha.

"So, how are you?", nakangiting tanong sa akin ni Summer. Her gentle smile as always.

"I'm good. Kamusta daw ang kalagayan mo?", nakangiting tanong ko.

I was able to talk to her like everything is fine. Akala ko makakaramdam ako ng pagkailang at kikirot nanaman ang dibdib ko, pero wala naman.

"Okay naman na, pero baka mag-stay pa daw ako dito ng 2-3 days para makasiguradong magiging okay ang lahat."

"Ano bang nangyari?"

"Ah. Nasa club kasi ako kanina, then may mga nambabastos sa akin at hindi rin maawat iyon ng mga nandoon sa club. Then, si Lexis agad ang naisip kong tawagan. Hehe Madalas kasi kaming magkasama nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko naman alam na aabot sa ganoon.", malungkot na sabi niya.

"Hmmm. Don't feel sad, it's not your fault.", nakangiting sabi ko.

"Pero napaaway si Lexis at Maddie, nasaktan pa sa gulo si Maddie. She's a girl, pero lumaban siya at hindi man lang nakaramdam ng takot. Kaya naman nung makita kong may hahampas kay Lexis ng nakatalikod siya hindi na ako nagdalawang isip na sanggain yun. Kaya lang, ito ang nangyari. Nagi-guilty rin ako kay Maddie dahil ako ang pinili ni Lexis na samahan ngayong gabi, eh nagkakamabutihan pa man din sila ngayon."

Girl meets "LOVE" (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ