Girl Meets LOVE - 3.1 ❤️

1.2K 85 69
                                    

Maddie's POV

Wednesday.

Gaya ng nakaraang araw ay balik eskuwelahan ako at kapag natapos ang klase ay didiretso sa dance squad para mag-practice. Kapag natapos ako doon ay agad rin akong didiretso sa Angels Cafe para sa gig. Dumating ang Huwebes, sumunod ang Biyernes at gaya ng dati ay ganoon pa rin ang naging routine ko. Boring ang buhay ko. Ang boring boring talaga. Sa sobrang boring, nakakatamad bumangon sa umaga. Psh!

Saturday.

Busy akong nag-aayos ng bahay. Darating kasi ang pinakamamahal kong lalake sa buhay. Si Seb. Sinabi ko na rin kina Carlo, at Mamsi na dadalaw siya sa A.C mamaya. Nung Tuesday pa ako good mood dahil kay Seb. Sinabi niya kasing bibisita siya ngayong araw na ito kaya naman pinaghandaan ko talaga ang pagpunta niya. Lagot kasi ako pag nakita niya ang kasalukuyang itsura ng bahay ko.

Makalat.

Madumi.

Parang di tirahan ng babae.

Actually, Saturday talaga ang general cleaning ko dito sa bahay. Every week naman akong naglilinis pero hindi ko alam kung bakit laging makalat ang loob ng maliit na bahay na ito. Siyempre, joke lang, makalat lang talaga ako. Bungalow style ito at kumpleto sa gamit. Maliit lang ito pero saktong sakto lang para sa akin. May 2 bedroom, isang CR at halos magkadugtong lang ang dinning area at kusina. Hiwalay naman ang sala kung saan sa pagitan ng kusina at sala ay may Japanese shoji divider. Kung titignan mo ang kabuuang shape ng bahay ay nakahigang letter L ito. Naiimagine niyo ba? Ah basta. Hehe

Linis dito. Ligpit diyan. Vacuum dito, vacuum diyan. Nakacarpet kasi ang buong bahay kaya naman kailangang vacuum ang gamitin. Mas gusto ko kasi ang carpet kesa sa marmol or wood floor. Nang matapos akong maglinis ay tinignan ko kung anong pagkain ang nasa ref.

"Psh! Kailangan kong mag-grocery!! Eish!!!" mahinang sabi ko sa sarili.

Wala akong nagawa kundi ang magpasyang lumabas at mamili. Naligo ako saka nag-ayos. Simpleng khaki shorts na blue at white tshirt na may design na Eiffel tower ang pinili ko saka ako nag-converse ng black. Napagpasyahan ko ring ilugay na lang ang buhok ko at dali daling lumabas.

"Madz!!"

"Madz oy!!"

Narinig ko ang pangalan ko ng naglalakad na ako papuntang paradahan ng jeep. Hinanap ko naman kung saan nanggaling ang boses na iyon. Kumunot naman ang noo ko ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin.

"Ang bingi mo naman!" si Gavin.

"Problema mo?" pormal na tanong ko.

"Pupunta kang town? Tara, sabay na tayo." yaya niya.

Simula nung araw na naging okay ang pakikitungo ko sa kanya ay panay na ang sulpot nito kapag nakikita ako. Hindi naman sa naiirita ako, pero nakakasawa. Mantakin mong, partner ko sa sayaw tapos partner ko pa sa gig. Then nakakasabay ko na rin siyang umuwi dahil nasa iisang village pala kami nakatira. Nakakasawa. Nakaka-umay.

"Uy! Ano?" tanong niya ulit.

"Bakla ka ba?" tanong ko at sinabayan ko ng hakbang papuntang paradahan ng jeep.

"Ha?"

"Bakla ka ba?"

"Ano?" mas tumaas ang boses niya at nakakunot noo na ito.

"Bakla ka-"

"Hoy Madz! Nakakainis ka na! Bakit mo naman nasabing bakla ako?!" inis niyang sabi.

"Paano, daig mo pa ang babae kung makachika sa akin. Tapos ang daldal mo pa." pormal na paliwanag ko habang inip ng naghihintay ng jeep.

"Ha? So yun ang basehan mo? Fail naman to. Hindi ako bakla. May gf nga ako di ba?" inis pa ring sagot niya.

Girl meets "LOVE" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora