Girl Meets LOVE - 57 ❤️ (Her Boys)

529 34 3
                                    

A/N: Meet Jarred/Red, Charles and Keropi. Multimedia guys. hihi 😍

You're WELCOME! haha

------------------------------------------

Gavin's POV

Ayos na ang lahat. Kulang nalang talaga ay ang araw na dalawa na kaming nasa simbahan ni Maddie at pinag-iisang dibdib sa harap ng altar. Yung pakiramdam na makakasama ko na siya habang buhay. Yung bawat paggising mo sa umaga siya ang makikita mo. Yung wala ng dahilan para hindi siya makita araw araw.

Hindi ko maipaliwag ang nararamdaman kong kasiyahan. Wala na ata itong katapusan.

"Anakanang! Ngiting ngiti! Matatali lang kay Madz para ng naka-drugs! High na high ba tol?" Natatawang pukaw sa akin ni Red kaya naman hindi ko mapigilang mapa-iling at matawa. Napahawak ako sa labi ko ng sandaling iyon.

"Ang saya lang tol. Ito na yun eh. Magiging pamilya na kami." Nakangiting sabi ko dito.

"Ang swerte mo talaga. Nakaka-badtrip ka!" Kunot noo ngunit natatawang sabi ni Charles. "Damn!"

"Siraulo ka talaga." Natatawang sabi ko dito. "Huwag kang magalala, iingatan ko siya." Sabi ko rito saka ko siya tinapunan ng nakakalokong tingin. Isa isa naman akong binatukan ng lahat. "Aw!! Mga gago!!" Natatawang sabi ko habang sapo ang ulo ko.

Masakit kaya! Mga ungas na to!

"Kapag ikaw talaga pumalpak, isang palpak lang Gavin, mawawalan ka ng Maddie." Sabi ni Keropi habang may ngiting demonyo sa labi nito.

"Ulul! Asa ka naman!" Singhal ko dito.

"Hindi ko talaga ini-expect na magiging kayo pa." Nakangising sabi ni Rain. Si Rain talaga ang pinaka-negatibo sa relasyon naming dalawa ni Maddie.

"Ikaw! Tigil tigilan mo ako ah! Pasalamat ka kasal ka na kay Zane dahil kung hindi, iisipin ko pa ring may gusto ka kay Maddie." Naiiling na sabi ko.

"Hindi naman nawawala iyon. Mas mahal ko nga lang si Zane." Mayabang na sabi nito kaya napakunot noo ako.

"Siraulo! Manahimik ka na diyan! Makuntento ka sa Zane mo!" Singhal ko.

"Kuntento naman ako ah? Lubos pa nga eh. It's just that, Maddie is my you know. Alam naman nating lahat kung naging ano sa atin si Maddie." Natatawang sabi ni Rain at tumango tango naman ang iba na para bang sumang-ayon sa mga ito. Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko dahilan para tumawa ang mga ito.

"Ano bang spell ang na-cast sa inyo ni Nee chan? Grabe! Para kayong mga timang!" Si Seb. Kumakain ito ngayon ng mansanas.

"She's my first love." Si Rain.

"She's my angel, my savior." Si Red.

"She's my dream girl." Si Charles.

"She's my favorite kind of girl." Si Keropi.

"And she's mine so back off!" Singhal ko kaya naman pinagbabatukan nanaman ako ng mga ito. "Ano ba?! Bakit ang brutal niyo?!" Inis na singhal ko.

"From Maddie/Madz." Sabay sabay nilang sabi saka sila nagtawanan. Pati na rin si Seb ay nakisali sa mga ito kaya naman napailing nalang ako.

"Seryoso mga tol, dapat yung mga babae niyo lang ang naiisipan niyo ng ganyan." Seryosong sabi ko.

"Gav, si Maddie ang first love ko at walang makapagbabago nun. Naging parte na rin siya ng pamilya ko noon kaya hindi mo ako masisisi kung close ako sa kanya. But my Zane is different. She's one of a kind. She's my all and everything. Hindi ko kaya ng wala siya pero kaya ko ng wala si Maddie sa buhay ko. Nature ko nalang talaga ang mag-alala sa kanya. Para bang kapatid. Matagal ko siyang nakasama kaya naman alam ko rin ang ilang kahinaan niya at ikaw Gavin ay isa doon. Kaya huwag na huwag ka talagang magkakamaling saktan o iwan si Maddie dahil magsisisi ka. Hindi man siya sa akin mapupunta, alam kong may mas magpapahalaga pa sa kanya. " Paliwanag ni Rain na may pagbabanta ngunit batid ko sa sariling naiintindihan ko ito. Nakaramdam tuloy ako ng tensyon dahil sa salitang iyon pero alam ko naman sa sarili kong hindi ko magagawa iyon sa babaeng mahal ko.

Girl meets "LOVE" (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang