Girl Meets LOVE - 41 ❤️ (Happy Moments)

569 45 3
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:

Hello guys! Thanks for reading.. 😁

Rexor Hart Fuentabella in the house! ❤️ check it out guys! MULTIMEDIA 👍

Lovelots,
kyLiiemichy
--------------------------------------------
Maddie's POV

Kasalukuyan akong nasa company dito sa Baguio. Branch rin ito ng Fuentabella's Forves Industries kaya naman kailangan ko rin itong puntahan.

"Ate, I'm tired of walking.", reklamo ni Rex. Hawak ko kasi ang kamay nito habang naglalakad kami.

"Pwede ko po siyang buhatin Ma'am.", sabi ng bodyguard na kasama ko ngayon. Kasama ko siya sa lahat ng company na dadaanan at pupuntahan ko dito sa Pinas.

"Ha? Sige. Kung okay lang.", nakangiting sabi ko dito. "Baby, you want a piggyback ride?"

"Yesh!! Come down black suit guy!", bibong sabi ni Rex sa bodyguard na kasama namin kaya natawa nalang ako.

Gaya ng sabi niya ay binuhat niya nga ito.

Maliit lang ang branch na to kumpara sa main company but still, lahat ng kailangan ay nandoon. The models, the workers, good work and good cooperation with each other. Hindi nagkulang ang pagaasikaso nila sa akin at talaga namang masasabi kong professional ang mga ito. Bawat katanungan ko ay nasasagot nila ng maayos at tama. I'm impressed.

Palabas na kami ng company nang may maaninag akong rebulto na nagbigay kaba sa dibdib ko. Nginitian ako nito at kinawayan.

"Kuya Gavin!!!", sigaw ni Rex sabay takbo nito papunta sa kanya.

"Hey little boy!", nakangiting sabi nito saka niya ito sinalubong ng yakap.

'Uhh! Ako nalang sana si Rex.'

Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa at nginitian ito.

Muling nagbalik ang huling pag-uusap namin ng gabing iyon sa aking isipan. Ang luhang pinakawalan ko nung kausap ito ay hindi na nasundan. Pilit kong tinanggap sa sarili ko na hanggang doon nalang kami. Pag-akyat ko noon ng kwarto ay tumabi agad ako kay Rex. Iiyak na sana ako ng sandaling iyon pero niyakap ako ni Rex at hinalikan ako sa pisngi. Namalayan ko nalang na napangiti ako ng oras na iyon at nakatulog. Pilit na iwinaglit sa isipan si Gavin at sinabihan ang sarili na kailangan ko ng mag-move on.

Nginitian ako ni Gavin ng makita ako nitong naglalakad papalapit sa kanila.

Okay. My heart just melted. How can he be this handsome and at the same time cute?!

'Argh! Hoy puso! Calm down! Psh! Wag mo akong ipahamak ngayon!'

Pilit kong pinakalma ang sarili. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka bahagyang bumuntong hininga.

"Hi! Nandito si Mama ngayon. Gusto daw niya kayong makita.", sabi ni Gavin.

"Oh? Saan?"

"Sa bahay.", nakangiting sabi nito. "Hinihintay niya na tayo doon. Nagluto na rin siya."

"As in ngayon na?", bulalas ko.

"Yep! Pinaalam na kita kay Tita Marci. Wag mo na raw muna abalahin ang pagbisita sa mga kompanya niyo. May mga naatasan na daw doon. Mag-enjoy nalang muna daw kayo ni Rex.", bumaling siya kay Rex at ginulo ang buhok nito.

Girl meets "LOVE" (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin