Girl Meets LOVE - 40 ❤️ (Wrong Move)

540 48 5
                                    

"Girl Meets LOVE is a work of fiction. Names, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously.
A Wattpad story.
Copyright © 2014 by @kyLiiemichy
All rights reserved."
This material may be protected by copyright.

A/N:

Hello guys! Thanks for reading.. 😁

Lovelots,
kyLiiemichy
--------------------------------------------
Gavin's POV

Dinala ko si Maddie sa isang park nang gabing iyon. Hindi ko alam kung anong oras na ngunit tila wala na masyadong tao sa park ngayon.

Nagpapatiuna si Maddie sa paglalakad kaya naman sinasabayan ko lang ito. She looks so calm and collected, unlike me. My heart is beating so fast that I can't even utter a word.

Pinapakiramdaman ko lang ang bawat galaw niya. Ang pagkagat ng ibabang labi nito. Ang pagkurap ng kanyang napakagandang mga mata. Ang pagyakap nito sa sarili niya. Ang paglingon niya sa akin at pagbibigay ng isang tipid na ngiti.

"Gavin/Maddie--", sabay naming sabi kaya naman napahawak ako sa batok ko habang siya naman ay bahagyang natawa.

"You go ahead..", pagbabawi ko.

"Okay.. Kamusta ka? Okay ka lang ba? Madalas pa bang sumakit ang ulo mo?", sunod sunod na tanong nito.

Bawat bigkas niya ng mga katanungang iyon ay para bang musika sa akin tenga. Korny na kung korny but, I really like her voice. And she's still nice to me. Ang pagtatanong niya ng mga bagay na iyon na may kinalaman sa akin ay para bang humahaplos sa aking puso.

Nginitian ko ito.

"Okay naman. Wala naman na akong nararamdaman na ganoon. Stress lang madalas dahil sa trabaho. How about you?"

"Hmm. Okay naman. Pareho lang tayo. Nag-focus na lang ako sa kompanya nina Mama at hindi ko na itinuloy ang pagiging nurse ko. Ang layo ng trabaho ko ngayon sa kinuha kong kurso noh?", bahagya itong natawa kaya naman ngumiti naman ako.

"Pareho pala tayo. Hindi ko rin nagamit yung kursong kinuha ko. Mag-isa na rin kasi si Mama kaya kailangan niya talaga ng katulong sa kompanya. Kamusta pala si Tita Marci?"

"Ahh, okay naman. Madalas na siya sa bahay. Ako at si Tito Harold na ang madalas sa opisina. Naka-focus na siya kay Rex ngayon kaya madalang nalang siyang dumaan sa company. Eh si Tita Belle?"

"Ayun, ayos naman. Madalas ka lang niyang hanapin sa akin at sabihing namimiss ka na niya.", nakangiting sabi ko.

"Really? Awe. I miss her too.", nakangusong sabi nito.

'How can she be this cute?! Argh!'

"Pwede ka namang dumalaw kung gusto mo.", alok ko.

"Talaga? Sige sige. Gusto ko yan. Isasama ko si Rex.", nakangiting sabi nito.

"Sige. Sabihan mo lang ako kung kailan.", nakangiti ring sagot ko kaya naman tumango ito.

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad ng sandaling iyon. Nakayakap pa rin ito sa sarili niya habang ako naman ay nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon.

"Did you just called me Madz a while ago?", rinig kong tanong nito kaya naman nilingon ko siya.

"Did I?", nagtatakang tanong ko.

"Yeah. Nagulat pa nga ako nung Madz ang tinawag mo sa akin."

"Ohh.. I don't know, I can't remember.", nahihiyang sabi ko.

Girl meets "LOVE" (Completed)Where stories live. Discover now