Girl Meets LOVE - 2.1 ❤️

1.5K 88 119
                                    

Gavin Mahone

Late kaninang umaga.

Late sa audition.

Late pati sa first part time job ko.

Anong kamalasan ang meron sa akin ngayong araw na ito? Tapos naiwan ko pa yung gitarang dapat ay kukunin ko kaninang lunch break pero hindi ko nagawa dahil may quiz ng hapon at kailangan kong magbasa sa library.

"Ahhh!!!"

Kanina pa ako tumatakbo. Ngayon naman ay tumatakbo ako papuntang trabaho. Bumalik kasi ako sa bahay para kunin ang gitara. Pagpasok ko doon ay nakita ko agad ang manager saka siya binati.

"Sorry po talaga."

"Haha. Okay lang. 10 pm pa naman ang gig pero dapat laging 1 hour before eh nandito kana dahil iyon ang call time. Understand?" paliwanag niya.

"Yes po." nakangiti ngunit hihingal hingal kong sabi.

"Oh siya, mag-ayos ka na doon sa likod. Pinakita ko naman na sayo kung saan ang locker room diba? Labas ka nalang ng mga quarter to 10 para makapag-set up sa stage."

"Salamat po."

Nag-apply ako dito last week. Nasabi lang ito ng bagong kaibigan kong si Red. Kaklase ko siya sa major subject ko. I'm a first year college student. BS in Psychology ang kinukuha kong kurso.

Nasa likod na ako at nakita kong medyo naka-uwang ang pinto kaya naman binuksan ko iyon. Nagulat naman ako ng may makita akong babae na naka-maskara. Bahagyang naka-uwang ang bibig niya.

'Alam ko namang gwapo ako, pero hindi ko alam na ganito ang epekto nitong kagwapuhan na ito sa babaeng to.'

"Hi." bati ko sakanya. Hindi siya sumagot at tumalikod siya sa akin.

Nakita kong iniayos niya ang mga gamit niya at inilabas ang gitara niya. Nang makita ko ang gitara niya ay napamangha ako. Black iyon at may mga colorful drawings na iba't ibang desenyo. Napangiti ako. Iniayos ko na rin ang gamit ko at gitara ko. Actually, bass guitar ang gamit ko. Marunong din naman ako sa acoustic guitar pero mas nagustuhan ko ang bass guitar. Maya maya ay narinig ko ang strum ng gitara kaya naman napalingon ako sa babae kanina. Nagha-hum siya habang sinasabayan ang tunog ng gitara. Tumayo ako at pumunta sa isang locker na walang lock at inilagay doon ang gamit ko. Maya maya ay may kumatok at pumasok.

"Uy Gavin! Nandito kana pala!" si Red.

"Late nga ako eh. Teka bakit di kita nakita pagpasok ko kanina?" tanong ko habang inaayos pa rin ang gamit ko sa locker pero nakatingin ako sa kanya.

"Baka sa kitchen ako." sagot niya saka tumingin sa babae na kanina ko pa kasama. "Uy Madz! Andiyan ka pala! Kanina ka pa cutie pie??" nanlalambing na tanong ni Red doon sa babae.

'Cutie pie? Gf niya?'

"Kadarating ko lang kanina." sagot nung babae pero ni hindi man lang lumingon kay Red. Tumabi si Red sa kanya at mukhang aakbay ang mokong.

"Quit playing Jarred. I still can see you." sabi nung babae kay Red. Actually his full name is Jarred at tinatawag ko lang siyang Red.

"Why so cold babe? Huhu" malambing na tanong ulit ni Red sa babae.

"I'm not your babe."

"Honey? Sugar? Cutie pie-"

"Shut it!!" sigaw nung babae. Nagulat naman si Red sa kanya. Pati ako. Tumayo ang babae at lumabas.

"Badtrip nanaman yun. Anong nangyari dun? Ahh. Maganda pa rin siya. Hehe" narinig kong sabi ni Red.

"Who's that?" di ko na mapigilang tanungin.

Girl meets "LOVE" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora