After Story

517 22 5
                                    

Ipinaliwanag ko sa mga official ng gobyerno, pulisya at eskwelahan ang mga nangyari makalipas ang ilang araw pagkatapos magpakamatay ni Angelo. Dahil sa mga matibay na ebidensiya na pinanghahawakan ko, tulad nung testimonya ng ilang tao ng simbahan na may kausap si father Mateo na teenager bago siya nagpakamatay, yung voice record na kinausap ni Angelo ang nanay niya bago ito nagsuicide at sa tulong ma rin ng testimonya ni ate Roselle ay pinaniwalaam ng lahat ang mga statements ko. Inihayag ko rin na lahat ito ay nagsimula kay Samantha. Kasama doon ang pagkamatay ni Edward at ni Ronnie.

Naging maayos na ang lahat pagkatapos ng libing ni Angelo tulad ng sitwasyon ng pamilya niya sa abroad at ang Sacred Heart Christian School ay naging normal na eskwelahan na rin sa wakas.

Ang hindi lang naging maayos ay ang sugat na iniwan ni Angelo sa puso ko.

Makalipas ang dalawang taon ay grumaduate na ako ng high school subalit hindi pa rin naglalaho ang lungkot sa akong mukha. Napansin ito ni papa kaya sinuggest niya na sa Maynila ako magkolehiyo. Doon na lang daw ako muna manirahan sa aking Kuya na may sarili ng pamilya sa Maynila. Sa Maynila daw ay magkakaroon ako ng panibagong buhay, panibagong environment at malayo sa mga bagay na magpapa-alala sa akin sa mga naranasan ko sa Bacolod. Pumayag ako sa kagustuhan ni papa pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na dalhin ang liham ni Angelo. Yun na lang kasi ang tanging bagay na nagpapa-alala sa akin na minsan may Angelo Reyes sa aking buhay.

Makalipas ang limang taon ay grumaduate ako sa kolehiyo. Hindi nagtagal ay nakahanap ako ng trabaho sa isang pribadong kumpanya. Nakilala ko sa kumpanyang iyon si Rochelle, isa sa aking mga colleague. Niyaya niya akong umattend party at doon ipinakilala niya sa akin si Renato na isang engineer na 28 years old. Matangkad siya, 6'2 ang height at oval shaped ang mukha. Medyo mapayat siya at maputi na medyo madilaw ang balat. May pagkasingkit siya at nakasalamin. Ang ilong niya ay medyo may katangusan at ang labi niya ay makapal ng kaunti sa average na labi ng Pilipino. Ang buhok niya ay maikli at nakagel ito pataas sa harap.

Madalas niya akong niyaya makipagdate sa kanya ngunit madalas ko siyang tinatanggihan. Pero dahil alam kong tumatanda na ako at alam kong hindi ko na makikita muli si Angelo, pumayag akong makipagdate sa kanya. Nung una hindi ako masyadong interesado sa kanya pero nagulat ako at nakaramdan ng kilig sa aking puso nung nalaman kong 'Reyes' ang apelyido niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya nung mga sandaling iyon at naisip kong pwede na, total matangkad naman siya. Makalipas ang higit tatlong buwan ay sinagot ko na siya at pagkalipas ng higit isang taon ay ikinasal na kami. 24 years old ako noon at 30 years old naman siya. Hindi nagtagal ay nabuntis ako at nagkaanak kami ng lalake.

4 years later...

Hindi ko pa rin makalimutan si Angelo siguro dahil nasa akin pa rin ang liham niya o dahil may nararamdaman pa rin ako para sa kanya. Hindi na tama ito. Pakiramdam ko ay hindi na ako nagiging patas sa aking asawa dahil laging may ibang lalake sa aking isipan kaya nagpasya akong tuluyan ng kalimutang si Angelo. Naisip ko na bisitahin muli sa huling pagkakataon ang puntod ni Angelo sa Bacolod para tuluyan ng magpaalam sa kanya at isauli sa kanya ang sulat na ibinigay niya sa akin.

Sinama ko ang anak ko sa Bacolod para mabisita niya na rin ang kanyang mga lolo at lola. Pagkatapos noon ay isinama ko rin siyang bumili ng bulaklak bilang alay kay Angelo at pumunta kami sa puntod ni Angelo.

Tumayo kaming magkahawak kamay ng anak ko sa harap ng puntod ni Angelo. Biglang napuno ng luha ang aking mga mata ng mabasa ko ang pangalan niya at imbes na ilagay ko ang liham kasama ang bulaklak sa kanyang puntod ay hindi ko na inilabas ang liham sa aking bag at ang bulaklak na lamang ang aking ipinatong sa kanyang puntod. Mahinhin akong natawa sa aking sarili nang napagtanto ko na huli na ang lahat para sa akin na kalimutan pa si Angelo.

Si Angelo pa rin ang pinakamasayang alaala ko. Siya rin ang pinakamasakit pero hindi ang pinakamasama. Chinecherish ko ang bawat alaala niya sa akin. Ang madalas naming pagtatawanan, ang madalas niyang pagbibiro sa akin at ang madalas naming pagsasama noon, kahit sandali lang, ay ang pinakamasayang alaala ng aking buhay. Siguro dahil na rin sa aking nararamdaman para sa kanya kaya lubusan akong naging masaya sa panahon na naging magkasama kami.

Nasaan ka na kaya ngayon Angelo? Mortal sin ang suicide pero kung totoong intensiyon ang hinuhusgahan ng Diyos, sigurado akong napatawad ka Niya dahil ginawa mo yun para protektahan ako at ang mga tao sa paligid mo. Naaalala mo pa ba ako? Kung nakita mo ulit si Samantha malamang nakalimutan mo na ako dahil sa ganda niya. Magkasama nanaman ba kayo ni Ronnie? Yung pilyong iyon na masarap batukan. Andaya mo talaga Angelo! Nakakainis ka! Pakiramdam ko sa ating dalawa ako ang nagdurusa dahil ako ang nabuhay. Pero okay lang, naiintindihan ko naman na kailangan mong gawin iyon. Anyway, nagawa ko na ang hiling mo sa akin. Masaya na ako sa buhay ko ngayon... or at least, kuntento na ako. Mabait sa akin ang asawa ko at mahal na mahal ko ang anak namin. Siya ang buhay ko ngayon. Pero gayunpaman, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal pa rin kita!

Tumulo ang luha mula sa aking mga mata.

"Ma, bakit ka po umiiyak?" Tanong ng aking anak pero hindi ko siya pinansin.

"I love you Angelo!" Ani ko ng nakatingin sa lapida.

"I love you too mommy." Sagot ng anak ko.

Umupo ang ang anak ko at hinawakan ang nakasulat sa lapida ni Angelo. Tumingin siya sa akin at nagtanong ulit.

"Ma, bakit nakasulat dito ang pangalan ko?"

-------------------------------------------------

Wakas.

-------------------------------------------------

Ending remarks:

Salamat sa mga sumusuporta ng story at sana na enjoy niyo ang Humorror story turned dramance ni Uncle_Lit hahaha!

Of course subject for revision 'to. Babasahin ko rin para makita ko ang mga error sa kwento at maiayos ko pero yung story syempre same pa rin. Kung nagustuhan niya ang story please vote, salamat! Next genre na gagawin ko ay Romantic Comedy na may pamagat na 'Hanami'. Napublish ko na ang chapter 1 noon na pwedeng 1 shot pero kapag sinipag ako, gagawin ko iyon na short story katulad din nito.

Naaala ko noon yung natapos ko na yung original version nitong 'Suicide School' merong mga nagrequest sa akin na gumawa ng bagong horror story kaso di ko naman nagawa although may naisip na akong at least 2 concept ng horror story, hindi ko naman isinulat hahaha! Anyway that is way back to 2013 pa yata kaya sigurado akong nakalimutan na ng mga nagrequest yun kaya hindi na muna ako magsusulat ng horror story hahaha! Itatago ko muna yung ibang horror story sa isip ko at susubok ng ibang genre. Siguro Fantasy/Drama (Itim Na Pusa) or Romantic/Comedy (Hanami) or sabay yung dalawa. Basta yun ang mga target kong genre ngayon. Pero kanina lang naisip kong icombine ang Historical Fiction at Horror eh kaya ewan ko lang kung anong gagawin ko. Undecided pa ako sa lima.

Choice 1: Hanami (Romantic/Comedy
Choice 2: Itim Na Pusa (Fantasy/Drama
Choice 3: Untitled (Historical Fiction/ Horror)
Choice 4: Kababata (Drama/Romance)
Choice 5: Tumunganga (Hindi kwento/ Tunganga lang)

But likely choice 1 and 2 with mix of 5 ang gagawin ko. Yun talaga ang gusto kong gawin eh so tingnan natin hahaha! Salamat!

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon