"Guh!" Hiyaw ko habang napasit up ako sa aking paggising. Hinihingal ako at pawis na pawis.
"Huh! Huh! Huh!"
Panaginip! Panaginip lang pala ang lahat! Buti na lang. Napasambunot ang dalawa kong kamay sa aking buhok sa may noo at napansin ko ang aking cellphone sa aking tabi.
Nag-indian sit ako at pinulot ang cellphone sa tabi ko, 12:33pm na pala. Meron itong 2 missed calls mula kay Maiya nung 12:07 pm at 12:09 pm. Meron ding isang SMS na galing din kay Maiya. Binuksan ko ito...
"Bakit ka nag-absent? May sakit ka ba? Nag-aalala ako sa iyo kaya kita tinatawagan pero hindi ka naman sumasagot. Alam mo bang may nagbigti raw na pari sa loob ng simbahan doon sa may boulevard? Grabe noh? Parang hindi kapani-paniwala."
Nagflash sa isipan ko ang imahe ng paring nakabigti na labas ang dila kaya nabitawan ko ang cellphone at napatuwad hawak ang ulo ko sa may buhok. Nakapatong ang ulo ko sa matress at inuntog-untog ko ito ng tatlong beses bago ako gumulong sa aking kanan para humiga.
Napagtanto ko na totoo ang lahat. Ang huling ala-ala ko sa simbahan ay ang muling nagkamalay ang nakabigting pari at isinisigaw ang pangalan ko. Namalayan kong tumulo ang aking luha mula sa aking kanang mata habang nakatulala ako sa kisame at nakapatong ang aking kanang kamay sa aking buhok malapit sa noo.
Wala akong ala-ala pagkatapos ng sigaw ng pari. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi pero alam kong totoo ang lahat.
Ayoko na! Wala akong ganang bumangon. Gusto ko pang matulog ng matulog. Pero hindi ako dinadalaw ng antok kaya napilitan akong bumangon.
Narinig ni ate Roselle ang pagbukas ko ng pinto palabas ng kwarto kaya siya napatingin sa akin. Nakaupo siya sa may dining table at tila may kausap sa cellphone na bigla niyang binaba nung makita niya ako.
"Oh Angelo, gising ka na pala! Hindi na kita ginising kasi mukhang nilalagnat ka.. Kumusta ka naman?" Ani niya ng may panginginig sa boses takda ng pakabalisa.
"Ah, ayos lang ate."
"Alam mo ba Angelo.. kaninang umaga.. pagbukas ko nang kwarto mo.. may nakita akong lalakeng nakaitim.. nakatitig siya sa iyo.. kaya bigla kong naisara ang pinto. Pagbukas ko ulit.. wala na siya.. hingal na hingal ka na kaya nagmadali akong pumunta ng simbahan."
"Oh!? Baka guni-guni mo lang iyon." Maingat na sagot ko dahil alam ko ang mangyayari kapag nagkamali ako.
Umiling siya "Hindi Angelo!"
"Eh bakit wala nung pagbukas mo ulit?"
"Isa yung maligno! Maroon ang balat niya! Sigurado ako pagnakita mo yun alam mong hindi siya tao kaya nga nagmadali akong pumunta ng simbahan..." Tumango ako. "At alam mo ba ang nalaman ko sa simbahan?"
Kinilabutan ako sa tanong niya at napalunok "Ano po ate?"
"Patay na si Father Mateo!" Biglang nagflash sa isip ko ang imahe ng nakabigting paring sumisigaw.
"Aaahh!!" Napasigaw ako at nagtakip ng tainga. Bigla na lang akong hinihingal...
"Angelo okay ka lang?" Tanong niya na may pagtataka.
"Opo ate!" Tiningnan niya ako ng nakataas ang kanang kilay at maliit ang isang mata. Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"Teka lang Angelo, kailangan mo tong malaman. Sinama ko si sister Ella sa pag-uwi ko mula simbahan."
"Ah. Asaan na po siya?"
"Umalis na. Alam mo bang mukha siyang takot na takot at nagmamadaling umalis pagkatapos ka niyang ipagdasal?"
"Oh? Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?