Note: Nilagay ko yung 2nd floor ng building 5 sa multimedia pero parang di masyadong kita. I-zoom niyo na lang. :))
-------------------------------------------------------------
June 25,
Monday ng gabi...
Nakahiga ako sa kwarto at nag-iisip tungkol sa mga bagay na may kinalaman kay Edward.
Si Edward na nagsuicide daw.
Hindi naman sa hindi ako naniniwala pero hindi ko lang talaga maiwasan ang magtaka dahil parang may mali...
Kung talagang may Acrophobia siya, bakit siya pumunta sa rooftop eh takot nga siya doon diba? Kung pagpapakamatay lang naman ang pakay niya, bakit ang pagtalon pa sa rooftop ang naisip niya lalo na’t may acrophobia?
Paulit-ulit akong nag-isip sa aking kwarto. Pero kahit magdamag na akong nag-iisip, iisa lang ang naisip kong dahilan kung bakit siya napunta doon...
Takot. Maaring natakot siya.
Pero kung may kinakatakutan siya at tinakbuhan niya ito. Ano naman kaya ang kanyang kinatakutan gayong wala naman nakita ang mga pulisya na ibang tao, hayop o kung ano pa mang nilalang sa rooftop?
Multo?
Yun nanaman ang pumasok sa isipan ko.
Dahil sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang building 5 sa school, ang unang pumapasok sa isipan ko ay ang iyak na nariring ko sa saradong banyo doon.
Dahil sarado iyon at sigurado akong walang tao doon, ang naiisip ko na lang ay may multo doon. Isang taong hindi tanggap ang kanyang kamatayan kaya nanatili ang kaluluwa nito sa mundo.
Ako si Angelo Reyes, labing limang taong gulang. 3rd year, section 3 student dito sa Sacred Heart Christian College.
Bagong estudyante lang ako sa school na ito pero naitanong ko na sa mga old student ko na kaklase kung bakit sarado ang banyong iyon. Ang sagot nila ay meron daw na-rape doon noong March last school year, si Samantha Lim.
Si Samantha, sabi nila ay 2nd year student last school year doon sa school namin.
Yun daw ang ‘crush ng campus’, nililigawan ng mga 1st year hanggang 4th year student.
Secretary daw yun ng student council last school year.
Ang student council room last year ay nasa 2nd floor ng building five. Pag-akyat mo ng hagdanan, ang unang room sa kaliwa ay ang storage room. Yun ang dating student council room. Pero mula nung ma-rape si Samantha, ginawang faculty room ang room na yun. Pero dahil nagkakalagnat at sumasakit ang ulo ng mga teacher doon sa hindi maipaliwanag na dahilan, ginawa itong storage room.
Katabi ng room na yun ang ang Technology and Livelihood Education room o TLE room for short. Yun ang huling room sa kaliwa. Nakadugtong sa dulo ng kanang wall ng TLE room ang saradong banyong panlalake. Doon natagpuang patay si Samantha. Matapos alisin ang bangkay ni Samantha ay ni-lock ang banyong yun at hindi na muling binuksan. Sa harap ng banyong yun ay may nakadikit na salamin at lababo sa wall ng TLE room.
Nakadugtong sa kanan ng saradong banyo ay ang Music room. Yun ang huling room sa kanan. Bago ang Music room ay ang Art room. Sa tapat ng Art room ay may malaking banyong pambabae. Sa kaliwa ng banyong yun ay ang mga hagdanan. Ang hagdanan na katabi ng banyo ay papuntang rooftop at ang kasunod na hagdanan ay pabalik sa first floor.
Sa First floor naman ay ang malaking Library ng school. Sampung hakbang mula sa main entrance ng building 5 ay ang pinto ng library. Nakadugtong sa pader ng library ay ang U-shaped na hagdan patungong 2nd floor. Sa tabi ng hagdan na iyon ay ang maliit na xerox room na madalas sarado dahil ang librarian din ang attendant ng xerox room.
...
Nabanggit ko nga pala na bagong estudyante lang ako sa Sacred Heart Christian College. Well, may dahilan kung bakit ako lumipat dito.
Nagtaas kasi ng 20% ang tuition fee ng dati kong school. Sinabihan ako ng mga magulang ko na mahihirapan na silang pag-aralin ako doon kaya maghanap na lang daw ako ng ibang school.
Dahil doon, nagtanong-tanong ako sa mga tao dito sa probinsya namin kung anong school ang may murang tuition fee at Sacred Heart Christian College ang sagot sa akin ng karamihan sa mga tinanong ko.
Masmura ang tuition fee doon ng higit 5000 pesos kumpara sa ibang school kaya doon na ako nag-enrol.
Ang Sacred Heart Christian College. ay isang baptist school pero tumatanggap ito ng estudyanteng hindi baptist o kahit ano ang relihiyon. Sa katunayan nga, isa akong Katoliko.
Natuklasan ko na isa sa mga layunin ng school ay ang makatulong sa mga nangangailangan kaya mura lang ang tuition fee doon at tumatanggap sila ng may mga problemang estudyante tulad ng mga drop out at kick out ng ibang school. Di iyon tulad ng ibang school na reputasyon muna bago ang mga estudyante.
Si Ronnie ay bagong estudyante din doon. Kaklase ko siya nung 1st year at 2nd year sa dati naming school pero iba ang dahilan ng kanyang paglipat.
Sa dati naming school, taon-taon ay may mga major offense lagi si Ronnie dahil lagi siyang nakikipag-away sa school. Last school year, hindi lang basta estudyante ang nakaaway niya kundi anak pa ng school principal kaya nung nag-eenrol siya ulit doon noong pasukan ay hindi na siya tinanggap doon at napilitan siya maghanap ng ibang school. Hindi rin siya inisyuhan ng certificate of good moral characters kaya hirap siyang makahanap ng school na tatanggap sa kanya hanggang sa tinawagan niya ako at nabanggit ko sa kanya ang Sacred Heart Christian College.
Tinanggap na lang siya agad at hindi na hinanapan ng certificate of good moral character.
Dahil doon ay naging magschoolmate nanaman kami. Hindi lang yun, sinwerte pa kami at naging magclassmate pa ulit.
...
Mag-isa lang akong naninirahan sa bahay. I mean, wala akong kadugo o kapamilya sa bahay pero may kasama ako sa bahay, ang aking yaya na si ate Roselle na dalawampu’t walong gulang.
Nasa-abroad kasi ang aking mga magulang.
Dalawang taon na ang nakalipas mula nung nag-abroad si papa. Dahil naging maayos ang buhay niya doon, nagpasya siyang isama sina mama at ang mga kapatid ko sa abroad nung nakaraang taon.
Dahil 2nd year high school na ako nun, hindi na ako isinama dahil malapit na daw ako magcollege. Ang Iba pang dahilan ay para may bantay pa rin ang bahay namin dito sa Pilipinas at masanay na akong mag-isa although may yaya naman ako hahaha!
![](https://img.wattpad.com/cover/1396664-288-k42714.jpg)
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?