Note: Pagpasensiyahan niyo na yung chapter 10, nirush ko lang yun para maka-update lang hahaha! Pero inayos ko na yun pero hindi niyo naman kailangan basahin ulit kasi essentially, pareho lang ng kwento yun sa una kong gawa kaso yung una parang tanga lang. Hindi ko pa to nababasa pati yung revised version ng chapter 11 kaya kung may errors at hindi maintidihan, pasensiya na lang. Ginawa ko lang to ngayon kasi target ko talaga before March eh pero nakalimutan ko na hanggang 28 lang pala ang February LOL!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos akong daanan ng jeep na yun ay marami na akong nakikitang multo sa daan which is strange? Nagkaroon ba ako ng Third Eye?
Chapter 11
Nakarating din ako sa may sementeryo. Hinihingal na ako kaya minabuti kong maglakad na lang hanggang sa tapat ng gate ng sementeryo at doon napahawak ulit ako sa aking mga tuhod para magpahinga. At this point ay humihina na ang pagdugo ng sugat ko pero nakakaramdam na ako ng pagod.
Nakatingin ako sa baba habang hinihingal. Pag-angat ko ng aking ulo ay nabigla ko ako sa aking nakita. Puno ng kumikinang na kaluluwa ang sementeryo. Parang bawat puntod ay may lumulutang na multo sa ibabaw. Lahat sila’y nakatitig sa akin na para akong uninvited person sa party at sa gitna ng sementeryo, walong metro mula sa aking tapat ay si Samantha na may hawak na kutsilyo. Walang expression sa kanyang mukha, nakatitig lang siya sa akin at nakatingin lang din ako sa kanya.
Dahan-dahang bumukas ang gate ng sementeryo at may narinig akong pamilyar na boses na bumulong sa aking kanang tainga mula sa aking likuran. “Sinabi ko naman sayo, libingan mo lang ang pupuntahan mo!” May narinig pa akong mahinang halakhak.
Kinilabutan ako sa kanyang binulong pero hindi ko ito pinansin dahil alam kong demonyo iyon. Pero salamat sa kanya naalala kong may dala akong holy water dahil pag nakakarinig ako ng demonyo o aswang, naaalala ko ang Diyos dahil nagdadasal ako tuwing natatakot ako lalo noong bata pa ako.
Malawak na ang bukas ng gate, ang parehong panig ng gate ay nakabukas na ng 90 degrees pero hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko hanggang sa hinamon ako ni Samantha, “Pasok!” sabi niya.
Dahil doon ay nagsimula akong maglakad papasok ng dahan-dahan. Nag-iingat ako dahil baka bigla akong sugurin ni Samantha. Bawat hakbang ko ay tinitingnan nila. Lahat ng multo ay nakatitig sa akin! Kaya naman insecure na insecure na ako, hindi ako mapalagay sa dami ng nakatitig sa akin.
Paghakbang ko ng ika-anim ay narinig kong bumalibag pasara ang gate sa likod ko.
Nakaramdam ako ng kaba, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko kaya sinabihan ko ang aking sarili na “Relax lang Angelo. Mga multo ang mga iyan.. hindi ka nila kayang galawin.” At nagpatuloy sa paglalakad.
Papalapit ako ng papalapit kay Samantha... limang metro na lang ang layo niya sa akin pero hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya at nakatitig pa rin siya sa akin.
Pinagmamasdan ko ang kutsilyong hawak niya dahil sa lahat ng nakapalibot sa akin, alam kong iyon ang malamang na papatay sa akin. Iniisip ko kung ako si Samantha, saan niya isasak sa akin ang kutsilyo para mamatay ako. Naalala kong pinpilit niyang ibaon ang kutsilyo sa aking dibdib kanina sa 2nd floor ng building 5 (refer to chapter 10.1). So puso ko ang puntirya niya.
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?