Chapter 7.2
June 29, Friday
6:20 na ng gabi. Kakalabas ko lang sa building 5 at nangangatog pa rin ang aking katawan.
Buti na lang wala akong nakitang tao sa labas kaya nagmadali akong nagtungo sa faculty ni Ma’am Mendoza.
“Oh Angelo. Anong nangyari?”
“Huh.. huh.. huh..” Hinihingal pa ako sa pagtakbo. “Buti na lang.. andito pa kayo ma’am.”
“Syempre hinintay kita. Kinakabahan na nga ako kasi ang tagal mo. Oh anong nangyari? May multo ba?”
Tumango ako. “Meron po ma’am.”
“Napaalis mo ba?”
“Hindi po ma’am. Pero bukas po, kung magagawa ko ang hihilingin niyang pabor, aalis na daw po siya.” Pagsisinungaling ko para hindi siya mag-alala at pumayag nabumalik pa ako bukas.
Tumango siya. “I see. So kailangan mong bumalik bukas?”
“Opo ma’am”
“Sabado bukas, walang pasok. Pupunta ka pa rin ba?”
“Opo.”
“Mga anong oras? Hindi kasi pwede sa umaga kasi may mga meeting ang teacher hanggang 12 ng tanghali.”
“Ah ganon po ba? Mga hapon siguro. Mga 5 para walang tao sa school.”
“Pero alas-kwatro nagsasara ang school tuwing Sabado. Pero sige, tutulungan kita. Hihiramin ko ang susi ng gate sa guard para di mo na kailangan magakyat-bakod tulad sa pelikula.” Saglit siyang natawa. “Pero ngayon lang este Bukas lang. Wala nang next time kaya siguraduhin mong matatapos mo yan bukas. Kung hindi, ipapa-alam ko na yan sa principal at kami na bahala doon.
Tumango ako.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko ipapaalam na ikaw nagsabing may multo doon. Okay ba yun sayo?”
“Okay po ma’am.”
Umalis na kami sa faculty room. Sumabay ako sa kanya palabas para hindi ako sitahin ng guard.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong humiga sa aking kwarto. Ang sarap talaga humiga sakamakapag feeling mo ang bigat-bigat na ng katawan mo. Biglang nagring ang aking cellphone kaya agad ko itong dinampot. Si Maiya ang tumatawag.
“Hello.”
“Kumusta? Anong nangyari?”
“Text ko na lang sayo para di sayang load mo.”
“Sige”.
Binaba ko na ang tawag at tinext sa kanya ang tunay na nangyari. Nagreply siya sa akin.
“Ganon? Binantaan ka na pala. Hindi ka na pwedeng bumalik doon. Gusto mo ako na lang? Tutal hindi naman yun nanakit ng babae diba?”
“Yun ang akala ko. Pero maniwala ka sa akin, papatayin ka niya dahil gusto niyang maipasara ang school natin. Nagkataon lang siguro na parehong lalake ang naunang biktima niya.”
“Kung ganon. Eh di ipaubaya mo na lang sa mga teacher sa school. Tutal alam na rin naman ni Mrs. Mendoza diba? Kaysa naman nakikipaglaro ka sa kamatayan diba?”
“Hindi naman sa ayoko. Pero baka magalit si Samantha kapag pwersahang palayasin at kung ano pa ang magawa niya kaya nga hindi ko sinubukan i-exorcise siya kanina. Pakiramdam ko kasi mabait siya. Nabubulag lang siya ng galit niya.”
“Si Samantha? Mabait talaga yun nung nabubuhay pa. Sayang nga eh, ganon lang nangyari sa kanya? So pupunta ka sa school bukas?”
“Oo, kailangan eh. Marami naman akong gamit pang protection at hindi ko pa nasusubukan i-exorcise siya. Yun ang last resort ko. Pero feeling ko talaga madadala siya sa paki-usap.
“Ok. Basta pagkailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako. Sige, una na ako. Pinaghahaing na ako ni mama. Sumisigaw na nga eh hihihi.. Bye, ingat!”
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?