Chapter 4
June 27, Wednesday
Limang araw na ang nakalipas mula nung namatay si Edward at unti-unti na rin na mamatay ang mga usap-usapan tungkol sa kanya.
Nalate ako kahapon sa school dahil na puyat ako sa kakaisip ko tungkol kay Edward nung Lunes.
Kaya kahapon naisip ko na baka nagpakamatay naman talaga siya at wala naman talagang multo. Masyado ko lang pinagtutuunan ng pansin yun kaya kung ano-ano na ang naiisip ko. Kaya mula ngayon, kakalimutan ko na yun. Lahat ng bagay na may kinalaman kay Edward.
2:00pm - 3:00pm ang Technology and Livelihood Education or TLE class namin. Pero dahil may cooking activity kami ngayon, 12:00pm pa lang ay pumunta na kami sa TLE room para ihanda ang mga lulutuin...
Sa pinakadulo ng 1 o’clock direction sa loob ng TLE room ay may gas stove na 4 burner. Sa kanan nun ay kitchen cabinet na may lagayan ng plato sa ibabaw. Sunod nun ay kitchen sink tapos kitchen cabinet ulit hanggang sa dulo.
Sa kalagitnaan ng silid ay may dalawang parihabang mesa na pangsampung tao. Nakadiretso ang mga mesang iyon from 12 to 6 direction. Pero dahil medyo may kalaparan ang mga mesang iyon, ang pang-unang mesa ay medyo malapit na sa 9o’clock wall. Ang pinto naman ng silid ay nasa bandang 7 o’clock direction.
Nagdidikdik ako ng bawang sa TLE room. Yun kasi ang pinapagawa sa aking ng partner kong si Maiya para sa lulutuin naming chicken tocino.
Grinugrupo kami ni Mrs. Mendoza ng dalawahan hanggang limahan depende sa lulutuin tuwing may cooking activity kami. Dahil “Filipino Breakfast” lang ang lulutuin namin ngayon, dalawahan lang ang grupo at si Maiya ang kasama ko. Dahil hindi naman lahat ng grupo ay makakaluto sa isang araw, binibigay niya ang susi ng TLE room sa mga magluluto at naglelecture siya sa classroom.
Pagkatapos ko mag dikdik ng bawang ay nagpasya akong umalis sa TLE room. Sabi kasi ni Maiya siya na raw bahala at dahil mapagbigay ako, pinagbigyan ko na. Yun ang ikinaganda kapag babae ang kagrupo mo, bibigyan ka nila ng kunting trabaho at ang tira ay kanila. Di tulad kapag lalake din ang iyong kasama, ang gawain ay hating-kapatid at walang nagpapatalo. Kaya nagtatagal si Ronnie at si Mark dahil nagtatalo sila kung sino ang gagawa ng ganito at ganon sa kanila.
Sa labas ng pinto habang hawak ko ang door knob sa aking kaliwang kamay ay kinawayan ko si Ronnie habang nakangiti. Napatingin siya sa akin ng nakanguso at may bakas ng inggit sa kanyang mukha. Isinara ko ang pinto at nagtungo sa canteen upang bumili ng biskwit pantawid gutom dahil mamaya pang 2:00pm lulutuin ang inihanda naming tocino.
...
Oras na ng TLE...
Bumalik kami sa TLE room. Pagpasok ko doon ay nagpriprito na si Maiya. Nilapitan ko siya at iniabot niya sa akin ang spatula.
“Oh, ituloy mo.” Sabi niya ng may ngiti
Kinuha ko ang spatula at ipinagpatuloy ang pagpriprito ng tocino sa tabi niya.
...
“Pwede na yan. Basta pagbrown na, ayos na yan.” Sabi ni Maiya
Kumuha siya ng plato. Nilagyan niya ito ng dalawang tocino at iniabot sa akin.
Napanganga ako.
“Eh ikaw?” Tanong ko sa kanya
“Mamaya pa ako kakain kasabay ni Marie.” Ani ni Maiya. Napatingin ako kay Marie na naghahanda ng beef tapa malapit sa may lababo kasama ng partner niyang si Ana.
“Meron pa naman eh.” Dagdag niya at itinuro niya ang natitirang tocino sa kawali ng kanyang kaliwang kamay.
Kinuha ko ang platong binibigay niya at lumapit naman si Ronnie...
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?