Chapter 16

423 21 18
                                    

Hello. Pasensiya na at ngayon lang ako ginanahan magsulat ulit. Mahirap kasi pagcheap na mobile ang gamit minsan natatamaan ko yung return tapos mabubura lahat ng isinulat ko hahaha kaya nawalan ako ng gana. Buti na lang may wattpad app na ako at meron autosave feature na hahahaha.

Anyway, dinugtungan ko na 15.2. Check nyo yung ending kung nabasa niyo na. I-memerge ko 15.1 at 15.2 once na nakagamit ako ng computer kasi sobrang short ng 15.1.

Also dito idiniscribe ko na si Maiya which is iniskip ko sa original story kasi she was meant to be just a supporting cast to Angelo. Pero ngayon she is now a main character kaya iyon hahaha!

After kong maisulat ng buo ang 'Suicide School'. Irerewrite ko ito at isusulat ko ng maayos yung mga rush chapter nakakainis kasi basahin kung bakit ganun lang hahaha! Satisfied na kasi ako nung isinulat ko pero nung binasa ko after more than a year nakakainis siya. Bakit ganun lang? Iba pala feeling nangnagbabasa sa nagsusulat hahaha! Nung nagsusulat kasi ako yung gusto ko lang matapos na just so I could deliver the story, pero nung ako na ang nagbabasa, well I think the author is an asshole hahaha!

---------------------------------------------------

12:01 ng tanghali, lunch break na namin.

Lumabas na ng classroom ang karamihan at papalabas na rin sina Marie at Maiya nang biglang binitawan ni Maiya si Marie para lumapit sa akin. Umupo siya sa silya sa harap ng upuan ko.

"Oh Angelo, kumusta ka naman?" Tanong niya.

"Ayos lang." Sagot ko ng walang emosyon.

"Bakit absent ka kahapon? Nagkasakit ka ba?"

"Hindi, masama lang pakiramdam ko kaya hindi na ako pumasok."

"Walang sakit pero masama ang pakiramdam? Hmmm sounds like an overused excuse." Ngumiti siya na medyo natatawa na para bang sinasabi niyang nagpapalusot lang ako. Tinitigan ko siya sa mata dahil doon pero mali yata ang ginawa ko. Nagagandahan na ako sa kanya noon pa man pero iba pala ang titigan siya ng malapitan. Ubod din pala siya sa kagandahan tulad ni Samantha. Di man siya kalevel ni Samanta, masasabi kong malapit na siya. Matangkad siya ng dalawang pulgada kay Samantha, 5'6. Medyo pabilog din ang mukha niya at almond eyes. Katamtaman lang ang laki ng ilong niya at medyo manipis ang kanyang labi. Ang buhok niya naman ay abot hanggang kanyang dibdib na nakapony-tail. Meron siyang bangs na nakaslash pakaliwa at ang kutis niya ay fair na medyo light to the point na medyo madilaw na ito. Kahit na medyo malungkot ang mood ko ngayon ay naramdaman ko ang pagtibok ng aking puso. Siguro dahil sadyang nakakagaan ng loob ang ngiti niya o siguro dahil para siyang si Medusa na nasa mata ang kapangyarihan. Pero imbes na maging bato ka, mabibighani ka.

"Tara maglunch tayo." Paganyaya niya sa akin at tumango siya ng isang beses habang inaalok ang kanang kamay niya. Lumapit naman sa kanya si Marie.

"Ayoko, wala akong gana." Sagot ko.

"Walang gana? Hindi maganda sa tao ang nagiiskip ng lunch. Yung iba nga walang makain eh kaya tara na kain tayo." Tumayo siya at hinila ang aking kaliwang kamay ng biglang tumunog ang celphone ko kaya hinila ko ang aking kamay na muntik niya ng ikatumba kung wala lang sa likod niya si Marie. Naglaho ang ngiti sa mukha ni Maiya at nanlalaki ang kanyang mga mata. "Hindi ka ganyan dati Angelo." Sumama ang tingin ni Marie sa akin.

"Tara na Maiya. Kung ayaw niya, hindi mo siya mapipilit." Ani ni Marie habang hinihila ang kaliwang kamay ni Maiya paalis ng classroom. Malungkot ang tingin ni Maiya sa akin habang papaalis ng silid.

Kinuha ko ang celphone ko sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Mama iyon.

"Hello, ma!"

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon