Nakabalik na ang kalahati ng katawan ko sa may rooftop sa tulong ni Maiya. Nakapatong sa bakod ang aking buto sa may baba ng tiyan. Nilipat niya ang paghawak ng dalawa niyang kamay sa aking kanang braso dahilan upang lalong magkalapit ang nagkatitigan naming mukha.
"Bakit mo to ginagawa?" Tanong niya.
Tumulo ang aking luha. "Hindi ko na kaya." Umiiyak na sagot ko.
"Alam ko Angelo. Magtiwala ka sa akin, handa ako. Dinedemonyo ka diba?"
"Oo." Bigla kong naisagot. Shit, nadulas ako! Nanlaki ang aking mga mata nung narealize ko na nagkamali ako at nakita kong nawalan ng sigla ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng malisyosong ngiti.
"Tara, pakamatay na tayo." Wika niya at humakbang papalapit sa akin.
Nilundagan ko siya mula sa bakod. Bumagsak akong nakapatong sa kanya.
"Tsk! Umalis ka sa akin, gusto kong magpakamatay! Sabay tayo Angelo." Ani niya.
Hinihila niya ako sa buhok pa alis sa kanya gamit ang kanyang dalawang kamay kaya pinwesto ko ang magkabilang siko kadikit ng kanyang magkabilang braso at lalo kong diniin ang katawan ko sa kanya para hindi siya masyadong makagalaw.
Napansin kong wala siyang suot na rosaryo kaya naisip kong ilipat sa kanya ang suot kong rosaryo baka sakaling bumalik siya sa katinuan. Makalipas ang ilang sandali ay nagawa ko na iyon sa kabila ng kanyang pagsubok na makawala sa akin subalit walang nagbago kahit naisuot ko na sa kanya ang rosaryo. Ano to Maiya? Akala ko ba handa ka pero ano itong nangyayari? Diyos ko tulungan Niyo po kami. Ano ang dapat kong gawin para maibalik siya sa katinuan? Nagisip-isip ako ng mga bagay na may kinalaman sa Diyos dahil alam kong tanging Diyos lang ang makakatulong sa akin. Naisip ko ang kasabihang 'God is love.' kaya naisipan kong halikan siya. Wala na rin naman akong magagawa at kung mamatay rin lang naman kami, ito ang huling bagay na gusto kong gawin sa kanya bago kami pumanaw. Ang iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya!
Hinalikan ko siya habang nanalangin na magbalik ang kanyang katinuan. Bumalik ka sa akin Maiya! Muling tumulo ang mga luha ko sa kanya at pagkalipas ng ilang sandali ay tumigil na siya sa pagpalag ngunit tuloy pa rin ako sa paghalik sa kanya.Itinagilid niya ang ulo niya pakanan na nagtigil sa paghalik ko sa kanya kaya inatras ko ang ulo ko ng kaunti mula sa kanya. Nakita ko na nagbalik ang sigla sa kanyang mga mata.
"Angelo sa kanan!" Wika niya kaya napalingon ako sa kanan at nakita ko na andoon ang demonyong nakasuot ng itim na robe.
Inalis ni Maiya ang braso kong nakaharang sa kanyang kaliwa at tumakbo ng limang hakbang patungo sa direksyon na iyon. Tumayo ako at hinabol ko siya. May kinuha siyang nakatiklop na papel mula sa kanyang bulsa. Inabutan ko siya at yumakap sa kanyang likuran. Nirecite niya ang nakasulat sa papel na iyon.
"Regna terrae, cantata Deo, psallite Cernunnos..." Sa pagbukas pa lang ng kanyang bibig ay kitang kita na sa mukha ng demonyo ang pagkainis. Lumakad ito ng isang hakbang papalapit sa amin at kami naman ay napaatras. Ipinagpatuloy ni Maiya ang pagrerecite ng exorcismo.
"Regna terrae, cantata Dea psallite Aradia..."
Nagpatuloy sa paglapit ang demonyo habang kami naman ay umaatras habang nagrerecite si Maiya. Bumabagal ang demonyo sa bawat salitang binibigkas ni Maiya. Tila ba napapahinto ito na nagpipilit makalapit.
"Caeli Deus, Deus terrae,
Humiliter majestati gloriae tuae supplicamus
Ut ab omni infernalium spirituum potestate..."
Pagkalipas ng ilang saglit ay nilamon ng dilaw ang mga mata ng demonyo at maya-maya ay nagliyab ito. Naging apoy ang mga mata nito at mabilis na tinubuan ng sungay na tulad ng sungay ng toro. Nagbago ang tono ng pananalita ni Maiya. Halatang kinakabahan na siya ngunit patuloy pa rin siya sa pagbigkas. Sinusundan ko ng tingin kung nasaan na ang binibigkas niya sa hawak niyang papel.
BINABASA MO ANG
Suicide School
TerrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?