June 22, 2012.
Friday
3:23 ng hapon...
"Thud!!"
Isang malakas na kalabog mula sa 11 o'clock direction sa labas ng klase ang nagpahinto kay Ronnie sa pagbabasa ng World History book.
"Ano yun?"
"Ano yun?"
Nagkagulo sa loob ng classroom. Nagsitayuan ang ilan sa aking mga kaklase na para silipin ang pinagmulan ng ingay sa bintana.
"Shhh! Ano yan? Kailangan niyo pa ba talagang pansinin iyon? Class get back to your seat." Wika ng aming guro na si Mrs. Ramirez na nagpabalik sa aking mga kakaklase sa kanilang mga upuan. "Ronnie, continue."
"Nagsimualng sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas noong ika-walo ng Disyempre 1941..."
Makalipas ang ilang sandali ay umingay na sa labas mula sa pinanggalingan ng kalabog at may kumatok sa aming classroom.
"Yes, come in." Sagot ni Mrs. Ramirez.
Binuksan ng janitor ang pinto.
"Ma'am, pinapatawag po ng principal ang lahat ng high school teacher."
"Ah, bakit daw?"
"Di ko po alam ma'am. Siguro po dahil sa patay na estudyante doon sa tabi ng building five."
Muli nanamang nagkagulo sa loob ng classroom at nagsitayuan nanaman ang ilan.
"Patay!?"
"May patay daw!"
"Baka yun yung malakas na kalabog kanina."
"Shhh!! Class quiet down!" Pasigaw na utos ni Mrs. Ramirez ngunit di tuluyang nanahimik ang klase at nagsi-bulungan na lamang.
"Pupunta na lang ako doon maya-maya, pagbibilinan ko lang tong klase ko." sabi ni Mrs. Ramirez sa janitor.
"Sige po ma'am." sagot ng janitor at umalis na.
"Class, I want you to read page 32 to 37.
I want you to summarize the 'The World War II' in a one whole sheet of paper. That will be your assignment for today.
Also for our next meeting, we'll be having a graded recitation about the "The World War II" so make sure you read it well.
Maiya, take charge of the class."
"Yes Ma'am." Sagot ni Maiya.
"Don't let anyone leave the classroom until dismissal time, okay?"
"Yes Ma'am."
Pag-alis ni Mrs. Ramirez ay nagsitayuan sina Jerome, Mark at Carlo.
"Ui tara! silipin natin ang patay." Ani ni Jerome.
"Sige! Sa building five lang daw yun eh." Sagot ni Mark.
"Tara! Malapit lang yun dito." Sagot ni Carlo.
"Hoy! Saan kayo pupunta?" Paninita ni Maiya sa tatlo.
"Ano ka teacher? Studyante ka lang din ui!" Maangas na sagot ni Jerome.
"Oo nga naman! Sipsip ka lang kasi sa mga teacher eh." dagdag ni Mark at lumabas na sila ni Jerome ng Classroom.
"Pakisumbong na lang kami kay ma'am." Sabi ni Carlo at sumunod sa kanyang mga kaibigan.
"Sige magsilayas kayo mga pasaway! Wala akong paki-alam sa inyo. Akala niyo kung sino kayo..." galit na sagot ni Maiya.
...
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?