Chapter 5
June 28, Thursday
*Tok, tok, tok*
Kumatok si ate Roselle sa aking kwarto.
“Angelo! Angelo! Gising na! Pasado 7:30 na!” Sigaw ni ate Roselle sa labas ng aking kwarto.
Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. 7:37am na pala. Inaantok pa ako pero bawal ang “5 minutes” dahil male-late na ako kaya bumangon na ako at binuksan ang pinto bitbit ang aking tuwalya.
“Ano ka bang bata ka? 7:40 na at tsaka ka pa lang maliligo? Siguradong late ka na naman nyan!” Sigaw niya sa akin pero dinaan ko lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Teka!” Ang lalim nanaman ng mata mo ah. Puyat ka nanaman noh?
Ano nanaman ba ang pinagkaka-abalahan mo at lagi ka na lang napupuyat.”
“Wala.” Sagot ko sabay hila sa aking kamay at pumasok ako sa banyong malapit sa aking silid pero hindi ko na isara ang pinto dahil tinukuran niya ito ng kanyang kamay.
“Anong wala? Pwede bang mapuyat ka ng wala dahilan?”
Tinitigan ko siya sa mata.
“Ang ibig kong sabihin wala kang paki-alam!” Itinulak ko ng malakas ang pinto para maisara ito at agad kong ni-lock.”
“Aray!” Narinig ko mula sa labas at naghilamos na akong mukha.
“Aba loko tong batang to ah!” Kumatok siya sa banyo. “Hoy Angelo, yaya mo ako. Baka nakakalimutan mong ako ang nag-aalaga sayo. Gusto mong isumbong kita sa nanay mo?”
“Ang ibig kong sabihin wala kang dapat ipag-alala. Gumawa lang ako ng report ko para mamaya.”
“Ah ganon ba? Dapat sinabi mo agad. Lalo ka pa tuloy male-late niyan.”
“Ang kulit mo kasi”. Sagot ko pero wala na akong narinig na sagot. Maaaring wala na siya sa may pinto ng banyo kaya naligo na ako.
Napuyat ako kagabi dahil sa kakaisip ko kay Ronnie. Hindi ko kasi maalis sa isipan ko ang nangyari sa kanya. Lalo na... teka may kasalanan ba talaga ako? May multo ba talaga? Lalong tumindi ang kagustuhan kong ikumpirma kung may multo ba talaga sa building 5 o wala dahil hindi ako mapalagay ng hindi natutuklasan ang totoo. Gusto kong malaman kung may kabaliwan si Ronnie na hindi ko alam o merong salarin sa nangyari sa kanya. Kung meron, gusto ko iyon pigilan. Gusto ko yun wakasan para wala nang matulad kay Ronnie.
...
Nakarating na ako sa tapat ng classroom. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone, 8:27 na pala.
Pagbukas ko ng pinto ay nagsitinginan ang mga kaklase ko sa akin.
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?