Chapter 21

256 18 1
                                    

Kakatapos ko lang maligo ng marinig kong nagriring ang aking celphone kaya agad ko itong pinuntahan sa kwarto.

Nakita kong si mama ang tumawatawag. Sinagot ko ito "Hello Ma!"

"Kumusta anak?"

"Bakit ka po napatawag ng ganitong oras? Alas syete pa lang ah! Papasok pa lang po ako."

"Pasensya anak, hindi kasi ako makatulog eh. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin makontak ang ate Roselle mo kaya nag-aalala na talaga ako. Wala ka bang balita sa kanya o kaya ibang contact number niya para matawagan ko?"

"Ah, wala po ma eh."

"Ganon ba? Okay, susubukan ko na lang kontakin yung kaibigan kong pinsan niya. Bye anak! I love you!"

"I love you too ma!"

Binaba ko na ang tawag at pumasok na sa eskwela.

...

Dumating ako sa silid ng wala pa ang guro. Pagbukas ko ng pinto ay napatingin sa akin si Maiya. Binigkas niya ang aking pangalan ng nakangiti na agad na naglaho. Agad niya ring binawi ang kanyang tingin sa akin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa aking upuan.

Tumabi sa akin si Mark. "Oh pare kamusta?" Tanong niya.

"Okay lang." Matamlay na sagot ko.

"Talaga? Napansin ko kasi na parang medyo down ang mood mo nitong mga nakaraang araw. Pare andito lang kami nila Oliver para sa'yo." Napatingin ako kay Oliver at nagthumbs-up siya sa akin.

Tumango lang ako.

"Pare umamin ka nga sa akin, naging kayo ni Maiya noh?" Pabulong natanong niya.

Nagulat ako. "Ha!? Hindi! Saan mo naman narinig yan!?" Patanong na sagot ko.

"Wala lang, napansin ko lang. Nung mga nakaraang buwan kasi close kayo eh kaya akala ko hindi mo na kailangan ng kaibigan kasi meron ka na, girlfriend mo pa! Pero nitong mga nakaraang araw parang hindi kayo nagpapansinan dahil isa sa inyo ay bitter dahil sa break up, tama ba?"

"Ha!?" Bigla kong naisagot. Grabe siya mag-assume, natulala ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung paano sasagot. Buti na lang dumating na si Ms. Sanchez.

"Good morning class!" Ani ni Ma'am.

"Good morning Ms. Sanchez!" Sagot ng klase.

Nagpatuloy ng normal ang klase hanggang sa uwian.

...

Nakauwi na ako sa aking bahay. Alas syete na ng gabi ng marinig kong may tumatawag nanaman sa aking cellphone. Si mama ulit iyon.

"Hello ma! Bakit po?" Agad na itinanong ko.

"Angelo, nakausap ko na si Martha at ang ate Roselle mo." Seryosong sagot ni mama. Bumilis ang pintig ng aking puso, kinakabahan ako.

"Ah. Ano daw pong nangyari?"

"Nawala daw ang celphone niya. Siguro nalaglag or nadukot dahil nagmamadali siyang umalis diyan."

"Ah."

"At alam mo pa kung anong natuklasan ko?"

"Ano po?"

"Hindi daw siya ikakasal dahil wala siyang boyfriend!"

"Oh! Niloko pala ako ni ate."

"Hindi siya ang nanloko sayo, ikaw ang nanloloko sa akin. Angelo yung totoo, nagsisinungaling ka diba?"

Lalong bumilis ang pintig ng aking puso. "Hindi ma. Pinagtakpan ko lang siya para hindi ka magalit sa kanya."

"Alam mo bang pinanindigan niya na ang tunay na dahilan ng pag-alis niya diyan ay maligno? Totoo bang meron diyan?"

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon