Chapter 10

2.6K 34 6
                                    

Note: Siya nga pala, nakalimutan kong ilagay ang location ng school sa Chapter 3 nung dinedescribe ko yung school. Ieedit ko yun sa susunod pero syempre, mamimiss niyo yun kasi nasa chapter 11 na tayo kaya isasama ko na lang din muna dito sa note ko.

Yung school kasi nasa agriculural area siya. May farm pa nga malapit sa kaliwa ng school. Maluwag ang daan doon kasi walang gaanong sasakyan na dumadaan. Yung mga jeep lang na doon talaga ang daan ang madalas na makikita doon. Binase ko ang school dito sa story sa school na dati kong pinasukan. Pero syempre yung ghost story gawa-gawa ko lang.

At para hindi na kayo maghintay ng matagal, irerelease ko na lang ng putol-putol ang chapter 11 tulad ng ginawa ko sa chapter 7 at 8 (isang chapter lang yun dapat) at chapter 10.

Okay back to story...

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 10

Medyo dark blue na ang langit nung paglabas ko ng building five. Nagmamdali akong tumakbo papunta sa gate. Habang tumatakbo ay hinawakan ko ng kanang kamay ang nagdudugo kong pisngi. Curious kasi ako kung bakit ang daming tumutulong dugo eh gasgas lang yun. Pagtingin ko sa aking palad ay halos mapuno na ito ng dugo.

Nabalisa ako sa aking nakita. Nagdudugo na nga ang aking kaliwang balikat at kamay tapos dadagdag pa tong pisngi ko. Kapag nagpatuloy to ay baka maubusan ako ng dugo kaya hindi ko maiwasang mag-alala na baka mamatay ako.

Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita si Maiya kaya kailangan kong pumunta sa hospital. Kailangan kong agapan ang mga sugat ko. Pero syempre, ang  banta ni Samantha ay hindi ko pa rin nakakalimutan. Kaya niya akong sundan kahit saan kaya may kutob ako na kahit magpagamot ako ngayon ay hindi na ako aabot bukas lalo na na alam ng demonyong may hawak sa kanya na gusto ko siyang tulungan. Kaya alam ko ang pagpipilian ko na lang ay kung paano ako mamatay. Mamatay akong inililigtas si Samantha o mamatay akong nakatulala sa hospital. Syempre ang pipiliin ko ay ang mailigtas si Samantha para naman makagawa ako ng kabutihan bago ako mamatay.

Malapit na ako sa may gate nung bigla akong tinawag ni Mrs.Mendoza.

“Angelo!” Napahinto ako at napalingon sa kanya. “Halika!” Sabi niya ng nakangiti at papalapit sa akin. Tiningnan ko siya nang nanliit ang mata dahil parang maymalisa kanya. Parang wala siya sa sarili... para siyang lasing pero hindi?

Nagpasya akong huwag siyang pansinin at lumabas na sa school. Nagpatuloy ako sa pagtakbo pabalik sa commercial area.

Narinig kong nagsalita ulit si Mrs. Mendoza. “Hindi ka makakatakas!” Sabay humalakhak siya ng malakas kaya napatingin ako ulit sa kanya sa loob ng school habang tumatakbo.

Nakaka-alarma na talaga ang pagdudugo ng aking mga sugat. Ang dugo ko sa kaliwang balikat ay tumutulo pababa sa aking siko at ang sa kamay ko naman ay pababa sa aking palad. Ang pisngi ko naman ay parang nagtutulong gripo. Kaya tinanggal ko ang suot kong damit at binalot ito sa nagdudugo kong kamay.

Kinuha ko ang cellhpone ko para alamin kung saan nakalibing si Samantha. Tinawagan ko si Maiya habang tumatakbo. Sinagot niya agad ang tawag ko.

“Hello Angelo.”

“Alam mo ba kung saan nakalibing si Samantha?”

“Doon sa sementeryong malapit sa school. Umattend ako ng libing niya eh.” Nabuhayan ako ng loob nung nalaman kong malapit lang pala ang pupuntahan ko.

“Saan banda doon?”

“Sa North side, bandang gitna. Gets mo?”

“Ah okay, okay. Sige hahanapin ko, bye!”

Binaba ko na ang tawag at binilisan ang pagtakbo pero maya-maya ay hinihingal na ako kaya napahinto ako at napahawak sa aking mga tuhod habang hinahabol ang aking hininga. Dahil doon, nalapit ang mukha ko sa aking mga balikat kaya naalala ko na nagdudugo pa pala ang aking kaliwang balikat kaya tinakpan ko ito ng aking kanang kamay.

Napansin ko na ang dilim-dilim na pala ng paligid. Dark violet na ang kalangitan. Sa kaliwa ko ay parang gubat na punong-puno ng kapunuan at sa kanan naman ay ang mga hiwalay-hiwalay na bahay. Naisip ko na humingi ng tulong sa mga naninirahan doon kaso naiisip ko rin na parang napopossess lahat ng tao na nilalapitan ko kaya inisip ko na huwag na lang dahil baka imbis na makatulong ay baka makasama pa ito.

Higit isang kilometro lang ang layo ng pinakamalapit na sementeryo sa school pero pagod na ako at hindi ko pa rin ito matanaw.Sanamay dumaang jeep dito para naman hindi ko na kailangan maglakad pa para makarating doon.

Tiningnan ko ang oras sa rilo ko, 6:54 na pala. Pag ganitong oras, imposible nang makakita ng jeep dito lalo na weekend ngayon. Dito kasi sa probinsya, pagsapit ng alas-syete ay nagsasara na halos lahat kahit mall at halos wala ng makikitang sasakyan sa kalsada kahit sa commercial area kaya ano pa ang aasahan ko dito sa makulimlim na lugar na to diba?

Nagsimula akong maglakad. Kaysa naman sa nakatambay lang ako sa gitna ng daan, masmabuti nang maglakad ako. Pero nagulat ako ng may dilaw na ilaw na nagmumula sa aking likuran.

Guminhawa ang pakiramdam ko dahil alam kong jeep lang ang magbibigay ng ganong liwanag sa daan kaya huminto ako at winagayway ang aking kanang kamay para parahin ang jeep pero dinaanan lang ako nito.

Napakunot ang noo ko nang nakatingin sa driver na panot na naka-asul. Ni hindi niya man lang ako tiningnan na parang hindi niya ako nakita. Bigla akong kinilabutan at nanlaki ang mga mata nung mga pasahero na ng jeep ang nakikita ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin na naninilaw ang mga mata.

Napasign of the cross ako sa takot. Parang nagwawala sa pagdra-drum ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Napahawak ako sa Rosaryo ko at napasabi “Lord kayo na pong bahala sa akin.”

Alam kong hindiako dapat matakot.

“Protektado ako ng Diyos.” Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili para mawala ang takot ko.

Tumakbo ako ulit papuntang sememteryo dahil ayoko nang makakita ng ganon at syempre, ayoko dito sa daan mamatay.

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon