Chapter 8

2.8K 38 9
                                    

Chapter 8

June 30, Saturday

Ang dilim ng lugar pero kahit paano, malinaw sa akin ang lahat. Nasa tapat ako ng T.L.E. room at si Maiya ay nasa kalagitnaan ng hagdanan pababa.

“Angelo mauuna na ako. Maghahanda pa ako ng report ko mamamya sa History. Ikaw na bahala diyan ah.” Sabi niya.

“Sige.”

Agad siyang umalis pagsagot ko at hindi ko na malayan nagsialisan na pala ang mga tao sa T.L.E. room habang nag-uusap kami ni Maiya.

Mag-isa na lang pala ako sa second floor ng building 5 kaya isinara ko ang pinto ng T.L.E.room at nilock ito.

Subalit nung ikatlong hakbang ko pababa sa hagdan, may narinig akong bumukas na pinto.

Napatanong ako sa sarili ko “Ano yun?” Kaya napahinto ako at napatingin sa likod. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Ang pinto ng saradong banyo nakabukas!

Bumilis ang tibok ng aking puso. Alam kong kailangan ko nang umalis pero biglang umiinit ang aking kaliwang tainga. Parang may bumubulong dito pero hindi ko marinig at hindi ko magawang humarap sa takot. Bigla na lang may bumaon sa kaliwa kong dibdib tsaka ko lang nagawang humarap. 

Walang tao sa harap ko at kitchen knife ang nakabaon sa aking dibdib. Sinubukan ko tong hugutin pero hindi ko kaya, wala na akong lakas. Pabagsak na ako nung bigla akong nagising!

Napaupo akong hinihingal sa aking higaan. “Huh.. huh.. huh..” Parang nagwawala ang aking puso. Buti na lang panaginip lang iyon. Sa gilid ng aking kaliwang mata, may napapansin akong nakatitig kaya napalingon ako sa bintana. Biglang parang may tumakbo paalis na nakaputi at may mahabang buhok hanggang balikat.

Teka, bakit bukas yun? Lagi ko kayang sinasara ang bintana sa kwarto ko bago ako matulog. Nakalimutan ko ba kagabi?

Nararamdaman kong nanginginig pa rin ang aking katawan sa takot pero bumangon na ako para magbanyo.

Nanlaki ang mga mata ko pagbukas ko ng pinto, nakatapat ko si ate Roselle na may hawak na kutsilyong nakatutok sa akin kaya biglang nanumbalik ang kaba sa aking dibdib.

“Ate ba’t may hawak kang kutsilyo?” Agad kong naitanong.

“Ah ito, nagluluto kasi ako.”

“Eh anong ginagawa mo sa tapat ng kwarto ko?”

“Gigising sana kita.”

“Sabado ngayon!”

“Ay di ko naalala.”

Bigla siyang umaalis na parang walang alam sa pinaggagawa niya.

Tumuloy na ako sa banyo upang umihi, maghilamos at magsipilyo. Paglabas ko sa banyo ay napatingin ako sa orasan sa may sala, 8:40 na pala! Kung may balak siyang gisingin ako, eh di dapat kanina pa diba? Ewan ko kung napaparanoid lang ako o ano, pero feeling ko may kakaiba talaga sa kanya.

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon