[Maiya's POV]
Napansin kong tulala at parang wala sa sarili si Angelo kanina habang nagrereport ako sa History kaya nacurious ako. Nais ko sana siyang kausapin pagkatapos ng klase pero parang nagmamadali siyang umalis. Paalis na siya ng klasrum habang nag-aayos pa lang ako ng gamit. Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin. Bakit kaya?
May nararamdaman akong may kakaiba sa paligid. Parang may mali... hindi, may mali talaga! May kutob akong may mali talaga dahil parang wala ako sa sarili ko kanina.
[Angelo's POV]
5:46 ng hapon, nakarating ako sa simbahan mula sa eskwelahan. Pumasok ako sa loob at nakakita ako ng pari malapit sa may altar.
Hindi ko nakakalimutan ang sinabi sa akin ng demonyo kanina na kung sino man ang sabihan ko ng bagay na may kinalaman sa kanya ay magpapakamatay pero naniniwala ako na ang pari ay banal na tao na hindi sila basta-basta magagalaw ng demonyo dahil sugo sila ng Diyos kaya hindi ako nagdalawang isip lumapit sa pari.
"Father may problema po ako."
"Ano yun iho?"
Napabuntonghininga ako at napatingin sa ibaba. Nagdadalawang-isip akong sabihin dahil sa sinabi ng demonyo pero alam kong walang ibang makakatulong sa akin kundi pari lang kaya napilitan akong magsalita.
"Dinidemonyo po ako father." Mula sa ibaba, itinitig ko ang mga mata ko sa mga mata niya at nakita ko ang mga mata niya ay parang nawalan nang sigla. Parang tumigil ang mundo sa aking nakita ngunit bigla siyang ngumiti na nagpagaan ng akin loob.
"Ganun ba? Sige, ipagdarasal kita iho. Huwag kang mag-alala." Sagot niya at hinawakan ako sa noo.
"Salamat po, father. Uuwi na po ako father."
"Sige iho, mag-iingat ka."
"Sige ho, father."
Tumalikod na ako at naglakad paalis ngunit pagkatapos ng tatlong hakbang ay tinawag niya ako kaya napalingon ako sa kanya...
"Iho! Huwag mong kalimutan. Pumunta ka dito bukas ng alas kwatro ng umaga. May ipapakita ako sa iyo na siguradong makakatulong sa iyo."
Napangiti ako, "sige ho father! Maraming salamat po ulit!" Napamadali akong lumabas sa simbahan. Panatag ang loob ko. Ganoon lang pala kadali iyon!
Krrriiingggggg!!! Tumunog na ang alarm ng cellphone ko ibig sabihin ay 2:30am na pero inaaantok pa ako kaya pinindot ko lang muna ang cellphone ko para humihinto. Mag-aalarm naman ulit yun after 5 minutes eh. Pinikit ko ang aking mga mata pero agad na nag-alarm ang cellphone ko kaya inangat ko ang ulo ko at tiningnan ang oras sa cellphone, 2:35am nga. Teka parang wala pang two minutes yun ah. Naisip ko tuloy na i-alarm na lang ng 3:00am at matulog na lang ulit tutal masyado pang maaga ang 2:30 para sa 4:00am ko nalakad. Magmamadali na lang ako mamaya para hindi mahuli. Ipinikit ko na ang aking mga mata.
...
"Krrriiiinnngggggg!!"
Puto kakapikit ko lang ah alas tres na agad!? Nais ko pang matulog pero baka malate ako ng punta sa simbahan kaya wala na akong choice kundi ang bumangon at i-activate ang 'beast mode' ko. Dali-dali akong naghilamos, nagtoothbrush at naligo.
Nagmadali akong nagtungo sa simbahan. Excited kasi akong makita ang sinasabi ng pari na makakatulong sa akin.
"Huh! Huh!" Hinihingal akong nakarating sa tapat ng pinto ng simbahan dahil sa pagtakbo. Sarado pa ang pinto ng simbahan kaya napatingin ako sa oras mula sa aking rilo, 3:56am na. Bigla akong kinilabutan, nakaramdam ako ng kakaibang kaba nung panandaliang lumakas ang hangin. Hangin na may kakaibang lamig kaya kinutuban ako ng masama.
Kinatok ko ang pinto at kusa itong bumukas. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nasaksihan. Nakabigti sa may taas ng altar ang paring kausap ko kagabi. Napahakbang ako ng apat na beses palapit na nakanganga dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita
Siya ba talaga to?
Totoo ba talaga ito?
Paano nangyari ito eh alagad siya ng Diyos?
Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha at sigurado nga akong siya ang paring kausap ko kagabi. Nakapikit ang kanyang mga mata, nakalabas ang dila, tuwid ang mga kamay at paa at wala ng malay. Bigla na lang akong nakaramdam ng kamay sa aking kaliwang balikat. Parang sumabog ang puso ko sa kaba dahil may naramdaman akong tao este alam ko na yun na tumabi sa aking kanan.
"Nagustuhan mo ba ang iyong nakikita?" Tanong ng demonyo sa tabi ko.
"..."
"Sinabi ko naman sa iyo Angelo, lahat ng sabihan mo ng mga bagay na may kinalaman sa akin ay magpapakamatay. Alam mo bang sinusumpa ka niya nung nalaman niya yun kagabi?"
"Pari nanunumpa?"
"Oo naman! May pari ngang nanggagahasa at nanamantala, nanunumpa pa kaya? Sabi niya pa nga put*nginang bata yun papatayin ko siya! Nako kung nakita mo lang ang mukha niya kagabi. Galit na galit! Nakakatawa siya..." Narinig kong tumawa siya ng mahinhin. "...Ano Angelo, mapagbibigyan mo ba ang pari sa kanyang kahilingan?"
Hindi ko siya kinibo.
"Nakakatawa diba Angelo? Pari na inaasahan mong makakatulong at magliligtas sayo ngayon ay nakabigti na sa harap mo.
Naiintindihan mo na ba Angelo? Walang taong makakaligtas sa iyo sa akin dahil walang tao ang may kakayanang pumatay ng demonyo...
Nanaisin mo pa bang may magpakamatay ulit ng dahil sa iyo? Kaya mo bang pigilan ang sarili mong huwag magsalita tungkol sa akin?
Ilang tao pa kaya ang iyong papatayin gaya ng paring iyon?"
"Hindi ko siya pinatay!"
"Hindi ba? Alam mong magpapakamatay siya kapag sinabihan mo siya ng mga bagay na may kinalaman sa akin pero ginawa mo pa rin. Hindi ba parang pinatay mo na rin siya?"
"Sumpa mo yun! Sinumpa mo ako! Ikaw may gawa nun!"
"Andoon na ako Angelo..." ngumisi siya at tiningnan ako sa aking mga mata "...Pero kaya ba ng konsensiya mo? Paano kung pamilya mo ang masabihan mo? O ang iyong iniibig na si Maiya?..." Bigla akong napatingin sa mga mata niya. Nginitian niya lang ako. "...Kaya mo ba?"
Hindi ko siya sinagot. Alam kong malalampasan ko rin to. Kaya ko ito. Tiwala lang sa Diyos at sa sarili. Muli nanaman siyang humirit.
"Alam mong masmakakabuti sa mga taong nakapaligid sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay ang magpakatiwakal ka na ngayon din..." Tinititigan niya ang nakabigti na pari. "...Masdan mo ang imaheng yan Angelo. Yan ang tutulong sa iyong magpakamatay... Ikaw kasi, masyado kang paki-alamero. Ayan tuloy ang napapala mo! Haahahahaha! Haahahahaha!" Humalakhak siya ng malakas bago siya dahan-dahang naglaho sa aking tabi.
Nakatitig pa rin ako sa nakabitin na walang buhay na pari. Biglang nagtilt ang ulo nito pakanan, umayos at napatitig ng masama sa akin. Umaalog-alog pa ang ulo niya, nagsitaasan ang mga buhok at nanlalaki ang mga mata. Tsaka siya sumigaw ng may nakakakilabot na boses.
"ANGELLOOO!!!"
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?