Chapter 13

2.4K 81 74
                                    

Pagkalipas ng tatlong buwan ay hindi na masyadong mahigpit ang mga teacher at school staff sa mga estudyante.

Dahil ilang buwan na rin ang nakalipas, unti-unti na rin akong bumabalik sa dati kong pagkatao. Yung hindi masyadong lapitin sa Diyos at nakakalimot magdasal bago matulog. Sa tuwing nangyayari yun ay nagkakaroon ako ng bangungot at magigising akong kinakabahan ng madaling araw o sa umaga.

Chapter 13

Papunta ako ng school ng tinawag ako ng isang matandang babae.

"Angelo!"

Napatingin ako sa babae na nagtataka dahil hindi ko naman siya kilala pero alam niya ang pangalan ko.

"Halika! Huhulaan kita." Sabi ng matanda kaya lumapit naman ako.

Ipinagdikit niya ang aking palad at tsaka nagtanong...

"Hindi mo ba nakikita?"

"Yung ano?" Sagot ko.

"Ang kutsilyo!"

Napatingin ako sa aking mga palad at napansin ko ang guhit ng palad ko ay bumuo ng kutsilyo. Humalakhak ng malakas ang babae...

"Hahahahahaha! Yan ang papatay sayo!"

Bigla akong nagising na pawis na pawis at kinakabahan. May napansin akong nakaitim na lalake sa baba ng aking paningin kaya bigla akong napasit-up sa aking higaan.

Wala naman! Guni-guni ko lang siguro.

Napa-sign of the cross ako at bumangon na sa higaan.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Ate Roselle sa may dining table na naghihiwa ng sibuyas at patatas. Wala naman mali sa kanya ngayon pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit nakapurong itim siya ngayon. Oo, itim na damit at itim na palda na parang aattend siya ng lamay kaya tinanong ko siya,

"Ate ba't naka-itim kaya ngayon?"

Tiningnan niya ako nang mukhang nagtataka "Bakit bawal ba?"

"Hindi naman. Nagtataka lang ako na nakapurong itim ka."

"Ah!"

Dumiretso na ako sa banyo at nag-ayos bago pumunta sa school.

...

Sa loob ng school, 2:54 ng hapon.

Nasa loob kami ng T.L.E. room kasi may cooking activity kami ngayon pero kakatapos lang namin magluto at kumain kaya papaalis na rin kami dito.

Naunang lumabas si Maiya na parang nagmamadali siya.

"Angelo!" tinawag niya ako kaya lumabas ako ng T.L.E. room at lumapit sa kanya. "Angelo mauuna na ako. Maghahanda pa ako ng report ko mamamya sa History." Ibinigay niya sa akin ang susi at nagmadaling bumaba sa hagdan.

Sa kalagitnaan ng hagdan ay napalingon siya ulit sa akin at iniwagayway niya ang kanyang kaliwang kamay para magpaalam. "Ikaw na bahala diyan ah."

"Sige." Sagot ko at agad na siyang umalis. Ipinagtaka ko kung bakit siya nagpapaalam sa akin hanggang sa dumaan na sa harap ko ang huling tao sa loob ng T.L.E. room. Hindi ko namalayan na nagsialisan na pala ang mga kasama ko kaya isinara ko na ang T.L.E. room at naglakad pababa na ng hagdan.

Subalit nung ikatlong hakbang ko pababa, may narinig akong bumukas na pinto kaya napatigil ako at napalingon sa likod.

Nanlaki ang aking mga mata nung nakita kong bukas ang saradong banyo. Bumilis ang tibok ng aking puso. Naalala ko at alam kong parehong-pareho ito sa panaginip ko kaya naisipan kong tumakbo na. Pero bago ko pa magawa, biglang may narinig akong bumulong sa aking kaliwang tainga. "Tol, kumusta na?" Boses iyon ni Ronnie, haharap pa ba ako?

The End

Suicide School - Original story by Uncle_Lit

Maraming maraming salamat sa mga readers. Pasensiya na nirush ko ang last few chapters hahahaha! Pero promise kong aayusin ko lahat yun kapag may internet na ako ulit sa bahay lalo na yung chapter 11(yung sa sementeryo) na more than 3 hours ko lang ginawa.

Special thanks to tita Becca, sa kapatid kong si Joyce, kay tito Dodoy at sa iba ko pang kamag-anak for helping and giving me feedback sa story.

Special thanks din kay JosephValencia at Jeniitot for asking for updates nung tinatamad pa akong mag-update. Syempre na giguilty naman akong iwanang hindi tapos ang story gayong alam ko na may nagbabasa. Yun din ang naging motivation kong mag-update, sinasabihan ko ang sarili ko, "hoy! Half-a*s mag-update ka na, may naghihintay hahaha!

Special thanks din doon sa mga nagvote ng lahat at halos lahat ng chapter. Kay Lich_derui22, Blue_Angel, Jeniitot at kay Rafael_Ocampo. Kung may nakalimutan ako, sorry na lang sayo bleh!! Joke lang hahahaha!

Thank you din sa mga voters at nagcomment sa story ko specially kay Youaremystar. Siya lang yata nagcomment ng related sa story. Yung iba sinasabi lang maganda ang story o nagrerequest lang ng update hahahaha! Grabe, naaalala ko nung chapter 10-b (ngayon 9.2) pa lang ang inupload ko, 1.8k lang ang reads ng story ko. Ngayon after almost 2 weeks halos 10k reads na siya. Yung news feed ko nun masyadong busy kasi maraming nag-aadd ng story ko sa reading list nila at the same time nakakareceive din ng votes. Masaya ako nun promise kasi feeling ko hindi na walang kwenta pinagsusulat ko kasi binabasa na siya ng tao.

Speaking of which, maraming maraming salamat din sa mga nag-add nito sa reading list. I can't possibly name you all kasi hindi na lahat nakadisplay sa news feed ko at hindi na lahat nadidisplay sa "who's reading this" kasi more than 20 na.

Special thanks sa mga nagfollow sa akin lalong-lalo na kay Corazon_Divinagracia, yung number 1 fan ko daw hahahaha! Syempre naappreciate ko yun. Thank you talaga! Makakabawi rin ako sa inyo. Magrequest lang kayo sa akin, dedication or anything basta kaya kong gawin, gagawin ko basta patient lang kayo kasi tamad si Juan.

Maraming maraming salamat talaga sa mga supporters ng story na to. Nakakatuwa siya kasi first story ko ganito ang resulta. Hindi ko prinomote ang story na ito, hindi rin ako nakipagtrade ng vote or comment at hindi rin ako nag-ask ng vote or comment dahil gusto kong makita kung ano ang kaya ng story na ito just by itself and of course, the result far exceed my expectations. Thank you talaga!

This time I will ask your vote, kung nagustuhan niyo ang story please vote every chapter para umabot naman to ng first page sa hotness ng horror category. Umabot na ng 2nd page eh. Kunting tulak pa hahahaha!

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon