Chapter 9
Sumakay ako ng jeep papuntang school. Nakatambay ako malapit sa may gate ng school. 4:54 na.
Nakabukas ang gate pero walang guard. Kita ang loob ng school mula sa labas dahil ang bakod ng school ay hindi purong semento kundi wrought-iron-fencing.
Wala akong nakitang tao sa school kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at nagmadaling pumasok papunta sa building 5.
Himalang nagawa kong umakyat sa hagdan ng kalmado. Malapit na ako sa second floor kaya lumagok ako at sinubukan tawagin si Samantha.
“Samantha. Mag-usap tayo, magpakita ka na.”
Biglang lumamig ang lugar. Ewan ko kung ang building o ako basta nakaramdam ako ng panlalamig.
Walang sumagot kaya nakaramdam ako ng kaunting kaba pero binalewala ko lang ito at naglakad patungo sa saradong banyo.
Kinatok ko ang pinto.
“Samantha andyan ka ba?”
Naramdaman kong parang may dumaan sa aking likuran.
“Sigurado ka bang gusto mo akong makita?” mahinang boses na narinig ko mula sa aking likuran kaya agad akong napalingon sa aking likod.
Walang tao sa likod ko pero dahan-dahang bumukas ang pinto ng T.L.E. room hanggang sa umabot ng 20 degrees ang bukas ng pinto.
Tila ba iniimbitahan ako nitong pumasok sa silid. Alam kong maaring patibong ito pero gusto ko siyang makita kaya hindi ako nagdalawang-isip pumunta doon.
Nilakihan ko ang bukas ng pinto at sumilip sa loob. Medyo madilim na sa loob dahil palubog na ang araw pero nakakakita pa ako ng maayos kaya hindi ko na binuksan ang ilaw at baka may makapansin pa dito sa labas.
Dumiretso ako sa loob hanggang sa marating ko ang dulo ng silid. Biglang may narinig akong sumisingaw at nangangamoy gas kaya napatingin ako sa aking kanan.
Putcha ang gas stove nakabukas!
Tumakbo ako papunta sa kalan at agad ko itong isinara. Biglang bumalibag ang pinto pasara kaya napatingin ako doon.
ANDOON SIYA! Nakangisi at nalilisik ang mga mata. May hawak siya na kutsilyo.
“Hangal ka Angelo!” Bigla siyang naglakad ng mabilis patungo sa akin.Tumagos siya sa unang mesa.
Napaatras ako ng isang hakbang.
Tumagos siya sa pangalawang mesa, napatras ulit ako.
Ramdam ko na ang pader sa likod ko at ang kalan sa kaliwa ko.
Mabilis siyang lumalapit sa akin, kailangan ko siyang huminto kaya itinaas ko ang aking kanang kamay kapantay ng aking balikat at ang hintuturo ko at hinlalaki ay pinagdikit ko at ang iba kong daliri ay nakatiklop tulad ng sa pari.
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?