Chapter 12

2.5K 37 13
                                    

Note: Siya nga pala,  yung chapter 8 ginawa kong 7.2 kasi  karugtong naman talaga nung chapter 7 yun. Tsaka I like the idea na ang ending ay chapter 13. :))

Parang nirush ko daw chapter 11 hahahaha! Siguro nga kasi isang araw ko lang yun ginawa, pero sige idedetailed ko next time pag di ako tinatamad hahaha! Pero yun na yung summary nun kaya pareho lang ang kwento kahit idetail ko pa. :))

Iaaddress ko pa yung kulang sa chapter 11 bago ko gawin to. Kaya nagawang hukayin ni Angelo yung libingan kahit sugatan siya kasi nagkaroon siya ng adrenaline rush. http://en.wikipedia.org/wiki/Adrenaline_Rush o kaya isearch niyo na lang sa google "Adrenaline Rush" kasi di pala pwede magpost ng link o hindi ko lang alam. :))

 Akala ko talaga common knowledge yun kaya hindi ko na nilagay pero sabi ng tita ko kailangan daw para walang questions hahahaha!  Pag ang tao ay nasa panganib at may determinado siyang gawin, may chansang magkaroon siya ng adrenaline rush. Sigurado ako yung iba sa inyo narinig na na pag may sunog, kayang buhatin ng isang tao ang ref mag-isa na normally hindi niya kaya. 

Tsaka pinalitan ko ang 30 mins na paghuhukay ng 2 hours. Imposible daw ang 30 mins hahahaha! Kala ko 1 hour matagal na yun hahahaha!

At syempre para masmasaya, maglalagay ako ng kunting pabitin... :))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 12

Nagising ako sa isang masilaw na maputing lugar. Medyo blurry pa ang paningin ko nung napansin kong nakaupo sa aking kanan si Samantha sa silya na higit 1 foot lang ang layo sa akin. Nakatingin siya sa baba at nakapatong ang kanyang mga siko sa kanyang mga tuhod.

Kaya tinawag ko siya...

“Samantha?”

Napatingin siya sa akin at kahit di ko gaano makita, I can tell na ngumingiti siya.

“Samantha ka diyan?” Napayakap siya sa akin kaya ipinalupot ko ang kanang kamay ko sa kanyang bewang... “Si Maiya to, sira!”

“Ah.” Napatango pa ako sa aking higaan at unti-unti nang bumabalik sa normal ang aking paningin. Si Maiya nga, no joke!! At kaya pala masilaw kasi nakabukas ang bintana sa kaliwa ko at nakaandar din ang puting ilaw sa taas ng higaan ko.

Binitawan niya na ako at napaatras ng kaunti pero ang kamay ko ay nakakapit pa rin sa bewang niya bago siya nagsalita ulit.

“Akala ko talaga kung ano na nangyari sayo kasi tinatawagan kita kagabi pero hindi ka naman sumasagot. Buti na lang pumayag si papa na pumunta sa sementeryo nung binanggit ko kung ano ang ginagawa mo doon. Nagsama pa nga kami ng pari eh.”

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon