Chapter 20

311 19 4
                                    

[Angelo's POV]

Kakauwi ko pa lamang sa bahay galing eskwelahan. Pagbukas ko sa pinto ay nagulat ako sa aking nakita.

"Ate Roselle!?" Tanong ko.

"Hindi. Ako to Angelo." Ani ng boses demonyong ate Roselle.

"Oh ba't bigla kang nalungkot? Para kang nakakita ng demonyo." Dugtong nito at nagpalit anyo sa demonyo ng nakangiti.

Panandalian ko siyang tiningnan ng masama at nagtungo papunta sa kusina. Pagdaan ko sa may dining table ay may narinig akong sumitsit sa akin mula doon kaya napahinto ako sa akinh kinatatayuan. Boses ito ng demonyo.

"Pssstt! Angelo!" Napatingin ako sa dining table at nakita ko ang demonyo na nakaupo sa upuan doon. Merong nakalatag na plato na may takip sa itaas ng mesa.

"Ipinagluto kita. Huwag kang mag-alala, masarap iyan dahil alam ko ang lahat. Alam mo naman ang kwento ni Adan at Eba diba? Yung dalawang mangmang nagkaroon lang ng kaalaman dahil nakipag-usap sila sa ahas!" Nagliliwanag ng dilaw ang mga mata ng demonyo nung pagbigkas niya ng 'ahas' habang seryosong nakatitig sa aking mga mata.

Dahil sa nangyari ay nawalan ako ng ganang kumain kaya imbes na pumunta sa kusina ay nagtungo ako sa aking silid para idaan na lang sa tulog ang lahat ng ito.

Subalit pagbukas ko ng pinto ay ikinagulat ko ang aking natanaw. Nakita ko ang nagpakamatay na pari na nakabigti sa kisame sa taas ng aking higaan. Napaatras ako ng isang hakbang at naramdam ko ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Lumingon ako sa pinaruruunan ng demonyo at nakita kong nakaupo pa rin siya at nakangiti sa akin.

Nakakabadtrip ang pagmumukha niya kaya agad akong pumasok sa silid at isinara ang pinto. Dumiretso ako sa aking higaan at humiga ng nakaharap sa kisame. Sa taas ko ay ang nakalutang na pari. Nagkatitigan kami ng mga mata. Ang mga mata niya'y nanlilisik at punong-puno ng galit. Binibigkas niya ng mahina at mabagal ang aking pangalan ng paulit-ulit. Pero ang lakas ng boses niya ay sapat lang para marinig ko na parang may bumubulong sa aking tainga. Hindi ko ito matagalan kaya tumagilid ako sa aking kanan paharap sa pader at nakaharap ko ang demonyong nakahiga rin sa aking higaan paharap sa akin.

"Hello!" Ani niya ng nakangiti. Bigla akong napaluhod at naisipan kong magdasal. Kahit saglit lang, kahit panandalian lang, kahit hanggang paggising ko lang na mawala itong demonyo ay ikakatuwa ko ng lubos. Nag-sign of the cross ako para simulan ang aking pagdarasal at napasit-up ang demonyo sa aking tabi.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa aking pagdarasal. "Nagdarasal ka dahil may demonyo sa tabi mo. Pero pagwala ako siguro naglalaro ka sa computer, nagfi-facebook, naglilibang. Pero dahil andito ako, nagdadasal ka. Mga tao nga naman, nagdarasal lang kapag may kailangan. Magaling! Palakapakan! Naririnig ko siyang pumapalakpak habang ako'y nagdadasal ngunit hindi ko siya pinansin at tinapos ang pagdadasal.

Pagdilat ko ng aking mga mata, tulad ng dati ay ang mga madilaw niyang mga mata ang una kong nakita. Nakaluhod din siya sa harapan ko.

" Oh ano, may nagbago ba?" Tanong niya.

"Wala! Demonyo ka pa rin!" Pabastos na sagot ko sabay higa patagilid patalikod sa kanyang dating pinwestuhan at ipinikit ko ang aking mga mata.

Narinig ko siyang tumatawa ng may katamtamang lakas at hindi ko na naririnig ang pari na binibigkas ang aking pangalan. Sa ganon na kondisyon ay nakatulog ako ngunit ang bangungot, nangyayari lang kapag tulog.

Napanaginipan ko ang simbahan kung saan nagpakamatay si father Mateo. Mausok ito at madilim. Nakatayo ako sa may pintuan ng simbahan na parang bagong pasok pa lamang sa loob.

Sa harap ng altar ay may kabaong na itim at may naririnig akong iba-ibang boses na parang bumubulong sa aking magkabilang tainga na "para sa iyo yan." ng paulit-ulit. Ang paahan ng kabaong na iyon ay nakatutok sa akin at sa itaas noon ay isang makapal na lubid na bumababa patungo sa loob ng kabaong. Pumasok ang lubid sa loob ng kabaong at dahan-dahan na itong umaaangot at nakabigti dito si father Mateo. Nakapikit ito at walang malay. Di gaya nung dati, mukha siyang payapang namayapa. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-angat ay nagbigkas ito ng ilang salita na mahina ang boses. "Ikaw na ang susunod."

Nagising ako at sa aking pag-dilat ay nakita kong katabi ko si Maiya na mahimbing na natutulog.

"Maiya!?" Bigla kong naitanong.

Dumilat siya at ngumiti. "Hindi! Ako pa rin ito!" Sagot niya na tinig ni Maiya. "Si Maiya lang ang nais mong makita kaya siya ang iyong nakikita."

Bumangon ako sa higaan at nagtungo sa pintuan ng silid.

"Hindi mo ba nakikita Angelo? I could be anything and I could give you everything you want. So how about let's make a deal?" Wika niya.

Hindi ko siya pinansin at binuksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Maiya na nakatayo sa labas na parang nag-aalala.

"Mahal kita Angelo!" Sabi niya pero hindi ko ito pinansin at dinaanan ko lang papuntang banyo ngunit yumakap ito sa aking likuran na nagpahinto sa akin. "Gusto mo ito Angelo diba? Makukuha mo lahat ng ito at iba pa makipagkasundo ka lang sa akin."

Napaisip ako dahil hindi ko na gusto ang takbo ng buhay ko ngayon ng bigla itong nagbalik sa tunay niyang anyo at boses. Dahan-dahang niyang hinihimas ng kanyang kanang kamay ang aking baba habang ang kaliwa niyang kamay ay nakapalibot sa aking baiwang. Ang ilong at labi niya naman ay malapit sa aking tainga.

"Gusto mo ba si Maiya? Hindi lang siya Angelo, pati ang mestiza niyang bestfriend na si Marie mapapasayo rin kung gugustuhin mo. Yayaman ka pa! Makipagkasundo ka lang sa akin. Lahat pa ng presidente at hari luluhod sa iyo. Makipagkasundo ka lang sa akin... Ang buhay ng tao ayon sa bibliya ay 60 years lang kaya oofferan kita ng limampung taong pagiging hari ng mundo. Pagsixty-five years old mo ay kukunin ko na ang iyong kaluluwa? Payag ka ba?" Alok niya. Tinanggal ko ang mga kamay niya at humarap sa kanya.

"Ayoko! Ang gusto kong deal ay yung hindi mo na ako papakialaman pa kahit kailan!" Sagot ko.

Ngumiti siya. "Ano ka siniswerte? Akin lang ang kaluluwa mo Angelo. Kahit anong mangyari, magiging akin ka! Pero dahil mabait ako, binibigyan kita ng choice. Ang mabuhay sa bangungot o ang maging hari ng mundo sa loob ng limampung taon? Nasayo ang pagpapasya. Pag-isipan mo."

Bigla siyang naglaho na parang usok.

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon