Chapter 18

359 24 2
                                    

[Maiya's POV]

Luhaan akong bumalik malapit sa may school kung saan naglalakad si Marie papalapit sa akin.

"Oh bakit umiiyak ka? Anong nangyari?" Malungkot na tanong ni Marie sa akin.

"Gago kasi siya... Ang sakit niya magsalita." Nagsimula na kaming maglakad pauwi ni Marie. "Tinanong ko lang naman siya kung may problema siya tapos..."

"Tapos ano?" Pausisang tanong ni Marie.

"Sinagot niya ako na makulit at paki-alamera daw ako. Kaya kung pwede daw, huwag ko na siyang kausapin."

"Aba gago siya ah! Ang tigas naman ng mukha niya! Kung andito lang siya sinampal ko na siya. Hindi! Dapat sa kanya suntukin sa bibig para maubusan ng ngipin at sabunutan hanggang sa makalbo para wala nang magkagusto sa kanya." Galit na sinabi ni Marie.

"Huwag naman. Sayang ang mukha niya." Pagtanggi ko.

"See. Gwapo lang siya kaya mo siya gusto. Huwag mong sabihin na ugali nanaman. Na napapasaya ka niya kaya mo siya gusto. Tingnan mo nga sarili mo, masaya ka pa ba?"

Tiningnan ko lang siya sa mga mata.

"Masaya ka pa ba sa pagtrato niya sa'yo?" Mahinahon na tanong niya. "Siguro dati pero hindi na ngayon diba?" Tumango ako. "See, nagbago na siya kaya magbago ka na din. Hindi siya deserving ng love mo. Siguro panahon na para isauli ko sayo ang advice mo sa akin nung second year na huwag muna magboyfriend para hindi masaktan."

Natawa ako. "Eh hindi naman applicable sa akin yun eh. Hindi ko siya boyfriend." Nagpatuloy ako sa pagtawa.

"Aba nakuha mo pang magbiro. Eh kung sabihin ko sayo na masnakakatawa ka pa kaysa sa joke mo, tatawa ka pa ba?"

Napahinto ako sa pagtawa, truth hurts nga.

"Ay Maiya, narinig kong last day na ng dalaw para doon sa pari na namatay. Bukas na raw kasi ng umaga ang libing. Gusto mo bang pumunta?"

"Tara!" Hindi na nag-atubiling sagot ko. Curious din kasi ako sa pagkamatay ng pari na iyon. Pari na nagsuicide? Sigurado akong alam ng pari na iyon na isang malubhang kasalanan ang magsuicide pero bakit niya ginawa? Iyon ang ipinagtataka ko.

Pasado alas sais na nung nakarating kami sa simbahan. Matao sa loob ngunit tahimik. May mga sumisilip sa kabaon at may mga nagdarasal. Pumila kami at naghintay sa pagkakataong masilip si father Mateo.

Pagkatapos kong sumilip ay lumapit ako sa pinakamalapit na madre sa amin.

"Uhmm... Sister, ano pong pangalan niyo." Tanong ko sa madre.

"Sister Marrielle."

"Ah! Alam niyo po ba kung bakit nagpakamatay si father Mateo?"

"Hindi eh. Ang alam ko lang, nung umagang nagpakamatay si father Mateo ay meron daw nakitang lalakeng nagpunta dito sa simbahan ng mga alas kwatro ng umaga. Medyo bata siya, mukhang teenager daw na may taas na 5'7 to 5'8..." Naalala ko si Angelo. "Nung narinig ko yun, may naalala akong high school student na kausap ni father Mateo dito ng mga bandang alas saix ng gabi bago ang araw na nagpakamatay siya."

"Si Angelo." Bigla kong nasabi.

"Huh? May alam ka ba dito?" Nagtatakang tanong niya.

Umiling ako. "Hindi, wala po. May naalala lang po ako."

"Maitsura yung bata. Pabagsak ang buhok, moreno, medyo payat at medyo pabilog ang mukha. Mula nung narinig ko na may pumuntang lalake dito nung umagang nagpakamatay si father Mateo, hindi maalis sa isip ko na baka may kinalaman yung batang iyon sa pagpapakamatay ni father."

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon