[Angelo's POV]
Nakauwi ako sa bahay na handang isakripisyo ang aking buhay para kay Maiya. Naisip ko na ito mula pa nung sinabi sa akin ni Maiya na ayaw niya ng ganitong buhay nung nakaharap namin ang demonyo. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng kutsilyo at nagtungo sa aking silid. Inakyat ko ang aking higaan at umupo sa pinakasulok ng higaan. Sumandal ako sa pader at napa-isip. Naaalala ko si Maiya. Hindi ko siya maalis sa aking isipan. Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata. Naisip ko na baka magalit siya sa akin kaya naisipan kong gumawa ng sulat para sa kanya. Sulat na magpapaliwanag kung bakit ako nagpasyang gawin ito.
Kumuha ako ng papel at ballpen at bumalik sa aking pwesto. Makalipas ang ilang sandali ay natapos ko na isulat ang liham. Hindi ko inakala na magiging panatag ang aking kalooban pagkatapos kong gawin ang liham. Nagawa ko pang ngumiti kahit basang-basa na ng luha ang mga pisngi ko pababa.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng itetext kay Maiya. "Tapos na ang lahat. Pwede nang tanggalin ang pagkakatali kay Maiya. Pumunta kayo dito sa bahay at magsama kaya ng mga pulis. Sabihin niyo na merong case ng suicide." Inihandang text ko para kay Maiya ngunit hindi ko pa sinend.
Ibinaba ko ang cellphone at dinampot ko ang kutsilyo sa aking tabi gamit ang aking kaliwang kamay. Nilaslas ko ang pulso ng aking kamay at agad na isinend ang hinando kong text para kay Maiya.
...
[Maiya's POV]
Ipinakita sa akin ni papa ang text ni Angelo gamit ang kanang kamay niya at niyakap niya ang aking ulo sa likod ng kaliwang kamay niya. Agad na tumulo ang aking mga luha sa mata hindi ko mapigilang umiyak na parang may waterfalls sa aking mga mata. Inaasahan ko na ito pero bakit ang sakit pa rin nung nabasa ko na. Nakakadurog ng puso!
"Pa alis na tayo!" Paki-usap ko kay papa habang umiiyak. Tumango siya at sinumalang tanggalin ang mga tali sa akin. Nagtungo muna kami sa pulisya bago kami pumunta sa bahay ni Angelo gaya ng tinext niya.
...
Dumating kami sa bahay ni Angelo. Agad nabuksan ng mga pulis ang pinto dahil hindi ito naka-lock.
Madilim at walang katao-tao sa bahay. Tumakbo ako patungo sa kwarto ni Angelo. Mabilis na sumunod sa akin si papa at ang dalawa naming kasamang mga pulis.
Binuksan ko ang pinto ng silid at nanlaki ang aking mga sa aking nakita. Nakita kong nakaupo si Angelo sa pinakasulok ng kanyang higaan. Nakasandal siya sa pader at ang ulo niya'y nakatilt sa kanyang kanan. Nakapikit siya at wala ng malay. May malaking laslas ang kanyang kanang kamay na pinagmumulan ng maraming dugo sa kanyang kama. Nakaletrang 'V' ang kanyang mga papa at sa gitna ng kanyang mga hita ay ang kanyang cellphone. Sa bandang kaliwa niya naman malapit sa kanyang kamay ay ang may dugong kutsilyo.
Medyo hinihingal pa ako sa pagtakbo pero napasigaw pa rin ako sa aking natunghayan. "Angelo!" Sigaw ko at napatakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya habang humahagulhol. "Angelo! Bakit!? Nakakainis ka!" Hiyaw ko sa kanya habang niyayakap ng mahigpit ang walang malay niyang katawan. Hinalikan ko siya sa labi ngunit bigla naman akong hinila ng pulis sa aking braso palayo kay Angelo.
"Ma'am tama na po yan. Iimbistigahan pa namin ang bangkay." Ani ng pulis.
Inalis ko ang pagkakahawak ng pulis sa alin braso at tiningnan siya ng masama.
"Ano ba!? Kung gusto niyo akong ikulong, ikulong niyo ako pero huwag niyo muna akong pakiki-alam dahil last ko na toh!" "Last ko na ito." Dugtong ko ng mahinhin.
Tumango ang pulis. Muli kong hinalikan at niyakap si Angelo. Wala ng init ang kanyang katawan at wala na ring tibok ang kanyang puso. Nakayakap na iniiyak ko ang puso ko sa kanya.
Tumahan na ako sa pag-iyak at lumuhod sa kanyang harapan. Napansin ko na may liham na nakatiklop ng tatlong beses na naka-ipit sa kanyang cellphone. May nakasulat dito na 'To: Maiya' sa itaas kaya kinuha ko ito bago umalis sa higaan. Sinita ako ng pulis.
"Ma'am kailangan po namin yan kasi-" wika ng pulis na ininterrupt ko.
"Nakikita mo 'to!?" Hiyaw ko habang itinuturo ang nakasulat na 'to: Maiya' sa papel. "Para sa akin to! Ngayon, kung gusto mong makichismis..." Binuklat ko ang sulat at pinakita sa pulis. "Pumunta ka sa bahay at sabihin mo lang pero sa akin to! Ah-Kin! Naiintindihan mo?"
"Yes, ma'am!" Sagot ng pulis.
"Tara na pa, uwi na tayo! Gusto ko nang matulog." Pag-anyaya ko kay papa!
...
Agad akong humiga sa aking kwarto pag-uwi ko sa bahay at binasa ang liham ni Angelo.
"Dear Maiya,
Sorry nga pala dahil hindi ko sinabi sa iyo ang desisyon ko. Alam ko naman kasi na hindi ka papayag at pipigilan mo ako kaya sana mapatawad mo ako..." Tumulo nanaman ang luha sa aking mga mata, una sa kaliwa at sumunod naman sa kanan. Hindi talaga! Hindi talaga dahil nais ko pa kaming magkasama.
"Pinag-isipan ko ito ng husto at sa tingin ko ito ang makakabuti hindi lang para sa ating dalawa kundi para sa lahat ng tao sa paligid ko dahil alam kong magbabalik pa ang demonyo at magpapatuloy ang sumpa sa akin.
Ayoko pang sumuko. Gusto ko pa sanang lumaban pero kung lalaban pa ako, mailalagay sa panganib ang buhay mo at iyon ang ayaw kong isugal. Ayokong magising sa umaga na mababalitaan kong nagpakamatay ka na kaya gagawin ko ang lahat mabali lang ang sumpa..." Lalong bumilis ang pagtulo ng aking mga luha at pilit kong pinipigilan ang aking sarili na humagulhol. Sira ka ba Angelo? Ayaw mong maranasan pero pinaranas mo sa akin! Andaya mo!
"Dapat nga siguro nung simula pa lang ginawa ko na to para wala ng nadamay. Kaya ko lang naman sinubukan lumaban dahil sa'yo. Nais pa kitang makita, makasama at makitang ngumiti ulit. Pero kung ito ang ikapapahamak mo, maiinis ako at baka hindi ko pa mapatawad ang sarili ko.
Ayaw ko pang magpatalo. Naiinis ako kasi mapride akong tao pero wala naman akong choice eh. Hindi ko alam kung paano tatalunin ang demonyo at kung magkamali ako, ikaw ang magiging kapalit. Ayaw ko nun! Ayoko talaga! Kaya tatanggapin ko na lang na talo ako.
Pero alam mo, naaalala ko yung mga sinasabi ng mga preacher at mga religious leader sa mga religious service na napuntahan ko. Sabi nila 'Jesus died for you because He loves you!' Sinakripisyo Niya sarili Niya para sa atin dahil mahal Niya tayo. Naisip ko rin na yun din ang ginagawa ko para sa'yo ngayon kasi mahal din kita. Ngayong naiisip ko yun, gumagaan ang pakiramdam ko. Nagagawa ko pa ngang ngumiti eh.
Naalala ko rin yung tinuro sa amin nung adviser ko nung first year pa lang ako. Sabi niya sa amin, iba daw ang panghuhusga ng tao sa panghuhusga ng Diyos. Ang mga tao hinuhusgahan ang kilos o gawa samantalang ang Diyos ay hinuhusgahan ang pakay o intention. Maaaring masama ka sa paningin at batas ng tao pero kung mabuti ang intensiyon mo, maaring mabuti ka pa rin sa mga mata ng Diyos. Ginawa niya ngang example yung si Robin Hood na nagnanakaw sa mayaman para ipamigay sa mga mahihirap. Siya yung nagdurusa, siya yung hinahanap ng batas pero hindi siya ang nakikinabang kundi yung mga mahihirap na nabubuhay sa ginagawa niya.
Kaya napagtanto ko na ang pagsasakripisyo ay ang pinakadakilang akto ng pagmamahal. Kaya kahit talo ako, pakiramdam ko morally victorious naman ako dahil naprotektahan ko ang pinakamamahal ko sa buhay. Hindi ko pinagsisihan na iniligtas ko si Samantha. Ngayong nabanggit ko siya, siguro malapit ko na siyang makita ulit pati si Ronnie. Siguro hindi tayo para sa isa't isa pero sa ngayon, mahal na mahal kita! Mahal na mahal kita Maiya! Sana huwag kang magalit sa akin. Patuloy pa rin kitang proproteksyunan kahit hindi mo na ako nakikita. Proprotektahan kita ng aking espirito. Pangako ko sa iyo iyan! Isa lang ang hihilingin ko sa'yo mabuhay ka ng masaya para sa akin.
-Nagmamahal,
Angelo Reyes"Niyakap ko ang liham at hindi ko mapigilang humikbi ng humikbi sa pag-iyak.
Nagpatuloy ang aking pag-iyak hanggang sa ako'y makatulog.
BINABASA MO ANG
Suicide School
HorrorMay nagsuicide sa Sacred Heart Christian College. Hindi iyon pinaniwalaan ni Angelo Reyes dahil may kutob siyang hindi iyon suicide. Magsuicide rin kaya siya kapag natuklasan niya ang mysteryo sa likod nito?