Chapter 6

2.9K 48 10
                                    

Chapter 6

June, 28

Thursday ng hapon

Mula sa school ay dumiretso ako sa hospital kung saan nakacheck-in si Ronnie. Ang tanawin ng walang malay kong kaibigan ay nagpapabigat sa aking damdamin. Parang ang hirap niyang lapitan kahit alam kong wala akong kasalanan. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanyang higaan. Tiningnan ko ang kanyang bendadong mukha at hindi ko natiis na hindi siya kausapin kahit na alam kong hindi niya ako naririnig dahil hindi ako sanay na hindi kami nagbibiruan pag magkasama.

“Parang kailan lang tinatawanan mo ako nung sinabi kong baka may multo sa building 5 diba? Sino ngayon sa ating ang nakakatawa?” Natatawang sinabi ko sa aking kaibigang walang malay na agad nawala dahil sa lungkot.

Naalala ko ang mga sinabi ni ms.Sanchez tungkol kay Ronnie...

“Pare alam mo, hindi ako naniniwalang sinubukan mong magpakamatay. Wala ka naman nabanggit sa akin na may problema ka o ano namang maaring dahilan para magpakamatay ka diba? Kaya tol pinapangako ko sayo na aalamin ko kung anong meron sa building 5. Yun lang ang magagawa ko para sa iyo.” Seryosong sinabi ko.

“Sige, alis na ako.”

...

Umuwi ako sa bahay para magresearch tungkol sa multo dahil hindi naman pwedeng pumunta ako doon ng hindi alam ang gagawin diba?

Binuksan ko ang aking computer at pumunta sa website na Google.com

sinearch ko doon “How to get rid of Ghost”

Wow ang daming results, about 16,200,000 results (0.17 seconds)

Inisa-isa ko ang mga website na lumabas sa aking search. Halos lahat ay pare-pareho ang mga payo. Ito ang mga ilan sa mga payong nabasa ko.

Huwag daw matakot dahil ang takot ay nagpapalakas sa enerhiya ng multo. Kausapin ang multo dahil kadalasan ay hindi niya alam na patay na siya o kailangan niya ng tulong. Ipaalam na patay na siya at panahon na para lisanin niya ang mundo at pumunta sa liwanag (ituro ang itaas) na magdadala sa kanya sa kabilang buhay.

Kung sa tingin mo hindi mo kaya makipag-usap sa multo, pakiusapan mo siyang umalis. Huwag sumigaw at wag magalit. Ang mga emotion na ito ay lumilikhang negatibong enerhiya.

Kadalasan ang multo ay umaalis kapag sinabihan mo. Pero pag hindi ito gumana para sayo, kailangan mong gumamit ng ibang paraan. Huwag gumamit ng ouja boards, tarot cards o witchcraft maliban na lang kung alam mo ang ginagawa mo dahil baka makatawag ka pa ng ibang multo na dadagdag sa problema mo.

Maraming paraan para paalisin ang multo depende sa iyong paniniwala.

Gumamit ng holy water, asin, bawang, insensyo at magsabi ng dasal.

Yun ang mga advice ng mga nabasa kong website pero hindi pa rin ako nakuntento kaya nagputloy ako sa paglipat ng page hanggang sa makarating ako sa page 13 at may nabuksan akong website ng isang ghost hunter.

Suicide SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon